“2 Nephi 26–30: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“2 Nephi 26–30: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
2 Nephi 26–30
Buod
Nangako si Jesucristo na isasagawa ang kagila-gilalas na gawain ng pagpapanumbalik ng Kanyang ebanghelyo sa mundo, kabilang na ang Aklat ni Mormon, sa mga huling araw. Tinukoy ni Nephi ang ilan sa mga maling ideya at estratehiya na gagamitin ni Satanas upang tangkaing ilayo ang mga tao kay Jesucristo. Ipinaliwanag niya na ang kaalaman mula sa Ama sa Langit ay madalas na dumarating nang paunti-unti habang handa tayong patuloy na tanggapin ang itinuturo Niya sa atin. Ipinropesiya rin ni Nephi na sa mga huling araw, tatanggihan ng maraming tao ang Aklat ni Mormon dahil mayroon na silang Biblia.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
2 Nephi 27
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng higit na pasasalamat sa Panginoon para sa pagpapanumbalik ng Aklat ni Mormon sa mundo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi tungkol sa isang tao na nakagawa ng isang bagay na kagila-gilalas para sa kanila o para sa isang taong kakilala nila. Halimbawa, marahil ay may nagligtas sa kanila mula sa mapanganib na sitwasyon o nagbigay sa kanila ng maganda at mamahaling regalo.
-
Video: “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?” (15:01; manood mula sa time code na 5:38 hanggang 11:26)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa mga breakout room at sabihin sa kanila na punan ang chart sa lesson kasama ang kanilang grupo.
2 Nephi 28:1–26
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga tusong taktika ni Satanas at hingin ang tulong ng Tagapagligtas upang madaig ang mga ito.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na panoorin ang “Maging Alisto at Patuloy na Manalangin” (15:59) mula sa time code na 1:27 hanggang 5:00, at alamin kung paano makapagtuturo ng mahahalagang katotohanan tungkol sa mga taktika ni Satanas ang kaalaman tungkol sa mababangis na hayop. Ang video na ito ay mapapanood sa ChurchofJesusChrist.org.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sa bahagi ng lesson kapag naghahanap ang mga estudyante ng mga banal na kasulatan o mga turo mula sa mga lider ng Simbahan na makatutulong sa kanila na madaig si Satanas, maaari mo silang anyayahang gamitin ang chat function para mai-post ang nahanap nila. Pumili ng ilang reperensyang banal na kasulatan o pahayag na sama-samang babasahin bilang klase.
2 Nephi 28:27–32
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mapalalim ang kanilang pag-unawa tungkol sa kung paano inihahayag ng Ama sa Langit ang katotohanan sa atin.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang 2 Nephi 28:30 at pumasok sa klase na handang magbahagi ng isang halimbawa kung paano itinuturo sa atin ng Diyos ang Kanyang ebanghelyo nang paunti-unti.
-
Bagay: Maraming pagkain na maibabahagi sa isang estudyante
Doctrinal Mastery: 2 Nephi 28:30
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Nephi 28:30, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga makatotohanang sitwasyon.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong ipasaulo sa mga estudyante ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang pariralang “2 Nephi 28:30: Ang Diyos ay ‘magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, tuntunin sa tuntunin.’”
-
Nilalamang ipapakita: Ang mga sitwasyon at mga tanong sa talakayan sa bahaging “Pagsasanay ng pagsasabuhay”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Matapos sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “taludtod sa taludtod,” maaari mo silang hikayatin na gamitin ang kanilang camera upang ipakita ang isang bagay na kinailangan nilang matutuhang gawin nang taludtod sa taludtod, o paunti-unti.
2 Nephi 29
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na maging mas handang tanggapin ang salita ng Panginoon sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang ginagawa nila upang maging handang tumanggap ng mga salita mula sa Diyos.
-
Handout: Ang questionnaire na ibibigay sa mga estudyante o ipapakita upang makumpleto nila ito sa kanilang study journal
-
Bagay: Isang basong walang laman
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Matapos itanong ang “Anong kaalaman at mga pagpapala ang sa palagay mo ay nais ng Diyos na matanggap natin sa pamamagitan ng Aklat ni Mormon?” maaari mong patingnan sa mga estudyante ang mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2017, “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?” (Liahona, Nob. 2017, 60–63). Maaari mong ipanood ang video ng kanyang mensahe mula sa time code na 5:35 hanggang 8:44 upang marinig ang mga halimbawa kung paano sumagot ang mga tao sa tanong na ito.