Seminary
Moroni 1: Hindi Ko Itatatwa ang Cristo


“Moroni 1: Hindi Ko Itatatwa ang Cristo,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Moroni 1,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Moroni 1

Hindi Ko Itatatwa ang Cristo

Moroni

Ang pagiging tagasunod ni Jesucristo ay hindi naging madali kailanman. Noong malapit nang matapos ang Aklat ni Mormon, inihayag ng propetang si Moroni na ang mga tagasunod ni Cristo ay pinapatay maliban kung itatatwa nila ang Tagapagligtas (tingnan sa Moroni 1:2). Dahil tumanggi si Moroni na itatwa si Jesucristo, napilitan siyang magpagala-gala kung saan-saan upang maligtas at manatiling nakatago mula sa mga Lamanita. Marahil ay naranasan mo nang maramdamang nag-iisa ka habang sinisikap mong ipamuhay ang iyong pananampalataya at manatiling tapat sa Tagapagligtas at sa Kanyang Simbahan. Ang lesson na ito ay makatutulong na mahikayat ka na laging sundin si Jesucristo at huwag Siyang itatwa.

Magtanong ng mga bagay na nag-aanyaya ng pagsusuri sa sarili. Ang mga tanong na nag-aanyaya sa mga estudyante na magbulay-bulay tungkol sa mga banal na kasulatan, kanilang kasalukuyang sitwasyon, kanilang damdamin sa Tagapagligtas, o sa pagsasabuhay ng mga alituntunin ay makapag-aanyaya sa Espiritu na turuan sila.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang karanasan kung saan sila o ang isang taong kilala nila ay sumunod kay Jesucristo kahit nadama nilang nag-iisa o inuusig sila.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagharap sa oposisyon

Pag-isipan sandali kung paano ka kumikilos kapag napaliligiran ka ng mga taong maaaring may mga pamantayan o paniniwala tungkol sa Diyos na hindi katulad ng sa iyo.

Maaari mong ipakita ang diagram na ito sa pisara. Ang isa pang opsiyon ay magkaroon ng apat na papel na magkakaiba ang kulay na itataas ng mga estudyante sa aktibidad. Ang paggawa nito ay maaaring makatulong para mas makilahok ang mga estudyante sa lesson.

berde, dilaw, orange, at pulang parisukat

Ang mga kulay sa diagram na ito ay makatutulong sa iyo na isipin ang iba’t ibang antas ng oposisyon na maaaring kaharapin ng isang disipulo ni Jesucristo. Kumakatawan ang berde sa walang oposisyon. Ang dilaw at kahel ay maaaring kumatawan sa tumitinding antas ng oposisyon, samantalang ang pula ay maaaring sumimbolo sa pinakamahirap na oposisyon.

Matapos sabihin kung ano ang kinakatawan ng mga kulay sa diagram, maaari kang magbahagi ng mga personal na karanasan o mga karanasang ibinahagi sa pangkalahatang kumperensya kung saan naharap ang isang tao sa oposisyon bilang disipulo ni Cristo. Sabihin sa mga estudyante na piliin ang kulay na sa palagay nila ay pinakanaglalarawan sa tindi ng bawat sitwasyon. Makatutulong ito para masimulan ang pag-uusap tungkol sa pagiging tapat kay Jesucristo.

Si Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018) ay naglingkod sa militar noong binata pa siya at marami siyang nasaksihan na katapangan. Ibinahagi niya ang sumusunod na halimbawa.

Isipin ang kulay na pipiliin mong kumatawan sa antas ng oposisyon na naranasan ng binatang ito. Sa tingin mo, ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon?

16:18

Ang tandang-tanda ko ay ang lakas ng loob na taglay ng 18 taong gulang na marino—iba ang relihiyon niya sa atin—na hindi nahiyang magdasal. Sa 250 katao sa pulutong, siya lang ang gabi-gabing lumuluhod sa tabi ng kanyang kama, kung minsa’y sa gitna ng pangungutya ng mga usisero at pagbibiro ng mga hindi mananampalataya. Nakayuko ang ulo, nagdarasal siya sa Diyos. Hindi siya natakot. Hindi siya nag-alinlangan. Siya’y matapang. (Thomas S. Monson, “Ikaw ay Magpakalakas at Magpakatapang na Mabuti,” Liahona, Mayo 2014, 67)

  • Ano ang pinakanapansin mo sa halimbawang ito?

  • Ano sa palagay mo ang mahirap sa palaging pagsunod kay Jesucristo? Ano ang nakatulong sa iyo?

Ilista ang ilan pang sitwasyon kung saan maaaring maging mahirap ang pagsunod kay Jesucristo. Subukang mag-isip ng mga partikular na detalye at isipin kung anong kulay sa diagram ang pinakanaaangkop sa bawat sitwasyon.

Siyempre, mas madaling pag-usapan ang ating katapatan kay Jesucristo kaysa gawin ito sa sandaling nahaharap tayo sa isang hamon. Sa iyong pag-aaral, hangaring mahanap ang motibasyon na kailangan mo upang manatiling tapat sa iyong paniniwala kay Jesucristo at sa mga pamantayan ng Kanyang ipinanumbalik na Simbahan.

Tinutugis si Moroni ng mga Lamanita

Nang bigyan si Moroni ng responsibilidad na pangalagaan at ingatan ang mga talaan ng mga Nephita, naharap din siya sa oposisyon.

Basahin ang Moroni 1:1–4, at isipin kung paano mo ire-rate ang oposisyong kinaharap niya.

Para matulungan kang mas maunawaan ang naging buhay ni Moroni, maaari mo ring panoorin ang “Inaanyayahan ni Moroni ang Lahat ng Tao na Lumapit kay Cristo” mula sa time code na 0:00 hanggang 3:59, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

8:37
  • Sa iyong palagay, gaano katindi ang ire-rate mo sa oposisyon ni Moroni?

  • Ano ang maaari nating matutuhan mula sa halimbawa ni Moroni?

Ang isang katotohanan na matututuhan natin ay magagawa nating maging tapat kay Jesucristo anuman ang sitwasyon at hindi Siya itatwa.

Maaari mong isulat sa pisara ang katotohanang ito. Sa ganitong paraan makikita ito ng mga estudyante habang binabasa nila ang iba’t ibang halimbawa ng mga taong ipinamumuhay ang katotohanang ito.

  • Bakit mahalaga para sa atin na maging totoo, o tapat, kay Jesucristo?

  • Ano sa palagay mo ang mga karanasan ni Moroni na nakatulong sa kanya na maging lubos na tapat kay Jesucristo?

  • Ano ang nalalaman mo tungkol kay Jesucristo na makahihikayat sa iyo na hindi Siya itatwa?

Maaari mong markahan ang mga salita ni Moroni sa talata 3. Maaari mo ring isulat ang pangalan mo sa tabi ng pangalan ni Moroni para mahikayat kang palaging sundin si Jesucristo.

Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga halimbawa ng mga tao sa mga banal na kasulatan na naging tapat kay Jesucristo sa gitna ng mahihirap na sitwasyon. Maaari mong gamitin ang ilan sa mga halimbawa sa ibaba. Magbigay ng konteksto kung kinakailangan. Tulungan din ang mga estudyante na maunawaan na si Jesucristo ay palaging tapat at totoo. Handa Siyang mamatay para sa bawat isa sa atin.

Pagpapakita ng ating katapatan

Magandang pagkakataon ito para maibahagi ng mga estudyante ang kanilang mga paghahanda para sa klase. Matutulungan mo ang mga estudyante na gawin ito sa pamamagitan ng pagtatanong ng tulad ng mga sumusunod.

  • Kailan ka, o ang isang kakilala mo, nagpakita ng katapatan kay Cristo sa gitna ng mahihirap na sitwasyon?

    Maaari mong sabihin sa mga estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal.

  • Mayroon bang anumang sitwasyon kung saan naharap ka sa oposisyon dahil sa pagsunod kay Jesucristo?

  • Ano ang magagawa mo para maging tapat kay Jesucristo sa mga sitwasyong iyon?

Upang matulungan ang mga estudyante na pag-isipan ang natutuhan nila sa lesson na ito, maaari mo silang anyayahang gumawa ng poster o social media post na makahihikayat sa kanila at sa iba na manatiling tapat kay Cristo sa anumang sitwasyon. Maaari nila itong ilagay sa isang lugar para sa personal na motibasyon o ibahagi ito sa iba. Ibigay ang mga materyal na kakailanganin ng mga estudyante at ang mga tagubilin para sa aktibidad na ito. Kung maaari, magpakita ng bagong halimbawa mula sa magasin na Para sa Lakas ng mga Kabataan. Nasa ibaba ang isang halimbawa.

data-poster tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo

Pagkatapos ay tulungan ang mga estudyante na maghanap ng mga banal na kasulatan tungkol sa pagiging tapat kay Jesucristo na isasama sa kanilang mga mensahe. Maaari nilang gamitin ang isang talata mula sa Moroni 1, isang banal na kasulatan na nakita nila, o isa mula sa listahang ibinigay mo tulad ng mga sumusunod.

Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras upang gawin ang kanilang post o poster, at hayaan silang ibahagi ang ginawa nila sa kanilang mga kaklase. Tandaang maghanap ng mga paraan para makagawa ng ligtas na kapaligiran kung saan alam ng mga estudyante na ang ginawa nila ay mahalaga at makabuluhan.