Ang pagninilay at pagsusuri sa mga espirituwal na natutuhan mo ay makatutulong sa iyo na mas mapalapit sa Tagapagligtas. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maalala at masuri kung paano nakatulong sa iyong espirituwal na pag-unlad ang natutuhan mo sa Mormon 7–Eter 15.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga linyang paikot sa loob ng katawan ng puno
Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay kabilang sa Unang Panguluhan:
2:3
Kapansin-pansing marami tayong matututuhan tungkol sa buhay sa pag-aaral ng kalikasan. Halimbawa, maaaring suriin ng mga siyentipiko ang mga linyang paikot sa mga puno at malalaman nila ang tungkol sa klima at mga kondisyon habang tumutubo ang mga ito sa nakalipas na daang taon o maging libong taon. Isa sa mga bagay na natutuhan natin mula sa pag-aaral ng paglaki ng puno ay kapag maganda ang kondisyon ng panahon, normal ang pagtubo ng mga puno. Ngunit kapag hindi angkop ang mga kondisyon, bumabagal ang paglaki nito at umaasa na lamang sa mga likas na makikita sa kapaligiran upang mabuhay. (Dieter F. Uchtdorf, “Sa mga Bagay na Pinakamahalaga” Liahona, Nob. 2010, 19)
Tulad ng mga puno, mayroon tayong mga panahon ng pag-unlad at panahon kung kailan pakiramdam natin ay gusto lang nating manatiling buhay. Bawat isa sa atin ay dumaranas ng pag-unlad sa magkakaibang paraan at sa magkakaibang bilis. Isipin ang mga pagkakataon sa iyong buhay kung saan nakaranas ka ng espirituwal na pag-unlad.
Ano ang ilan sa mga kalagayan na nakatulong sa iyo na espirituwal na umunlad? Anong uri ng pag-unlad ang naranasan mo?
Ano ang ilang paraan na masusuri natin paminsan-minsan ang ating espirituwal na pag-unlad?
Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong ipaliwanag ang ilan sa mga natutuhan mo at suriin ang mga mithiing maaaring naitakda mo habang pinag-aaralan mo ang Mormon 7–Eter 15.
Ipaliwanag ang kahalagahan ng Aklat ni Mormon
Kunwari ay isa kang missionary na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng Aklat ni Mormon sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo. Bibigyan mo ng kopya ng Aklat ni Mormon ang isang tao para basahin niya ito.
Ihanda ang sasabihin mo gamit ang isa o mahigit pang scripture passage sa Mormon 8. Maaari mo ring gamitin ang pahina ng pamagat ng Aklat ni Mormon. Maghanap ng mga pagkakataon para ipaliwanag kung paano tayo natutulungan ng Aklat ni Mormon na maniwala kay Jesucristo.
Pagnilayan ang mga plano sa pagsampalataya kay Jesucristo
Ano ang ilang sangkap ng tinapay?
Bukod sa paghahalu-halo ng mga sangkap, ano pa ang kailangan mong gawin para makagawa ng tinapay?
Maaaring kabilang sa mga sangkap sa tinapay ang harina, pampaalsa, asin, at tubig. Maaaring kailangan mo ring maglaan ng oras para umalsa ang tinapay, at kailangan mong i-bake ito.
Ang pagbi-bake ng tinapay ay maikukumpara sa pagsampalataya kay Jesucristo. Ang mga resulta, patotoo, o himala na hinahanap mo ay tulad ng isang lutong tinapay. Ang iyong mga pagsisikap na sumampalataya kay Jesucristo ay maikukumpara sa mga sangkap, tagal ng pagpapaalsa, at pagbi-bake ng tinapay. Sa mga lesson kamakailan, pinag-aralan mo ang mga salaysay tungkol sa mga taong sumampalataya kay Jesucristo (tingnan sa Eter 3:1–16; 12:6–22). Pinag-aralan mo rin ang mga salita ng mga propeta na nag-aanyaya sa iyo na sumampalataya sa Panginoon at humingi ng mga himala (tingnan sa Mormon 9:15–27; Eter 12:6–9).
Basahin ang Mormon 9:19–21; Eter 3:9; 12:6–9 para matulungan kang maalala ang napag-aralan mo tungkol sa pananampalataya kay Jesucristo at ang mga plano na ginawa mo.
Ano ang nagawa mo para sumampalataya kay Jesucristo?
Kung ang pagsampalataya kay Jesucristo ay tulad ng pagbi-bake o pagluluto ng tinapay, nasa anong bahagi ng proseso ka na sa kasalukuyan? Nagtitipon ka pa rin ba o naghahalo ng mga sangkap? Naghihintay ka ba na umalsa ito? Bine-bake o niluluto na ba ang tinapay? O nakain mo na ba ang tinapay? Ipaliwanag kung bakit.
Ano ang ilang hamon na naranasan mo o kailangan mo pa ring madaig? Ano ang nakatulong o makatutulong sa iyo para madaig ang mga ito?
Paano mo nararamdamang pinagpapala ka para sa mga pagsisikap na ginawa mo na sumampalataya kay Jesucristo?