“Mosias 7–10: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Mosias 7–10,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Mosias 7–10
Buod
Ang Mosias 5 ay naglalaman ng katapusan ng mensahe ni Haring Benjamin sa kanyang mga tao nang tipunin niya sila upang bigyan sila ng pangalan (tingnan sa Mosias 1:11). Sa Mosias 7–8, idinirekta ni Ammon si Haring Limhi sa propeta at ipinaliwanag din niya ang mahahalagang katotohanan tungkol sa tungkulin ng mga propeta, tagakita, at tagapaghayag. Sa Mosias 9–10, si Zenif ay masyadong nakatuon sa pagbalik sa lupain ng Nephi at muling pagtatayo ng mga lunsod doon kung kaya’t nakalimutan niyang isaalang-alang ang ilan sa mga negatibong bagay na maaaring ibunga ng kanyang desisyon. Matapos maranasan ang ilan sa mga ibinunga nito, si Zenif at ang kanyang mga tao ay bumaling nang may pananampalataya sa Panginoon.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Mosias 5:1–5
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madagdagan ang kanilang hangaring magbago o patuloy na magbago sa tulong ng Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang dahilan kung bakit gusto nilang mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
-
Video: “Nakipagtipan ang mga Tao ni Haring Benjamin” (3:40; panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 1:37)
-
Nilalamang ipapakita: Ang chart tungkol sa pagbabago, na ipinakita o kinopya sa pisara
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Isiping gamitin ang whiteboard tool upang i-type ang unang bahagi ng pangungusap na, “Habang ang ating mga puso ay nagbabago sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon, tayo ay …” Pagkatapos ay hayaang kumpletuhin ng iba’t ibang estudyante ang pangungusap batay sa pag-aaral nila ng Mosias 5:1–5.
Mosias 5:6–15
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng pagtaglay sa kanilang sarili ng pangalan ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang tanong na “Ano ang ibig sabihin ng taglayin sa iyong sarili ang pangalan ni Cristo?”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na kumpletuhin ang chart sa isang dokumento sa kanilang device. Anyayahan sila na i-share ang kanilang screen na nagpapakita ng kanilang nakumpletong chart. Kung pipiliin mong gawin ito, sabihin nang maaga sa mga estudyante na aanyayahan silang i-share ang kanilang screen at chart.
Mosias 7–8
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng tungkulin ng mga propeta bilang mga tagakita sa plano ng Ama sa Langit.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan kung ano ang isasagot nila kapag may nagtanong sa kanila kung bakit sila naniniwala sa mga propeta.
-
Nilalamang ipapakita: Ang diagram ng mga paglalakbay sa aklat ni Mosias, na ipinakita o kinopya sa pisara (Maaari din itong iwanan bilang reference para sa susunod na lesson.)
-
Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Kapag oras na upang gawin ng mga estudyante ang isa sa mga aktibidad tungkol sa kahalagahan ng mga tagakita, maaari mong ipakita ang mga opsiyon sa screen o i-post ang mga ito sa chat. Kapag handa na ang mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila, sabihin sa kanila na i-type sa chat ang bilang ng aktibidad na natapos nila. Pagkatapos ay tumawag ng ilang estudyante na nakatapos ng iba’t ibang aktibidad upang ibahagi ang kanilang nalaman.
Mosias 9–10
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano sila makatatanggap ng lakas mula sa Panginoon kapag nanalangin sila at humayo nang may pananampalataya.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng kahulugan ng mga salitang labis na nagpabigla-bigla. Hikayatin sila na dumating sa klase na handang ibahagi kung saan labis na nagpabigla-bigla kung minsan ang mga tinedyer at ang mga problema na maaaring ibunga nito.
-
Nilalamang ipapakita: Ang larawan ng isang eklipse; ang tanong tungkol sa mga eklipse, na ipinakita o nakasulat sa pisara; ang diagram ng mga paglalakbay sa aklat ni Mosias; ang mga talata at tanong sa ilalim ng heading na “Pagbaling sa Panginoon”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kapag nakarating ka na sa sitwasyon na nasa katapusan ng lesson, sabihin sa mga estudyante na sagutin ang mga tanong gamit ang chat feature. Pagkatapos ay pumili ng ilan sa mga sagot na ibabahagi sa klase.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 7
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magamit ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery passage sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang ilang doctrinal mastery passage na napag-aralan na nila at isipin kung paano magagamit ang mga passage na iyon sa buhay ng isang tinedyer ngayon.
-
Video: “Tinuturuan Niya Tayong Hubarin ang Likas na Tao” (10:51; panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 5:15)
-
Nilalamang ipapakita: Ang chart ng mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan; ang mga tagubilin para sa liham
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kapag malapit nang matapos ang lesson, matapos maisulat ng mga estudyante ang kanilang mga liham, igrupo ang mga estudyante sa mga breakout room upang maibahagi nila ang isinulat nila. Ipaalala sa kanila na ibahagi rin ang sitwasyong ginawa nila. Sa pagbalik nila sa klase, anyayahan ang isang estudyante sa bawat grupo na magbahagi ng isang bagay na hinangaan niya tungkol sa liham ng ibang estudyante.