“Mosias 1–3: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Mosias 1–3,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Mosias 1–3
Buod
Si Haring Benjamin ay isang pinuno na naglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa kanyang mga tao at pagtuturo sa kanila na paglingkuran ang isa’t isa. Itinuro niya na “kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos” (Mosias 2:17). Inanyayahan niya ang kanyang mga tao na maghangad ng kaligayahan sa pamamagitan ng matwid na pamumuhay at katapatan sa Diyos. Dinalaw siya ng isang anghel, at ibinahagi niya sa kanyang mga tao ang patotoo ng anghel tungkol kay Jesucristo, sa mga bagay na mararanasan ng Tagapagligtas, at ang katotohanan na ang kaligtasan ay dumarating lamang sa pamamagitan ng pangalan ni Cristo.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Mosias 2:1–18
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay ginawa upang tulungan ang mga estudyante na mas mapaglingkuran ang Diyos sa pamamagitan ng mas mabuting paglilingkod sa iba.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng maliit na paraan upang mapaglingkuran ang isang tao bago ang susunod na lesson.
-
Nilalamang ipapakita: Ang self-assessment mula sa simula ng lesson sa pisara
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para sa self-assessment kung saan inilarawan ng mga estudyante ang kanilang nadarama tungkol sa mga pagkakataong maglingkod, maaari mong ipakita ang mga pahayag at sabihin sa mga estudyante na i-rate ang kanilang sarili sa isang pirasong papel.
Doctrinal Mastery: Mosias 2:17
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery passage at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 2:17, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumunta sa klase na napag-isipan ang isang pagkakataon na nagkaroon sila ng mahirap na karanasan sa paglilingkod o pagkakataong maglingkod ngunit ayaw nilang maglingkod.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para sa bahagi ng lesson kung saan magsusulat ang mga estudyante ng kanilang sariling sitwasyon, maaari mo silang anyayahang ibahagi ang kanilang mga sitwasyon sa chat. Kung makikinabang ang mga estudyante sa pakikipagtulungan sa isang kapartner, ayusin sila sa mga breakout room.
Mosias 2:19–41
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na hangarin “ang pinagpala at maligayang kalagayan ng mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos” (Mosias 2:41).
-
Paghahanda ng estudyante: Maaaring anyayahan ang mga estudyante na tapusin ang sumusunod na pahayag at maging handang talakayin ang kanilang sagot: “Ang tunay at nagtatagal na kaligayahan ay matatagpuan sa pamamagitan ng …”
-
Video: “Count Your Blessings [Mga Pagpapala ay Bilangin]” (4:59)
-
Handout:“Ang Pinagpala at Maligayang Kalagayan ng mga Yaong Sumusunod sa mga Kautusan”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sa simula ng lesson, maaaring mag-post ang mga estudyante sa chat ng iba’t ibang pagpapalang ibinigay sa kanila ng Diyos. Makatutulong ito sa mga estudyante na matukoy ang mga pagpapalang maaaring hindi nila naisip noong una.
Doctrinal Mastery: Mosias 2:41
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 2:41, maipaliwanag ang doktrinang itinuturo sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaaring hilingin sa mga estudyante na pumili ng isang kautusan na sinisikap nilang sundin, pagkatapos ay maging handang ibahagi kung paano sila napagpala sa pagsunod sa kautusan.
-
Nilalamang ipapakita: Ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 2:41 sa pisara; ang sitwasyon mula sa bahaging “Pagsasabuhay”
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Papel at isang bagay na gagamitin sa pagdrowing (Bilang alternatibo, maaari ding gawin ng mga estudyante ang aktibidad sa kanilang study journal.)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para sa sitwasyon sa bahaging “Pagsasabuhay,” maaari mong pagpangkat-pangkatin ang mga estudyante sa tatlong breakout room, isa para sa bawat alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaaring ipaliwanag ng isang tagapagsalita mula sa bawat grupo ang bahagi ng Doctrinal Mastery Core Document (2022) na ibabahagi nila sa tao sa sitwasyon.
Mosias 3:1–17
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng ginawa ni Jesucristo upang sila ay maligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na talakayin sa isang kapamilya, kaibigan, o lider ng Simbahan ang mga pagpapalang posible lamang dahil kay Jesucristo.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Matapos pag-aralan at pagnilayan ng mga estudyante ang Mosias 3:5–10, maaari mong sabihin sa kanila na i-post sa chat ang mga parirala sa banal na kasulatan na tumimo sa kanilang isipan o ang mga tanong nila tungkol sa mga talata. Maaari mo ring sabihin sa mga estudyante na basahin ang mga komento sa chat at pumili ng mga parirala o tanong na tatalakayin sa klase.