Seminary
Mosias 5:1–5: Wala nang Hangarin pang Gumawa ng Masama


“Mosias 5:1–5: Wala nang Hangarin pang Gumawa ng Masama,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Mosias 5:1–5,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Mosias 5:1–5

Wala nang Hangarin pang Gumawa ng Masama

Nagsasalita si Haring Benjamin sa kanyang mga tao

Kung minsan, maaaring madama natin na kailangan nating gumawa ng mga pagbabago o pagbutihin ang isang bagay na ginagawa natin. Ganito ang nadama ng mga tao ni Haring Benjamin matapos makinig sa mga sinabi niya tungkol kay Jesucristo at kung saan Niya tayo inililigtas. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madagdagan ang iyong hangaring magbago o patuloy na magbago sa tulong ng Panginoon.

Pagkilos ayon sa mga turo ng Tagapagligtas. Itinuro ni Jesucristo ang totoong doktrina at mga alituntunin upang mabago natin ang ating buhay para mas maging mabuti tayo. Palaging maghanap ng mga pagkakataong anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng mabuti batay sa Kanyang mga turo. Maaaring iba-iba ang gawin ng bawat estudyante, ngunit matutulungan sila ng Espiritu Santo na matukoy kung ano ang magagawa nila upang masunod ang Tagapagligtas.

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang dahilan kung bakit gusto nilang mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagiging katulad ni Jesucristo

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na larawan o dalhin sa klase ang ilan sa mga bagay kung mayroon. Pagkatapos ay gamitin ang mga tanong na gaya ng mga sumusunod upang matulungan ang mga estudyante na pag-isipan kung paano maikukumpara ang mga pagbabago ng mga bagay sa pagbabago natin at pagiging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

yelo, tubig, at singaw
uling
  • Ano ang nagpabago sa mga bagay na ito?

  • Ano ang mga dahilan ng pagbabago ng mga tao?

  • Paano natutulad o naiiba ang pagbabago ng Panginoon sa ating puso sa pagbabago ng mga bagay na ito?

Maaari mong ipakita o isulat sa pisara ang sumusunod na pahayag. Sabihin sa mga estudyante na isipin kung gaano nila nadarama na angkop sa kanila ang pahayag.

  • Gusto kong tulungan ako ng Panginoon na magbago para maging mas mabuti.

Anyayahan ang ilang estudyante na pag-isipan kung bakit ganoon ang nadarama nila. Maaaring kabilang dito ang pag-iisip ng mga paraan kung paano sila natulungan ng Panginoon noon.

Habang pinag-aaralan mo ang Mosias 5, alamin ang mga dahilan kung bakit gusto mong humingi ng tulong sa Panginoon para sa pagbabago at pagpapakabuti.

Pagkakaroon ng pagbabago ng puso

Matapos magsalita si Haring Benjamin sa kanyang mga tao, gusto niyang malaman kung sila ay “naniwala sa mga salitang kanyang sinabi sa kanila” (Mosias 5:1).

Basahin ang Mosias 5:1–5 upang malaman kung paano sila tumugon. Maaari mo ring panoorin ang video na “Nakipagtipan ang mga Tao ni Haring Benjamin” mula sa time code na 0:00 hanggang 1:37, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

3:40

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mga talatang ito, maaari mo silang anyayahang kopyahin at kumpletuhin ang sumusunod na chart sa kanilang study journal. O maaaring basahin ng mga estudyante ang mga talata at markahan nila ang nalaman nila sa kanilang mga banal na kasulatan. Halimbawa, maaaring bilugan ng mga estudyante ang mga salita at parirala na nagsasaad kung paano nagbago ang mga tao at maaari nilang salungguhitan ang mga salita at parirala na nagsasaad kung ano ang dahilan ng pagbabago ng mga tao.

Paano nagbago ang mga tao

Ano ang dahilan ng pagbabago ng mga tao

Paano nagbago ang mga tao

Ano ang dahilan ng pagbabago ng mga tao

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Sabihin sa mga estudyante na ibuod ang mga alituntuning natutuhan nila. Ang sumusunod na aktibidad ay isang paraan kung paano nila ito magagawa.

Batay sa Mosias 5:1–5, kumpletuhin ang sumusunod na parirala.

Kapag nagbago ang ating puso sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon, tayo ay …

Maaaring kumpletuhin ng mga estudyante ang pahayag sa iba’t ibang paraan. Kasama sa ilang posibleng paraan ang, Kapag nagbago ang ating puso sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon, tayo ay …

  • wala nang hangaring gumawa ng masama at nagkaroon ng hangaring patuloy na gumawa ng mabuti.

  • makadarama ng kagalakan.

  • handang makipagtipan na sundin ang mga kautusan.

Maaaring makatulong na sabihin sa mga estudyante na maglista sa pisara ng mga alituntunin at isulat ang mga ito sa kanilang mga banal na kasulatan. Gamitin ang ilan o lahat ng sumusunod na tanong upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan at mapagnilayan ang kahalagahan ng mga katotohanang natukoy nila.

Mahalagang maunawaan na bagama’t ang mga tao ni Haring Benjamin ay “wala nang hangarin [o pagnanais] pang gumawa ng masama” (Mosias 5:2), hindi ibig sabihin nito na hindi na sila muling nagkasala. Sa halip, binago ng Panginoon ang kanilang puso upang taos-pusong maghangad na gumawa ng mabuti at iwasan ang kasalanan.

  • Tulad ng mga tao ni Haring Benjamin, kailan ka nagkaroon ng matinding hangaring “patuloy na gumawa ng mabuti”? Ano ang nakatulong upang madama mo ang ganito?

  • Sa iyong palagay, bakit laging hindi ganito ang nadarama ng marami sa atin?

  • Ano sa palagay mo ang magagawa ng isang tao upang madama nang mas madalas ang ganito?

Unawain ang pagbabago

Maaari mong markahan sa Mosias 5:3 ang pariralang “sa pamamagitan ng walang hanggang kabutihan ng Diyos.” Upang tunay na maunawaan ang pagbabagong nangyari sa mga tao ni Haring Benjamin, kailangan nating maunawaan kung paano tayo matutulungan ni Jesucristo na magbago.

Ipinaliwanag ni Sister Wendy W. Nelson:

Maaari mong ipakita ang sumusunod na pahayag at sabihin sa mga estudyante na maghanap ng mga salita o parirala na nakaantig sa kanila.

Sister Wendy W. Nelson

Ang Tagapagligtas ang tanging tunay at buhay na tagapagdala ng pagbabago. Siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagbabago. … Ilalabas Niya ang pinakamagandang katangian ninyo, kapag bumaling kayo sa Kanya. Tunay ngang sasagipin Niya ang lahat ng pinakamagandang katangian ninyo na nasa kaibuturan ng inyong pagkatao. …

… Mahal Niya kayo. Mahal Niya ang inyong mga pagsisikap na magbago.

Nais Niya na magbago kayo, sa paglipas ng panahon, lubusang iwinawaksi ang likas na tao, magkaroon ng pagbabago ng puso, ng pagbabago ng pagkatao. Si Jesus ang Cristo ay ginawa ang lahat ng ginawa Niya upang makapagbago kayo! Siya ang Tagapagligtas ninyo at Tagapagligtas ko!

At habang masigasig tayong nagsusumamo upang magamit sa ating buhay ang kapangyarihan ng Kanyang walang-hanggan at nagbabayad-salang sakripisyo, ang Kanyang huling pagpapagaling ay magdudulot sa bawat isa sa atin ng pinakadakilang pagbabagong hinahangad natin. (Wendy W. Nelson, “Change: It’s Always a Possibility!” [Brigham Young University devotional, Abril 7, 1998], 10, speeches.byu.edu)

  • Ayon kay Sister Nelson, ano ang magagawa ni Jesucristo upang matulungan tayong magbago?

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa iyong responsibilidad na magbago?

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang taong kilala nila na nagbago sa tulong ni Jesucristo. ChurchofJesusChrist.org Maaari ding makatulong na ibahagi ang tungkol sa isang taong kilala mo na nagbago.

Pagkatapos ay itanong sa mga estudyante ang gaya ng mga sumusunod:

4:40
  • Paano tinulungan ng Panginoon ang taong ito?

  • Anong mga pagsisikap ang ginawa ng taong ito upang magbago?

  • Sa inyong palagay, bakit humahantong ang mga pagbabagong ito sa mas malaking kagalakan?

Gawing permanente ang pagbabago

Upang tapusin ang iyong pag-aaral, isipin ang iyong buhay at ang iyong kasalukuyang pagsulong tungo sa pagiging katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Pag-isipan ang nadarama mong ipagagawa sa iyo ng Espiritu Santo dahil sa natutuhan at nadama mo.

Ibahagi ang iyong patotoo na ang Panginoon, sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, ay tutulungan ang mga estudyante na magbago at maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.