“Moroni 1–6: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Moroni 1–6,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Moroni 1–6
Buod
Dahil tumanggi si Moroni na itatwa si Jesucristo, napilitan siyang magpagala-gala sa ilang at manatiling nakatago mula sa mga Lamanita. Sa ilan sa kanyang mga huling salita sa darating na mga henerasyon, nagturo siya tungkol sa awtoridad sa pagsasagawa ng mga ordenansa ng priesthood. Sa paggawa nito iningatan niya ang mahahalagang katotohanan kung paano ginagamit ang priesthood, at nagbigay din siya ng mga tagubilin upang tumulong na mapalakas at mapatatag ang Simbahan.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Moroni 1
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong na hikayatin ang mga estudyante na laging sundin si Jesucristo at huwag Siyang itatwa.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang karanasan kung saan sila o ang isang taong kilala nila ay sumunod kay Jesucristo kahit nadama nilang nag-iisa o inuusig sila.
-
Nilalamang ipapakita: Isang diagram ng mga kulay, o papel na berde, dilaw, orange, at pula para sa mga estudyante; mga halimbawa ng mga poster o social media post na makahihikayat sa mga estudyante na maging tapat kay Jesucristo
-
Mga Video: “Magpakalakas at Magpakatapang na Mabuti” (16:18; panoorin mula sa time code na 5:41 hanggang 6:22); “Inaanyayahan ni Moroni ang Lahat na Lumapit kay Cristo” (8:37; panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 3:59)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kapag tinatalakay ang oposisyon na maaaring maranasan ng mga disipulo ni Cristo, isiping isali ang lahat ng estudyante sa anumang paraan. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na i-type sa chat ang kulay na pinakamainam na kumakatawan sa bawat sitwasyon. Maaari mo ring payagan ang mga estudyante na mangolekta ng mga bagay sa kanilang silid na may kulay na gaya ng apat na kulay, o gamitin ang background feature para ipakita ang berde, dilaw, orange, o pula.
Moroni 2–3
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang awtoridad ng priesthood sa Simbahan ng Tagapagligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na kausapin ang isang maytaglay ng priesthood o isang taong naglilingkod sa isang katungkulan sa Simbahan. Maaaring itanong ng mga estudyante sa taong iyon kung ano ang nadama niya tungkol sa pagtanggap ng awtoridad ng Tagapagligtas sa paggawa ng kanyang mga responsibilidad.
-
Object lesson: Isang kopya ng priesthood line of authority o linya ng awtoridad ng priesthood; isang kadena
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para makahikayat ng partisipasyon, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gamitin ang whiteboard feature para ilista ang mga paraan na napagpala ng Espiritu Santo ang kanilang buhay. Pagkatapos ay maaari mong anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi ng mga personal na karanasan.
Moroni 4–5
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na tuparin ang tipang ginagawa nila kapag tumatanggap sila ng sakramento upang mapasakanila ang Espiritu ng Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumasok sa klase na handang bigkasin ang mga panalangin sa sakramento nang walang kopya hangga’t kaya nila.
-
Nilalamang ipapakita: Ang chart na pinamagatang “Ang Tipan sa Sakramento”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa tatlong breakout room para talakayin ang isa sa tatlong pangakong ginagawa natin kapag tumatanggap tayo ng sakramento. Pagkatapos ay maaari mong ilagay ang mga estudyante sa mga bagong breakout group kasama ang mga estudyante na nag-aral ng isa sa iba pang mga pangako. Sabihin sa mga estudyante na turuan ang isa’t isa tungkol sa pangakong tinalakay nila sa kanilang orihinal na grupo.
Moroni 6
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magsikap na maglingkod sa iba at sundin ang Tagapagligtas bilang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaaring pumasok sa klase ang mga estudyante na handang magbahagi ng mga paraan na mapapalakas ng lahat ng miyembro ng Simbahan ang isa’t isa, kahit walang pormal na katungkulan sa ward o branch.
-
Larawan: Iba’t ibang kongregasyon ng Simbahan
-
Mga Video: “Ang mga Pangangailangan na Nasa Ating Harapan” (12:06; manood mula sa time code na 7:40 hanggang 8:25); “Mga Matang Makakakita” (9:44; manood mula sa time code na 4:55 hanggang 6:55)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang chat feature para maibahagi ang mga alituntuning natukoy nila sa Moroni 6:4–9.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 25
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataon na sanayin ang pagsasabuhay ng mga doctrinal mastery passage sa kanilang mga mithiin na maging katulad ng Tagapagligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na kausapin ang kanilang mga magulang o lider ng Simbahan tungkol sa mga mithiing itinakda nila. Maaari nilang pag-usapan ang mga tagumpay at hamon na nararanasan nila.
-
Nilalamang Ipapakita: Isang kopya ng Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan