“Eter 12–15: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Eter 12–15,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Eter 12–15
Buod
Habang patuloy na pinaiikli ni Moroni ang aklat ni Eter, nangamba siya na kukutyain ng mga Gentil ang kanyang gawa dahil sa kanyang kahinaan sa pagsusulat. Sumagot ang Panginoon na kapag lumapit tayo sa Kanya nang may kababaang-loob at pananampalataya, magagawa Niya na maging kalakasan ang ating mga kahinaan. Matapos malaman ang pagkalipol ng mga Jaredita at masaksihan ang pagkalipol ng mga Nephita, nagsumamo si Moroni sa lahat ng kanyang mambabasa na hanapin si Jesucristo at ang mga pagpapalang ibibigay Niya.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Eter 12:23–27
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na lumapit kay Jesucristo upang madaig ang mga kahinaan sa pamamagitan ng Kanyang biyaya.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Eter 12:27 at isipin ang isang kahinaan sa kanilang buhay na gusto nilang madaig sa tulong ng Tagapagligtas.
-
Mga materyal: Isang papel para sa bawat estudyante
Doctrinal Mastery: Eter 12:27
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Eter 12:27, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na subukang isaulo ang Eter 12:27.
-
Nilalamang ipapakita: Ang bahagi ng lesson sa ilalim ng heading na “Napakaraming oras ang ginugugol ng mga kabataan sa kanilang phone”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sabihin sa mga estudyante na tingnan kung ilang beses nila maita-type ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa chat sa loob ng 60 segundo. Tiyakin na alam nila na kailangan nilang i-retype ito sa halip na basta kopyahin at i-paste lang. Pagkatapos ay anyayahan silang subukan kung mabibigkas nila ito nang malakas ayon sa pagkakatanda nila.
Eter 12:28–41
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring hanapin si Jesucristo sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng kopya ng karanasan ni Elder Melvin J. Ballard na kasama sa lesson na ito. Anyayahan silang pumasok sa klase na handang ibahagi ang natutuhan at nadama nila tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagbabasa ng karanasan ni Elder Ballard.
-
Larawan: Isang bukal
-
Video: “Jesus Forgives Sins and Heals a Man Stricken with Palsy” (2:57)
-
Nilalamang ipapakita: Ang pahayag ni Elder Melvin J. Ballard
Eter 13–15
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mapaglabanan ang tuksong kumilos nang may galit sa buong buhay nila.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang ibig sabihin ng si Jesucristo ang “Prinsipe ng Kapayapaan” (Isaias 9:6) at kung ano ang ibig sabihin sa atin ng pagiging mga tagasunod Niya.
-
Nilalamang ipapakita: Ang mga tagubilin para sa opsiyon A, opsiyon B, o pareho (kung pahihintulutan ang mga estudyante na pumili sa mga ito)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kung pahihintulutan mo ang mga estudyante na pumili sa pagitan ng opsiyon A at opsiyon B, maaari kang gumamit ng breakout room para sa dalawang opsiyon. Magbigay ng mga tagubilin sa pamamagitan ng email o sa chat bago pumasok ang mga estudyante sa kanilang breakout room.
I-assess ang Iyong Pagkatuto 9
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maalala at masuri kung paano nakatulong sa kanila ang kanilang mga karanasan sa pag-aaral ng Mormon 7–Eter 15 na umunlad sa espirituwal.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang natutuhan nila sa pamamagitan ng pagtapos sa sumusunod na pahayag: “Ang isang aral mula sa Mormon 7–Eter 15 na gusto kong ibahagi sa isang kaibigan ay …”
-
Larawan: Mga linyang paikot sa loob ng katawan ng puno
-
Mga Materyal: Mga pirasong papel na may mga pangalan ng mga lugar kung saan maaaring tawagin ang mga estudyante na maglingkod bilang mga missionary
-
Object lesson: Isang tinapay; isang mangkok na paghahaluan at mga sangkap na kailangan upang makagawa ng tinapay
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sa bahagi ng lesson sa ilalim ng heading na “Pag-isipan ang mga plano na manampalataya kay Jesucristo,” maaari mong sabihin sa mga estudyante na panoorin ka habang pinaghahalu-halo mo ang mga sangkap para makagawa ng tinapay. Bukod pa rito, kung nakatira malapit sa iyo ang mga estudyante, maaari mo silang anyayahang pumunta sa bahay mo kalaunan sa araw na iyon upang kumuha ng tinapay kapag luto na ito. Maaari mong hilingin sa kanila na pag-usapan ang natutuhan nila sa lesson habang kinakain nila ang kanilang tinapay.