Doktrina at mga Tipan 2021
Hunyo 13. Paano Ko Mapaglalabanan ang Pornograpiya? Doktrina at mga Tipan 63


“Hunyo 13. Paano Ko Mapaglalabanan ang Pornograpiya? Doktrina at mga Tipan 63,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021 (2020)

“Hunyo 13. Paano Ko Mapaglalabanan ang Pornograpiya?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021

Larawan
dalagitang may hawak na cell phone

Hunyo 13

Paano Ko Mapaglalabanan ang Pornograpiya?

Doktrina at mga Tipan 63

Larawan
icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women. Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

  • Ang ating korum o klase. Ano ang naging mga aktibidad natin kamakailan? Matagumpay ba ang mga ito? Ano ang magandang nangyari, at paano natin mapagbubuti ang mga ito?

  • Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Sino ang nangangailangan ng ating paglilingkod? Paano natin sila matutulungan?

  • Ang ating buhay. Anong mga mithiin ang pinagsisikapang gawin ng bawat isa sa atin? Anong mga karanasan ang maibabahagi natin? Anong mga pagpapala ang natanggap natin?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o klase tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

Larawan
icon ng ituro ang doktrina

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Maaaring napag-aralan na ng mga miyembro ng korum o klase ang Doktrina at mga Tipan 63 sa linggong ito at nabasa ang babala ng Tagapagligtas sa naunang mga Banal tungkol sa mga panganib ng seksuwal na pagnanasa—isang babala na paulit-ulit Niyang ibinigay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 63:13–16; Mateo 5:27–28; 3 Nephi 12:27–30). Bagama’t umangkop na ang mga babalang ito sa mga tao sa lahat ng panahon, mas angkop ang mga ito sa ating panahon, kung kailan ang pornograpiya ay isang laganap na salot. Anong mga panganib at pamimilit na may kaugnayan sa pornograpiya ang maaaring kinakaharap ng mga miyembro ng iyong korum o klase? Anong mga alituntunin ng ebanghelyo at mga paraan ng pag-iwas ang makatutulong sa kanila na mapanatiling dalisay ang kanilang mga iniisip at pagkilos?

Habang naghahanda kang magturo, isiping rebyuhin ang “Libangan at Media” at “Kadalisayan ng Puri” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan ([2011], 11–13, 35–37) at Puspusin ng Kabanalan ang Iyong mga Iniisip (buklet, 2006).

Larawan
mga binatilyo sa klase

Maaaring mapalakas ng mga miyembro ng korum at klase ang isa’t isa sa paglaban sa pornograpiya.

Magkakasamang Matuto

Para makapagsimula ng isang talakayan tungkol sa pornograpiya, maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na basahin ang Doktrina at mga Tipan 63:13–16 at talakayin ang mga kabatiran mula sa mga talatang ito na magpapaunawa sa kanila kung bakit lubhang nakapipinsala ang pornograpiya. Para maipaunawa sa mga miyembro ng iyong korum o klase kung paano labanan ang pornograpiya, gamitin ang isa o mahigit pa sa sumusunod na mga aktibidad. Sa pagtatapos ng inyong talakayan, maaari kang mahikayat na talakayin kung paano matutulungan ng bishop ang mga nasangkot na sa pornograpiya (tingnan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, 12, 37).

  • Ang mga miyembro ng inyong korum o klase ay maaaring may mga tanong tungkol sa paglaban sa pornograpiya. Upang tulungan silang mahanap ang mga sagot, maaari mong isulat ang sumusunod na mga tanong sa pisara: Ano ang pornograpiya? Bakit ito nakapipinsala? Paano tayo makalalayo sa tukso ng pornograpiya? Upang matulungan ang mga miyembro ng korum o klase na makita ang mga sagot sa unang dalawang tanong, sabihin sa kanila na rebyuhin ang “Pornograpiya” sa Tapat sa Pananampalataya (mga pahina 198–199) at “Libangan at Media” at “Kadalisayan ng Puri” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan (mga pahina 11–13, 35–37). Upang tulungan silang mahanap ang mga sagot sa ikatlong tanong, sabihin sa kanila na rebyuhin ang Genesis 39:1–12; Mga Taga Roma 12:21; II kay Timoteo 2:22; Alma 39:3–9; Moroni 10:30; Doktrina at mga Tipan 27:15–18; 121:45–46. Anyayahan silang ibahagi ang makikita nilang mga sagot.

  • Upang matulungan ang iyong korum o klase na matuklasan ang mga paraan ng paglaban sa pornograpiya, maaari mong iparebyu sa kanila ang mensahe ni Elder Jeffrey R. Holland na “Huwag Nang Magbigay-puwang sa Kaaway ng Aking Kaluluwa” (Liahona, Mayo 2010, 44–46) at ang mensahe ni Sister Linda S. Reeves na “Proteksyon Laban sa Pornograpiya—Tahanang Nakatuon kay Cristo” (Liahona, Mayo 2014, 15–17). Kunwari ay kausap nila ang kanilang magiging anak na lalaki o babae tungkol sa kung bakit nakapipinsala ang pornograpiya at kung paano ito maiiwasan. Anong impormasyon ang ibabahagi nila mula sa mensahe sa kumperensya na nirebyu nila? Sabihin sa kanila na maghanap ng kapares at ibahagi ang mga sagot na natagpuan nila. Sabihin sa kanila na isulat kung ano ang gagawin nila upang maiwasan ang pornograpiya.

  • Anyayahan ang mga tinuturuan mo na basahin ang I mga Taga Corinto 10:13 at Alma 13:28. Sabihin sa kanila kung paano sa palagay nila nauugnay ang mga banal na kasulatang ito sa mga hamon sa atin ngayon sa paglaban sa pornograpiya. Maaari mo rin silang anyayahan na isipin na kunwari ay may kaibigan sila na nahihirapan sa pornograpiya at gustong magsisi. Ano ang nakita nila sa mga banal na kasulatan na tutulong sa kanilang kaibigan sa ilalim ng “Suportang Resources” at sa mga pahina 1–4 ng buklet na Puspusin ng Kabanalan ang Iyong mga Iniisip? Ano ang magpapaunawa sa kanilang kaibigan na matutulungan siya ng bishop? (tingnan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, 12, 37).

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Habang nagtuturo ka na katulad ng Tagapagligtas, magbibigay ng puwang ang mga miyembro ng korum o klase sa puso nila upang ang binhi ng ebanghelyo ay maitanim, tumubo, at lumago. Ano ang magagawa mo para tulungan silang gamitin ang mga banal na kasulatan upang maunawaan ang bisa at ganda ng mabuting pamumuhay?

Print