Doktrina at mga Tipan 2021
Marso 28. Bakit Kailangan Ko ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo? Doktrina at mga Tipan 29


“Marso 28. Bakit Kailangan Ko ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo? Doktrina at mga Tipan 29,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021 (2020)

“Marso 28. Bakit Kailangan Ko ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021

si Cristo na nagdarasal

Si Cristo sa Getsemani, ni Heinrich Hofmann

Marso 28

Bakit Kailangan Ko ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo?

Doktrina at mga Tipan 29

icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women. Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

  • Ang ating korum o klase. Ano ang magagawa natin para magkaroon ng pagkakaisa ang mga miyembro ng korum o klase? Anong mga mithiin ang nanaisin nating pagtulung-tulungan na makamit?

  • Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ginagawa natin upang maibahagi ang ebanghelyo? Ano ang mga naging karanasan natin sa paggawa ng gawain sa templo at family history?

  • Ang ating buhay. Paano natin nakita ang impluwensya ng Panginoon sa ating buhay? Ano ang nagbigay-inspirasyon sa ating pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa linggong ito?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o klase tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

icon ng ituro ang doktrina

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Itinuro ni Pangulong Ezra Taft Benson: “Tulad ng ayaw talagang kumain ng isang tao hangga’t hindi siya gutom, gayundin naman na ayaw niyang maligtas kay Cristo hangga’t hindi niya alam na kailangan niya si Cristo. Walang sinumang nakaaalam nang sapat at wasto kung bakit niya kailangan si Cristo hangga’t hindi niya nauunawaan at tinatanggap ang doktrina ng Pagkahulog at ang epekto nito sa buong sangkatauhan” (“The Book of Mormon and the Doctrine and Covenants,” Ensign, Mayo 1987, 85). Sa pag-aaral mo ng Doktrina at mga Tipan 29 sa linggong ito, maaaring napansin mo ang paglalarawan ng Tagapagligtas sa Pagkahulog at kung paano tayo tinubos mula rito. Paano ka nagkaroon ng patotoo kay Jesucristo at sa Kanyang papel bilang iyong Tagapagligtas at Manunubos? Pag-isipan kung paano sila babaguhin ng pagpapalakas ng patotoo ng mga miyembro ng korum o klase tungkol sa Kanya. Habang naghahanda ka, isiping pag-aralan ang “Karapatang Pumili at ang Pagkahulog nina Adan at Eva” at “Ang Pagbabayad-sala” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ([2004], 54, 56–57).

mga dalagita sa klase

Dahil tinubos tayo ng Tagapagligtas mula sa Pagkahulog, makasusumpong tayo ng kagalakan.

Magkakasamang Matuto

Para mapasimulan ang talakayan ngayon, maaari mong anyayahan ang mga tinuturuan mo na isulat sa pisara ang anumang alam nila tungkol sa Pagkahulog nina Eva at Adan. Halimbawa, ano ang matututuhan nila tungkol sa Pagkahulog mula sa Doktrina at mga Tipan 29:36–50? Anong katibayan ng Pagkahulog ang nakikita natin sa ating paligid? Ang mga aktibidad sa ibaba ay makatutulong sa iyong korum o klase na tuklasin kung paano nakatutulong ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo na madaig natin ang mga epekto ng Pagkahulog.

  • Para mas maunawaan ang Pagkahulog nina Eva at Adan, maaaring basahin ng mga miyembro ng korum o klase ang “Pagkahulog” sa Tapat sa Pananampalataya (137–41) o ang “Kalayaang Pumili at ang Pagkahulog nina Adan at Eva” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (54). Anyayahan silang isipin na kunwari ay tinanong sila ng isang kaibigan ng, “Bakit kailangan ko si Jesucristo?” Anyayahan silang turuan ang isa’t isa nang magkakapares kung paano nila sasagutin ang tanong na iyon batay sa natutuhan nila mula sa kanilang pagbabasa.

  • Paano mo matutulungan ang mga miyembro ng korum o klase na malaman mula sa mga banal na kasulatan kung bakit nila kailangan ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo? Ang isang paraan ay isulat sa pisara ang ilan sa mga reperensya sa banal na kasulatan mula sa “Suportang Resources” at pagkatapos ay isulat ang mga buod na mga pangungusap para sa mga reperensyang iyon sa mga piraso ng papel. Bigyan ang bawat miyembro ng korum o klase ng isa sa mga piraso ng papel. Anyayahan silang basahin ang mga reperensya sa banal na kasulatan na nakasulat sa pisara at hanapin ang isang tutugma sa kanilang pangungusap. (Ang ilan sa mga pangungusap ay tumutukoy sa mahigit sa isang talata.) Anyayahan ang bawat miyembro ng korum o klase na basahin nang malakas ang talatang tugma sa kanilang pangungusap at ibahagi ang natutuhan nila kung bakit kailangan natin ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.

  • Anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na lihim nilang sagutin ang mga tanong na gaya ng mga sumusunod: Paano ako napagpapala sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo? Ano ang nanaisin ng Tagapagligtas na baguhin ko para mas lubos kong maranasan ang mga pagpapala ng Kanyang Pagbabayad-sala? Pagkatapos ay sabihin sa kanila na sama-samang talakayin ang unang tanong. Maaari nilang rebyuhin ang “Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo” at “Ang Pagbabayad-sala” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (54, 56–57). Anyayahan silang ibahagi ang nalaman nila.

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Ipinagdasal ng Tagapagligtas ang Kanyang mga disipulo at patuloy silang pinaglingkuran. Nakahanap Siya ng mga pagkakataong makasama sila at ipadama ang Kanyang pagmamahal. Ano ang mga pagkakataon mong magawa rin ito sa mga tinuturuan mo? (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 6.)