Seminary
Mosias 9–10: “Sa Lakas ng Panginoon”


“Mosias 9–10: ‘Sa Lakas ng Panginoon,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Mosias 9–10,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Mosias 9–10

“Sa Lakas ng Panginoon”

kabataang nagdarasal

Posible bang masyado tayong nakatuon sa isang bagay na gusto natin kaya gumagawa tayo ng mga desisyon nang hindi isinasaalang-alang ang mga posibleng ibubunga nito? Masyadong nakatuon si Zenif sa pagbalik sa lupain ng Nephi at sa pagtatayo muli ng mga lungsod doon kaya nakaligtaan na niyang isaalang-alang ang ilan sa mga posibleng maging negatibong bunga ng kanyang desisyon. Matapos maranasan ang ilan sa mga ibinunga nito, bumaling si Zenif at ang kanyang mga tao sa Panginoon nang may pananampalataya. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na malaman kung paano ka makatatanggap ng lakas mula sa Panginoon kapag nanalangin ka at humayo nang may pananampalataya.

Pagtulong sa mga estudyante na mahiwatigan ang Espiritu Santo. Ipaalala sa mga estudyante na ititimo ng Espiritu Santo sa kanilang isipan ang kahalagahan ng isang doktrina o alituntunin ng ebanghelyo. Hihikayatin din sila ng Espiritu Santo na hangaring ipamuhay ang ebanghelyo at bibigyan sila ng mga ideya kung paano nila iyon magagawa.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng kahulugan ng mga salitang labis na nagpabigla-bigla. Hikayatin sila na dumating sa klase na handang ibahagi kung saan labis na nagpabigla-bigla kung minsan ang mga tinedyer at ang mga problema na maaaring ibunga nito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Solar eclipse

Ipakita ang sumusunod na tanong at larawan. Bilang alternatibo, maaari mong simulan ang klase sa pahayag ni Elder Gary E. Stevenson na nasa ibaba at pagkatapos ay itanong ang kasunod na dalawang tanong.

  • Ang sukat ng araw ay 400 beses ng sukat ng buwan, kaya paano matatakpan, o mahaharangan, ng buwan ang liwanag at init ng araw tulad ng ipinapakita sa sumusunod na larawan?

solar eclipse

Kung hindi alam ng mga estudyante ang sagot, ipaliwanag ang sumusunod:

Dahil di-hamak na mas malapit ang buwan sa mundo kaysa sa araw, maaari itong magmukhang kasinglaki ng araw at humarang sa liwanag nito. Kahit ang isang bagay na kasingliit ng iyong hinlalaki ay makakaharang sa pagtingin mo sa araw kung ilalapit mo ito sa iyong mata.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ilapit ang hinlalaki nila sa kanilang mga mata para matakpan ito at hindi makita ang isang bagay na mas malaki.

Ipinaliwanag ni Elder Gary E. Stevenson ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paano magiging analohiya para sa ating espirituwal na buhay ang solar eclipse. Panoorin ang “Espirituwal na Eklipse” (15:12), na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, mula sa time code na 1:01 hanggang 3:53, o basahin ang sumusunod na pahayag.

2:3

Sa parehong paraan na maaaring harangan ng napakaliit na buwan ang napakalaking araw, pinapawi ang liwanag at init nito, ang espirituwal na eklipse ay nangyayari kapag tinutulutan natin ang maliliit at nakaiinis na mga balakid—na mga kinakaharap natin sa buhay araw-araw—na ituon tayo rito nang husto kaya nahaharangan nito ang kalakhan, ningning, at init ng ilaw ni Jesucristo at ng Kanyang ebanghelyo. (Gary E. Stevenson, “Espirituwal na Eklipse,” Liahona, Nob. 2017, 45)

  • Ano ang ilan sa mas maliliit na bagay na pinagtutuunan natin kung minsan na maaaring makahadlang sa pagtuon natin kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo?

  • Anong mga problema o negatibong bunga ang maaaring magmula sa masyadong pagtuon sa mas maliliit na bagay na ito?

Isipin kung ano ang maaaring pinagtutuunan mo ng pansin na maaaring nakahahadlang sa pagtutuon mo kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Sa iyong pag-aaral, alamin ang mga katotohanan na makatutulong sa iyo na muli kang magtuon sa Panginoon upang maiwasan mo ang “espirituwal na eklipse.”

pagiging labis na nagpabigla-bigla ni Zenif

Sa nakaraang lesson, nalaman mo na pinamunuan ni Zenif ang isang grupo ng mga tao mula sa lupain ng Zarahemla pabalik sa lupain ng Nephi.

paglalarawan ng mga paglalakbay ng mga Nephita upang mabawi ang lupain ng Nephi

Matindi ang hangarin ni Zenif na manahin ang lupaing ito, ngunit ang kanyang hangarin ay nagdulot ng problema sa kanya at sa kanyang mga tao.

Basahin ang Mosias 9:1–3, 6, 10–15 (tingnan din sa Mosias 7:21), at alamin kung paano humantong sa hindi maganda ang pinagtuunan ni Zenif at ng kanyang mga tao. Tandaan na ang ibig sabihin ng labis na nagpabigla-bigla ay masyadong sabik na maisakatuparan o matamo ang isang bagay.

  • Ano ang ilan sa mga ibinubunga ng pagiging labis na nagpabigla-bigla at mabagal sa pag-alaala sa Panginoon?

Kung kinakailangan, magtanong sa mga estudyante tulad ng “Ayon sa Mosias 9:3, anong mga paghihirap ang dinanas ni Zenif at ng kanyang mga tao? Bakit?”

Ang isang katotohanan na matututuhan natin ay ang pagiging labis na nagpabigla-bigla at mabagal sa pag-alaala sa Panginoon ay maaaring magbunga ng hindi maganda.

  • Ano ang ilang paraan na tayo ay nagiging labis na nagpabigla-bigla at mabagal sa pag-alaala sa Panginoon ngayon?

  • Anong hindi magagandang bunga ang maaari nating kaharapin?

Pagbaling sa Panginoon

Si Zenif at ang kanyang mga tao ay namuhay nang payapa sa loob ng maraming taon bago hinangad ng hari ng mga Lamanita na ipatupad ang kanyang plano na gawin silang alipin. Basahin ang mga sumusunod na scripture passage upang malaman kung paano bumaling si Zenif at ang kanyang mga tao sa Panginoon nang sumalakay ang mga Lamanita upang sakupin sila.

Ipakita ang mga sumusunod na scripture passage at tanong. Maaari mong pagpartner-partnerin o ilagay sa maliliit na grupo ang mga estudyante para basahin ang mga passage at talakayin ang mga tanong bago sabihin sa ilang estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga ideya.

  • Ano ang ginawa ng mga tao upang magtiwala sila sa Panginoon? Ano ang naging mga resulta nito?

  • Anong mga katotohanan ang matututuhan natin sa salaysay na ito?

Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa salaysay na ito ay kung tayo ay mananalangin at hahayo nang may pananampalataya, mahaharap natin ang mga hamon at pagsubok sa atin sa lakas ng Panginoon.

  • Ano ang alam ninyo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na nagbibigay sa inyo ng kumpiyansa na magtiwala sa Kanila sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsulong nang may pananampalataya?

  • Ano ang pakiramdam ninyo nang malaman ninyo na tutulungan pa rin tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa ating mga pagsubok kahit nakagawa tayo ng mga pagkakamali?

  • Ano ang mga halimbawa sa inyong buhay, sa buhay ng iba, o sa mga banal na kasulatan na nagpapakita ng katotohanang ito?

ChurchofJesusChrist.orgBasahin ang tungkol sa pagsasagawa ng Tagapagligtas ng alituntuning ito sa Lucas 22:39–45.

4:12

Mga katotohanang ipinamumuhay

Ipakita ang sumusunod na sitwasyon o sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng katulad nito.

Isipin kunwari na natanto ng isang dalagita na nag-aalinlangan siya sa kanyang patotoo. Nang magbalik-tanaw siya, natanto niya na pinagtuunan niya nang husto ang pagkakaroon ng matataas na marka at paghahanda para sa kanyang hinaharap kaya hindi niya napangalagaan ang kanyang patotoo gaya ng dapat niyang ginawa, at ngayon ay talagang nag-aalinlangan siya kung totoo ba ang Simbahan.

Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras upang mapag-isipan ang mga sumusunod na tanong. Isiping talakayin ang kanilang mga sagot o anyayahan ang mga estudyante na isadula ang sitwasyon, kung saan isang estudyante ang gaganap bilang dalagita at isa pang estudyante ang gaganap na kaibigan na ginagawa ang makakaya para tumulong. Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nila personal na magagamit ang mga sagot nila.

Maaaring makatulong na magbigay ng mga follow-up na tanong tulad ng “Bakit makagagawa ng kaibhan ang pagbabagong iyon sa inyong mga panalangin?” o “Paano maiiba ang inyong buhay isang buwan o taon mula ngayon kung tutularan ninyo ang mga kilos na iyon na puno ng pananampalataya?”

  • Paano siya maaaring “taimtim na [m]agsumamo sa Panginoon” (Mosias 9:17)? Paano mo ilalarawan ang ganitong uri ng panalangin?

  • Paano siya maaaring magtiwala sa Panginoon at humayo nang may pananampalataya kay Jesucristo matapos magsumamo nang taimtim sa Panginoon?

  • Ano pa ang maipapayo mong gawin ng dalagitang ito? Bakit?