Seminary
Doctrinal Mastery: Eter 12:27—Pagdaig sa Ating mga Kahinaan


“Doctrinal Mastery: Eter 12:27—Pagdaig sa Ating mga Kahinaan,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Doctrinal Mastery: Eter 12:27,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: Eter 12:27

Pagdaig sa Ating mga Kahinaan

dalagitang nagpe-flex ng kanyang muscles

Sa iyong pag-aaral ng Eter 12:23–27, natutuhan mo na kung tayo ay mapagpakumbaba at sasampalataya sa Panginoon, magagawa Niyang kalakasan ang ating mga kahinaan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Eter 12:27, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.

Bigyan ng oras ang mga estudyante na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Bigyan ang mga estudyante ng malinaw na mga tagubilin, at pagkatapos ay bigyan sila ng oras na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Hayaan silang tuklasin ang mga sagot para sa kanilang sarili. Hikayatin ang mga estudyante na tapat na bumaling at magtiwala sa Panginoon.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na subukang isaulo ang Eter 12:27.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang doctrinal mastery passage lesson na ito ay ginawa upang ituro pagkatapos ng lesson na “Eter 12:23–27,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na Eter 12:27. Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery passage lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggong iyon.

Ipaliwanag at isaulo

Bigyan ang mga estudyante ng simpleng aktibidad para matulungan silang ipaliwanag ang doktrinang itinuro sa Eter 12:27. Ang sumusunod ay isang aktibidad na maaaring gawin.

Nang hindi tinitingnan ang Eter 12:27, subukan kung mapupunan mo ang mga patlang sa pangungusap na ito batay sa mga turo ng Panginoon kay Moroni:

  • Kung ako ay , , at , ang mahihinang bagay ay gagawin ni Jesucristo na malalakas sa akin.

  • Ano sa palagay mo ang mahalagang maalala ng isang tao tungkol sa pangungusap na ito?

Tulungan ang mga estudyante na praktising isaulo ang reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Maaaring gawin ng mga estudyante ang mga sumusunod nang magkakapartner o sa maliliit na grupo. Maaari kang magtakda ng oras para matiyak na may sapat na oras ang mga estudyante para mapraktis ang paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa bahaging “Pagsasanay ng pagsasabuhay” ng lesson.

Para matulungan kang maisaulo ang reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan, rebyuhin ang mga ito nang ilang beses at pagkatapos ay subukang isulat ang mga ito nang walang kopya sa iyong study journal.

Eter 12:27: “Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Ikumpara ang isinulat mo mula sa natatandaan mo sa reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa itaas, at gawin ang anumang kinakailangang pagwawasto. Subukang isulat ang reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan nang tatlo o apat na beses o hanggang sa maisulat mo ang mga ito nang walang kopya.

Pagsasanay ng pagsasabuhay

Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaari kang mag-anyaya ng tatlong estudyante na isa-isang magsusulat sa pisara ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Mag-anyaya ng mga karagdagang estudyante na magsusulat ng mga paliwanag sa tabi ng bawat alituntunin nang walang kopya. Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto para rebyuhin ang mga alituntuning ito sa talata 5–12 ng Doctrinal Mastery Core Document (2023) at idagdag ang anumang detalye na maaaring nakaligtaan nila.

Ang sumusunod na aktibidad ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na sanayin ang pagsasabuhay ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang kahinaan na nauugnay sa kanila. Maaaring kumpletuhin ng mga estudyante ang aktibidad sa unang pagkakataon sa maliliit na grupo, nang magkakapartner, o kasama ang buong klase. Pagkatapos ay maaaring ulitin ng mga estudyante ang aktibidad nang mag-isa para sa ibang kahinaan o mas personal na kahinaan.

Kung gusto mong gumamit ng sitwasyon, tingnan ang mga mungkahi sa bahaging “Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” ng lesson.

  • Sa iyong study journal, maglista ng ilang kahinaan na maaaring maging dahilan para madama ng isang kabataan na wala siyang kakayahan o may kulang sa kanya.

  • Pumili ng isa sa mga kahinaang ito na sa palagay mo ay nauugnay sa maraming kabataan, at isulat kung paano maipamumuhay ng isang kabataan ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang madaig ang kahinaang ito.

  • Ang isang paraan para magawa ito ay ilista ang bawat isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa iyong study journal sa ilalim ng kahinaang pinili mong pagtuunan. Pagkatapos ay maaari mong ilista sa ibaba ang bawat alituntunin kung paano ito magagamit sa pagdaig sa kahinaan, o maaari mong isulat ang mga tanong ng isang tao tungkol sa alituntunin.

Maaari mong ipakita ang sumusunod na halimbawa para sa mga estudyante. Makatutulong ito sa kanila kapag ginawa nila ang sarili nilang pagsasanay.

Halimbawa, kung pipili ka ng isang kahinaan o alalahanin tulad ng “Masyadong maraming oras ang ginugugol ng mga kabataan sa kanilang phone,” maaaring maging tulad ng sumusunod ang iyong journal entry:

Masyadong maraming oras ang ginugugol ng mga kabataan sa kanilang phone

Kumilos nang may Pananampalataya
  • Marahil ang mga taong may ganitong problema ay maaaring magdasal nang mas partikular para matulungan sa problemang ito. Bago manalangin, maaari nilang pag-isipan kung anong tulong ang maaaring kailangan nila para sa araw na iyon. Maaari pa nga silang magdasal bago nila gamitin ang kanilang phone.

  • Binigyan tayo ng Diyos ng teknolohiya upang pagpalain ang ating buhay at tulungan tayo at ang iba na mas mapalapit sa Kanya; paano natin ito magagamit sa ganitong paraan?

  • Eter 12:27: Paano natin maipapakita sa Panginoon na tayo ay mapagkumbaba, nagtitiwala sa Kanya, at nangangailangan ng Kanyang tulong na mapaigting pa ito?

Walang-hanggang Pananaw
  • Kung hindi ito madadaig ng isang tao, paano ito makakaapekto sa kanyang magiging pamilya o ugnayan, trabaho, kawalang-hanggan, at iba pa?

  • Ano ang alam ko tungkol sa Diyos at sa Kanyang mga pamantayan? Bakit mahalaga sa Kanya ang paggamit natin ng teknolohiya?

Sources na Itinalaga ng Diyos
  • Alam ko na nagsalita ang bishop ko tungkol dito, at naaalala ko na nagsalita siya tungkol sa mga bagay na ginawa niya. Tatanungin ko siya kung anong resources ang ginamit niya at ano ang nakatulong sa kanya.

Kapag natapos ka na, kumpletuhin muli ang nakaraang aktibidad. Sa pagkakataong ito ay magtuon sa isang partikular na kahinaan kung saan gusto mong matulungan ka. Hindi hihilingin sa iyo na ibahagi ito sa iba.

Maaari mong bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-isipan ang kanilang mga karanasan at ibahagi ang natutuhan nila mula sa aktibidad ngayon. Magpatotoo tungkol sa kapangyarihan at hangarin ng Tagapagligtas na tulungan tayong magpakabuti at maging higit na katulad Niya.

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Gamitin ang sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu sa isang lesson na ituturo mo kaagad pagkatapos nito.

Itanong sa mga estudyante kung naaalala nila ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Eter 12:27. Bilang isang klase, ulitin ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, “Eter 12:27: Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila,” nang ilang beses.