“Mosias 2:19–41: ‘Pinagpala sa Lahat ng Bagay,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Mosias 2:19–41,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Mosias 2:19–41
“Pinagpala sa Lahat ng Bagay”
Ano ang handa mong gawin upang makatanggap ng walang-hanggang kaligayahan? Inanyayahan ni Haring Benjamin ang kanyang mga tao na hangarin ang kaligayahang ito sa pamamagitan ng matwid na pamumuhay at katapatan sa Diyos. Makatutulong sa iyo ang lesson na ito na hangarin “ang pinagpala at maligayang kalagayan ng mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos” (Mosias 2:41).
Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Bilangin ang iyong mga pagpapala
Kantahin o basahin ang mga titik ng “Mga Pagpapala ay Bilangin” (Mga Himno, blg. 147), o panoorin ang sumusunod na video. Isipin ang mga titik at kung paano nauugnay ang mga ito sa iyong buhay.
Matapos magturo tungkol sa paglilingkod, inanyayahan ni Haring Benjamin ang mga Nephita na pag-isipan kung paano nila hinahangad at tinatanggap ang mga pagpapala ng Ama sa Langit. Habang nag-aaral ka ngayon, pagnilayan kung paano ka napagpala ng Panginoon sa pagsisikap mong sundin ang Kanyang mga kautusan.
Basahin ang Mosias 2:19–25, at alamin ang sagot sa alinman sa mga sumusunod na tanong:
-
Sa anong mga paraan pinagpala ng Diyos ang mga Nephita? Maaari mong markahan ang anumang pagpapala na mayroon ka na katulad ng sa kanila.
-
Ano ang ginagawa ng Diyos kapag sinusunod natin ang Kanyang mga kautusan? Gaano kabilis Niya ito nagagawa?
-
Ano ang itinuturo sa iyo ng mga talatang ito tungkol sa Diyos?
Matapos tulungan ang mga Nephita na matanto ang kanilang mga pagpapala, ipinaalam ni Haring Benjamin na ang kanyang anak na si Mosias ang magiging bagong hari nila. Ipinaalala niya sa kanila ang maraming paraan kung paano maaaring mawala sa mga tao ang kanilang mga pagpapala sa pamamagitan ng pagtatalo, paglabag, paghihimagsik, at pagsuway sa mga kautusan ng Diyos. Itinuro din niya ang mga walang-hanggang bunga ng mga kilos at pag-uugaling iyon at nangako sa mga sumusunod sa mga kautusan. (Tingnan sa Mosias 2:29–40.)
Pinagpala at maligaya
Basahin ang Mosias 2:41, at alamin ang pangakong ibinigay ni Haring Benjamin.
-
Paano mo maibubuod ang talata 41 sa isang alituntunin ng katotohanan?
Isa sa mga pangakong ginawa sa Mosias 2:41 ay kung susundin natin ang mga kautusan ng Diyos, pagpapalain tayo ng Diyos sa temporal at espirituwal. Gayunpaman, marami pa tayong matututuhan mula sa talatang ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng bawat parirala nang isa-isa.
Maaaring kabilang sa mga temporal na pagpapala ang mga bagay tulad ng pisikal na kalusugan, kasaganaan, o iba pang mga pagpapala na may kaugnayan sa mortal na buhay. Ang mga espirituwal na pagpapala ay mga bagay na walang hanggan. Kabilang dito ang ating patotoo, ang ating kaugnayan sa Diyos at sa ating pamilya, pagpapatawad sa mga kasalanan, patnubay sa pamamagitan ng Espiritu Santo, at iba pa.