Seminary
Doctrinal Mastery: Mosias 2:41—“Ang Pinagpala at Maligayang Kalagayan ng mga Yaong Sumusunod sa mga Kautusan ng Diyos”


“Doctrinal Mastery: Mosias 2:41—‘Ang Pinagpala at Maligayang Kalagayan ng mga Yaong Sumusunod sa mga Kautusan ng Diyos,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Mosias 2:19–41,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: Mosias 2:41

“Ang Pinagpala at Maligayang Kalagayan ng mga Yaong Sumusunod sa mga Kautusan ng Diyos”

mga kabataan na nagtatawanan

Sa nakaraang lesson, natutuhan mo na kung susundin natin ang mga kautusan ng Diyos, pagpapalain Niya tayo sa temporal at espirituwal. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 2:41, maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

Pagtuturo ng mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta nang may pananalig at layunin. Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland, “Kung hindi kayo masigasig tungkol sa isang bagay, hindi ninyo maaasahan na ganito rin ang madama ng inyong mga estudyante” (“Mga Anghel at Panggigilalas” [mensaheng ibinigay sa Church Educational System annual training broadcast, Hunyo 12, 2019]). Magturo nang may pananalig at katatagan batay sa sarili mong patotoo tungkol sa Tagapagligtas at sa mga walang-hanggang katotohanan ng Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo.

Paghahanda ng estudyante: Maaaring hilingin sa mga estudyante na pumili ng isang kautusan na sinisikap nilang sundin. Pagkatapos ay maghanda sila na ibahagi kung paano sila napagpala sa pagsunod sa kautusan.

Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang doctrinal mastery passage lesson na ito ay ginawa upang maituro pagkatapos ng lesson na “Mosias 2:19–41,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na Mosias 2:41. Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery passage lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggong iyon.

Isaulo at ipaliwanag

Isulat ang Mosias 2:41 at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan na “Yaong mga sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay” sa pisara. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magdrowing o gumuhit ng isang larawan na kumakatawan sa doktrinang itinuro sa passage na ito.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang ginawa nila sa kanilang kapartner o sa maliliit na grupo. Sabihin sa kanila na talakayin kung aling mga salita o parirala ang binigyang-diin nila sa kanilang drowing at kung bakit sa palagay nila ay mahalaga ang mga ito.

Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang mga drowing nila upang isaulo ang scripture reference at mahalagang parirala.

Pagsasabuhay

Ipakita ang sitwasyon o bigyan ang mga estudyante ng kopya habang kinukumpleto nila ang sumusunod na aktibidad. Ang sitwasyong ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang maunawaan na ang mga pagpapala at kaligayahan ay nagmumula sa pagsunod. Makatutulong din ito sa kanila na manatiling matapat kahit nahihirapan silang matukoy ang mga pagpapalang ibinibigay sa kanila ng Panginoon. Maaari mong baguhin ang sitwasyong ito ayon sa mga pangangailangan o sitwasyon ng iyong mga estudyante.

Si Jenna ay may doctrinal mastery lesson sa seminary na nagbigay-diin na ang pagsunod sa mga kautusan ng Diyos ay nagdudulot ng higit na kaligayahan at mga pagpapala sa ating buhay. Pagkatapos, nagulumihanan si Jenna tungkol sa sarili niyang sitwasyon. Sinisikap niyang sundin ang mga kautusan ngunit tila hindi niya madama na mas madali, mas masaya, o mas maganda ang buhay niya. Nahihirapan pa rin siya sa paaralan at mayroon siyang ilang problema sa pamilya at mga kaibigan. Kung ang pagsunod niya sa mga kautusan ay dapat magdulot ng kaligayahan, bakit ganito ang nadarama niya?

Ang isang paraan upang matulungan ang mga estudyante na magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa sitwasyong ito ay isulat ang tatlong alituntunin bilang mga heading sa pisara (tingnan sa Doctrinal Mastery Core Document [2022], 3–4). Sabihin sa mga estudyante na isulat sa pisara sa ilalim ng angkop na heading ang mga pahayag na sa palagay nila ay makatutulong kay Jenna. Maaari mo silang anyayahang makilahok sa pamamagitan ng pagbibigay ng chalk o marker sa isang estudyante at pagkatapos ay sabihin sa estudyante na ipasa ang chalk o marker sa ibang estudyante pagkatapos niyang magsulat sa pisara. Talakayin ang isinulat ng mga estudyante sa pisara.

Kumilos nang may pananampalataya

Basahin ang talata 5–6 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Maghanap ng mga parirala na makatutulong kay Jenna.

  • Ano ang maibabahagi mo mula sa mga talatang ito upang matulungan si Jenna na kumilos nang may pananampalataya?

  • Sa iyong palagay, paano ito makatutulong kay Jenna?

Maaari mong ipaliwanag ang kaugnayan ng pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland sa talata 6 na “humawak nang mahigpit” at ang pangako ni Haring Benjamin sa Mosias 2:41 sa mga yaong “mananatiling matapat hanggang wakas.” Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na bagama’t hindi kaagad nakikita ang ilang pagpapala, makasusulong tayo nang matapat na nagtitiwala na tutuparin ng Diyos ang Kanyang mga pangako (tingnan sa Mosias 2:22).

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

Basahin ang talata 8 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Maghanap ng mga parirala na makatutulong kay Jenna.

  • Ano ang maibabahagi mo kay Jenna?

  • Bakit mo ito ibabahagi sa kanya?

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

Basahin ang talata 11 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Maghanap ng mga parirala na makatutulong kay Jenna.

  • Ano ang ilan sa iba pang mga sources na mula sa Diyos ang maaari mong irekomendang gamitin ni Jenna?

  • Sa iyong palagay, paano ito makatutulong sa kanya?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang mga pagpapalang natanggap nila nang sinikap nilang sundin ang mga kautusan ng Diyos. Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga pagpapala na kaagad nilang natanggap at ng mga pagpapala na matagal bago nila natanggap. Magpatotoo na sa walang hanggang karunungan ng Diyos, hindi lamang Niya pinagpapasiyahan kung anong mga pagpapala ang ibibigay kundi pati na rin ang pinakamainam na panahon kung kailan natin dapat matanggap ang mga ito.

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Sa mga susunod na lesson, tulungan ang mga estudyante na sandaling rebyuhin ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 2:41. Isulat sa pisara ang mahalagang parirala at sabihin sa mga estudyante na punan ang mga patlang. Maaari mong iakma ang halimbawa sa ibaba upang bigyang-diin ang anumang salita na maaaring kailanganin ng iyong mga estudyante ng tulong para maalala:

Mosias : – “Yaong sa mga ng Diyos … ay sa .”

Sabihin sa mga estudyante na ulitin ang reference at mahalagang parirala nang ilang beses hanggang sa maisaulo nila ito. Maaari mo ring balikan ang mga drowing para sa passage na ito na nauna nilang ginawa.