Doktrina at mga Tipan 2021
Mayo 23. Paano Ko Matatanggap ang Kaloob na Espiritu Santo? Doktrina at mga Tipan 51–57


“Mayo 23. Paano Ko Matatanggap ang Kaloob na Espiritu Santo? Doktrina at mga Tipan 51–57,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021 (2020)

“Mayo 23. Paano Ko Matatanggap ang Kaloob na Espiritu Santo?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021

dalagitang isine-set apart

Mayo 23

Paano Ko Matatanggap ang Kaloob na Espiritu Santo?

Doktrina at mga Tipan 51–57

icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women. Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

  • Ang ating korum o klase. Ano ang magagawa natin para magkaroon ng pagkakaisa ang mga miyembro ng korum o klase? Anong mga mithiin ang nanaisin nating pagtulung-tulungan na makamit?

  • Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ginagawa natin upang maibahagi ang ebanghelyo? Ano ang mga naging karanasan natin sa paggawa ng gawain sa templo at family history?

  • Ang ating buhay. Paano natin nakita ang impluwensya ng Panginoon sa ating buhay? Ano ang nagbigay-inspirasyon sa ating pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa linggong ito?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o klase tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

icon ng ituro ang doktrina

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Matapos tayong binyagan, ipinapatong ng mga mayhawak ng priesthood ang kanilang mga kamay sa ating ulunan upang igawad ang kaloob na Espiritu Santo. Maaaring napaalalahanan na ang mga miyembro ng korum o klase nang pag-aralan nila ang Doktrina at mga Tipan 51–57 sa linggong ito. Gayunman, higit pa rito ang kailangan sa pagtanggap ng Espiritu Santo. Para matanggap ang Espiritu Santo bilang ating kasama sa tuwina, kailangan nating hangarin ang Kanyang presensya, anyayahan Siya sa ating buhay, at matapat na sundin ang mga kautusan. Anong mga pagpapala ang darating sa buhay ng mga tinuturuan mo kapag hinahangad nila ang Kanyang impluwensya?

Para matulungan kang maghandang magturo, maaari mong rebyuhin ang “Ang Kaloob na Espiritu Santo” sa Tapat sa Pananampalataya ([2004], 27–29) o ang mensahe ni Pangulong Henry B. Eyring na “Mapasainyo ang Kanyang Espiritu” (Liahona, Mayo 2018, 86–89).

mga dalagita at binatilyo sa klase

Para matanggap ang patnubay ng Espiritu Santo, dapat nating hangarin ang Kanyang impluwensya araw-araw.

Magkakasamang Matuto

Para mas maipaunawa sa mga miyembro ng korum o klase ang kaloob na Espiritu Santo, maaari kang magsimula sa pagbanggit kung paano iginagawad ang kaloob na Espiritu Santo. Maaari nilang basahin ang Doktrina at mga Tipan 52:10; 53:3; 55:1–3 at talakayin ang natutuhan nila. Bigyang-diin na ang mayhawak ng priesthood ay hindi nagkakaloob ng Espiritu Santo kundi nag-aanyaya sa mga miyembro na tanggapin ang Espiritu Santo. Ano ang pagkakaiba? Ang mga aktibidad sa ibaba ay mas magpapaunawa sa mga tinuturuan mo kung paano matatanggap ang pambihirang kaloob na ito.

  • Ang ginawa ni Lehi at ng kanyang pamilya para magabayan ng Liahona ay katulad ng kailangan nating gawin para matanggap ang pumapatnubay na impluwensya ng Espiritu Santo. Maaari mong ipakita ang isang larawan ni Lehi at ng Liahona (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo [2009], blg. 68) at hilingin sa mga miyembro ng korum o klase na ibahagi ang alam nila tungkol sa Liahona. Pagkatapos, maaari mong anyayahan ang kalahati sa kanila na basahin ang 1 Nephi 16:14–29 at ipabasa sa natitirang kalahati ang 1 Nephi 18:8–22, na naghahanap ng mga paraan kung paano katulad ng Liahona ang Espiritu Santo. Ano ang matututuhan natin mula sa halimbawa ng pamilya ni Lehi na makatutulong sa atin na mas lubos na matanggap ang Espiritu Santo?

  • Ang bawat bahagi ng Para sa Lakas ng mga Kabataan ay naglalaman ng payo tungkol sa pamumuhay ayon sa mga pamantayan at utos ng Panginoon. Ang pagsunod sa mga kautusang ito ay nag-aanyaya sa kapangyarihan ng Espiritu Santo sa ating buhay. Isiping anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na pumili ang bawat isa ng isa sa mga bahagi sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, basahin ito, at markahan ang mga bagay na dapat o hindi nila dapat gawin para matulungan silang matanggap ang Espiritu Santo. Pagkatapos ay maaari nilang ibahagi ang natutuhan nila sa iba pa sa korum o klase. Anyayahan silang magtakda ng isang mithiin na tutulong sa kanila na mas lubos na matanggap ang Espiritu Santo. Bakit gusto nating mapasaatin ang Espiritu Santo? (tingnan sa Juan 14:26–27; 15:26; 16:13; 2 Nephi 32:3).

  • Sa kanyang mensaheng “Mapasainyo ang Kanyang Espiritu” (Liahona, Mayo 2018, 86–89.), sabi ni Pangulong Henry B. Eyring, “Umaasa ako ngayon na madagdagan ang inyong hangarin at inyong kakayahan na matanggap ang Espiritu Santo” (pahina 86). Hilingin sa mga miyembro ng korum o klase na basahin ang siyam na talata sa kanyang mensahe na nagsisimula sa “Ang mga karanasan ni Propetang Joseph Smith” (pahina 87). Anyayahan silang tuklasin ang ginawa ni Joseph Smith para matanggap ang impluwensya ng Espiritu Santo. Maaari nilang ilista sa pisara ang natuklasan nila. Kung angkop, maaari mo silang anyayahang magbahagi ng kanilang mga karanasan sa pagtanggap ng patnubay mula sa Espiritu Santo. Ano ang ginagawa nila nang maranasan nila ang mga ito na humantong sa pagtanggap ng patnubay mula sa Espiritu Santo? Maaari ka ring magbahagi ng isang karanasan.

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Bilang paghahanda para sa Kanyang ministeryo sa lupa, ang Tagapagligtas ay “inakay ng Espiritu tungo sa ilang” upang mag-ayuno, manalangin, at “makasama ang Diyos” (Pagsasalin ni Joseph Smith, Mateo 4:1 [sa Mateo 4:1, footnote b]). Ang mabisang pagtuturo ng ebanghelyo ay hindi lang paghahanda ng isang lesson kundi paghahanda rin sa ating sarili. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 12.)