Seminary
2 Nephi 28:27–32: “Siya na Tumatanggap ay Bibigyan pa [ng Diyos] ng Karagdagan”


“2 Nephi 28:27–32: ‘Siya na Tumatanggap ay Bibigyan pa [ng Diyos] ng Karagdagan,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 28:27–32,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 28:27–32

“Siya na Tumatanggap ay Bibigyan pa [ng Diyos] ng Karagdagan”

kabataang nagdarasal

Mayroon ka bang mga tanong na pang-espirituwal na hindi nasasagot, o hinihiling mo ba kung minsan na mas mabilis na lumakas ang iyong patotoo? Ipinaliwanag ni Nephi na ang kaalaman mula sa Ama sa Langit ay dumarating nang paunti-unti kapag handa tayong patuloy na tanggapin ang itinuturo Niya sa atin. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mapalalim ang iyong pag-unawa tungkol sa kung paano maihahayag ng Ama sa Langit ang katotohanan sa atin.

Pagtuturo sa mga estudyante na ihalintulad ang mga banal na kasulatan. Ang paghahalintulad sa mga banal na kasulatan ay pagkukumpara ng mga ito sa sariling buhay. Hikayatin ang mga estudyante na magtanong tulad ng, “Anong mga kalagayan at sitwasyon sa buhay ko ang katulad ng mga kalagayan at sitwasyon sa talata na ito ng banal na kasulatan?” o “Paano ako nagiging katulad ng mga tao na pinag-aaralan namin sa mga banal na kasulatan?”

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang 2 Nephi 28:30 at pumasok sa klase na handang magbahagi ng isang halimbawa kung paano itinuturo sa atin ng Diyos ang Kanyang ebanghelyo nang paunti-unti.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Tinuturuan tayo ng Diyos nang paunti-unti

Sa halip na gamitin ang sumusunod na analohiya tungkol sa isang hagdanan, maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pag-aalok sa isang estudyante ng masarap na pagkain na masyadong malaki upang kainin sa isang subo. Kapag kumagat ang estudyante, itanong sa kanya kung bakit siya nagsimula sa isang kagat lang sa halip na kainin ito nang buo. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na basahin ang 2 Nephi 28:26–30, at alamin kung paano makatutulong sa atin ang object lesson na ito na mas maunawaan ang proseso ng pagdaragdag ng ating espirituwal na kaalaman.

hagdanang paakyat

Ipagpalagay na nakatingala ka at tinitingnan ang isang mataas na hagdanan na kumakatawan sa iyong espirituwal na kaalaman at pag-unawa.

  • Kung ang itaas ng hagdanan ay kumakatawan sa kaalaman ng Diyos, nasaan sa palagay mo ang kasalukuyang antas ng kaalaman mo?

  • Ano ang mga paraan na tinutulungan tayo ng Diyos na madagdagan ang ating espirituwal na kaalaman at pag-unawa sa paglipas ng panahon?

  • Ano ang mangyayari sa isang taong hindi ginagawa ang susunod na hakbang dahil nadarama nilang kuntento na sila sa kaalamang mayroon na sila?

Sa 2 Nephi 28, ipinagpatuloy ni Nephi ang kanyang propesiya sa mga huling araw. Inilarawan niya ang ilan sa mga pag-uugaling magiging laganap sa ating panahon at nagbahagi siya ng huwarang ginagamit ng Panginoon upang tulungan tayong matanggap at maunawaan ang katotohanan.

Basahin ang 2 Nephi 28:26–30, at pagnilayan kung paano nakatutulong sa iyo ang analohiya sa hagdanan upang maunawaan ang mga katotohanang itinuro ni Nephi tungkol sa Panginoon. Maaaring makatulong na malaman na ang mga tuntunin ay mga kautusan o alituntunin na nagtuturo sa atin kung paano kumilos.

Ang 2 Nephi 28:30 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong markahan ang mga doctrinal mastery passage sa natatanging paraan upang madali mong mahanap ang mga ito. Magkakaroon ka ng pagkakataon sa susunod na lesson na magsanay na gamitin ang doktrinang itinuturo sa scripture passage na ito sa isang tanong o sitwasyon.

  • Ano ang ipinapaunawa sa iyo ng scripture passage na ito tungkol sa Panginoon? Paano mapagpapala ng pag-unawang ito ang iyong buhay?

  • Sa iyong palagay, bakit hindi tinatanggap ng ilang tao ang pagkakataong matuto nang higit pa sa nalalaman na nila tungkol sa salita ng Diyos?

Basahing muli ang talata 30 at isipin kung paano mo ibubuod sa sarili mong mga salita ang itinuturo nito. Maaari mong isulat ang buod mo sa iyong mga banal na kasulatan sa tabi ng talatang ito.

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga buod.

Isang huwaran para sa ating espirituwal na pag-unlad

Isa sa mga katotohanang matatagpuan sa scripture passage na ito ay inihahayag ng Diyos ang katotohanan nang taludtod sa taludtod sa mga taong tatanggap nito.

  • Paano naging pagpapala ang pagtuturo ng Diyos sa atin nang paunti-unti sa halip na lahatan?

  • Paano makatutulong sa atin ang pag-aaral nang paunti-unti upang maging higit na katulad tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo? Anong mga katangiang tulad ng kay Cristo ang matataglay natin sa tulong ng paraan na ito?

Mga huwaran ng liwanag

ChurchofJesusChrist.org Maghanap ng mga huwaran na ginagamit ng Diyos upang ipahayag ang Kanyang kalooban sa Kanyang mga anak.

3:4

Sa halip na gamitin ang sumusunod na mungkahi sa pag-aaral, maaari mong gamitin ang aktibidad sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na matatagpuan sa bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral.”

Basahin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na scripture passage, at alamin kung ano ang idinaragdag ng mga ito sa naunawaan mo sa 2 Nephi 28:30. Maaari mong iugnay o i-cross-reference ang mga talatang ito sa 2 Nephi 28:30 sa iyong mga banal na kasulatan.

  • Ano ang natutuhan mo mula sa mga scripture passage na ito na nakatulong sa iyo na mas maunawaan ang 2 Nephi 28:30?

  • Ano ang ilang halimbawa ng kung paano makatutulong sa isang tao ang mga katotohanang itinuturo sa 2 Nephi 28:30?

  • Kailan mo nakita na paunti-unting nagtuturo ang Diyos sa iyong buhay o sa buhay ng mga taong nasa paligid mo?

Pag-isipan kung paano unti-unting lumago ang iyong pag-unawa at patotoo tungkol sa ebanghelyo sa paglipas ng panahon. Isulat sa iyong study journal kung ano sa iyong palagay ang nais ng Ama sa Langit na alalahanin at gawin mo dahil sa napag-aralan mo ngayon.

Maaari mong ipabahagi sa ilang boluntaryo ang ilang bahagi ng isinulat nila.