“Hulyo 11. Paano Naaapektuhan ng Pagkaalam tungkol sa Plano ng Kaligtasan ang Aking Buhay? Doktrina at mga Tipan 76,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021 (2020)
“Hulyo 11. Paano Naaapektuhan ng Pagkaalam tungkol sa Plano ng Kaligtasan ang Aking Buhay?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021
Hulyo 11
Paano Naaapektuhan ng Pagkaalam tungkol sa Plano ng Kaligtasan ang Aking Buhay?
Sama-samang Magpayuhan
Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto
Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women. Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):
-
Ang ating korum o klase. Sino ang nangangailangan ng ating tulong at mga panalangin? Ano ang magagawa natin para matulungan sila? Sino ang dapat nating anyayahan sa isang paparating na aktibidad?
-
Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Anong mga tungkulin na ang nagampanan natin? Anong mga tungkulin ang kailangan nating gawin? Paano natin naanyayahan ang iba na lumapit kay Cristo, at paano natin maaanyayahan ang iba ngayon?
-
Ang ating buhay. Anong mga karanasan kamakailan ang nagpalakas sa ating patotoo? Ano ang nangyayari sa ating buhay, at paano natin masusuportahan ang isa’t isa?
Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:
-
Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.
-
Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o klase tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.
Ituro ang Doktrina
Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto
Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili
Ang ating Ama sa Langit ay naglaan ng isang plano na magtutulot sa atin na makatanggap ng walang-hanggang mga pagpapala at maging katulad Niya. Nais niyang malaman ng lahat ng Kanyang anak ang tungkol sa planong iyan, kaya inihayag Niya ito sa mga propeta sa lahat ng panahon. Nang pag-aralan ng mga miyembro ng korum o klase ang Doktrina at mga Tipan 76 sa linggong ito, natutuhan nila kung ano ang inihayag ng Diyos kina Joseph Smith at Sidney Rigdon tungkol sa Kanyang plano, kabilang na ang mahalagang papel ng Tagapagligtas sa plano at ang kaluwalhatiang matatanggap natin sa buhay na darating. Kung tayo ay matapat, maaari tayong maging sakdal sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, tumanggap ng ganap na kagalakan, at mamuhay sa piling ng Diyos magpakailanman.
Paano naimpluwensyahan ng pagkaalam tungkol sa plano ng Ama sa Langit ang iyong pananaw sa buhay? Paano mo maipauunawa sa iyong korum o klase na malaking pagpapala ang malaman ang tungkol sa plano ng kaligtasan? Para makapaghandang magturo, maaari mong basahin ang “Plano ng Kaligtasan” sa Tapat sa Pananampalataya ([2004], 195–198.) o ang mensahe ni Elder Dieter F. Uchtdorf na “Ang Inyong Malaking Pakikipagsapalaran” (Liahona, Nob. 2019, 86–90).
Magkakasamang Matuto
Ang isang paraan para makapagsimula ng isang talakayan sa iyong korum o klase tungkol sa plano ng kaligtasan ay anyayahan ang isang tao na isulat sa pisara ang sumusunod na mga heading, pati na ang mga talata mula sa Doktrina at mga Tipan 76: Buhay Bago Tayo Isinilang (mga talata 22–27), Buhay na Ito (mga talata 40–43), at Kabilang-Buhay (mga talata 50–53, 59–62). Bigyan ng ilang minuto ang mga miyembro ng korum o klase na rebyuhin ang mga talatang ito para malaman ang papel ng Tagapagligtas sa pagsasakatuparan ng plano ng Ama sa Langit. Hilingin sa kanila na isulat sa ilalim ng bawat heading ang nalaman nila. Ang mga aktibidad sa ibaba ay mas magpapaunawa sa kanila kung paano pinagpapala ng plano ng Ama sa Langit ang kanilang buhay.
-
Ang pagrebyu sa ilan sa mga tawag sa plano ng Ama sa Langit ay maaaring mas maipaunawa ang plano sa mga miyembro ng korum o klase. Maaari nilang rebyuhin ang mga talata sa banal na kasulatan sa unang bullet sa ilalim ng “Suportang Resources” at gumawa ng listahan ng ilan sa mga tawag sa plano ng Diyos. Ano ang itinuturo ng mga katawagang ito tungkol sa plano? Halimbawa, paano nagdudulot sa atin ng kaligayahan ang planong ito, ngayon at magpasawalang-hanggan? Ano ang itinuturo sa atin ng mga talatang ito tungkol sa papel ng Tagapagligtas sa plano?
-
Isiping anyayahan ang mga tinuturuan mo na talakayin kung paano nila maaaring sagutin ang isang kaibigang nagtanong ng sumusunod na mga bagay tungkol sa plano ng kaligtasan: Saan tayo nanggaling? Bakit tayo narito? Saan tayo pupunta pagkamatay natin? Anyayahan silang gamitin ang impormasyon sa ilalim ng “Plano ng Kaligtasan” sa Tapat sa Pananampalataya (mga pahina 195–198) at ang resources sa ilalim ng “Suportang Resources” sa paghahanda ng isang sagot sa isa sa mga tanong. Paano tayo napatatag ng pagkaalam sa mga sagot sa mga tanong na ito?
-
Natututuhan nang mas malalim ng mga miyembro ng korum o klase ang mga katotohanan ng ebanghelyo kapag binibigyan sila ng mga pagkakataong magturo. Bago magklase, hilingin sa ilang miyembro ng korum o klase na pumasok na handang magbahagi ng maikling buod ng nalalaman nila tungkol sa isang aspeto ng plano ng kaligtasan. Maaari nilang gamitin ang mga buod na matatagpuan sa ilalim ng “Ang plano ng Kaligtasan” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ([2019], 51–59). Ano ang kaibhang nagagawa ng pagkaalam tungkol sa plano ng kaligtasan?
Kumilos nang May Pananampalataya
Hikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya.
Suportang Resources
-
2 Nephi 11:5; Alma 12:30; 34:9; 41:2; 42:8, 13–15; Moises 6:59–62 (Mga tawag sa plano ng Ama sa Langit)
-
Doktrina at mga Tipan 38:1–3; 138:53–56; Moises 4:1–4; Abraham 3:21–24 (Buhay bago tayo isinilang)
-
2 Nephi 2:19–21, 25; Alma 5:15–16; 34:32; Abraham 3:25–26 (Buhay na ito)
-
Juan 14:1–2; Alma 11:42–45; Doktrina at mga Tipan 76:39–43, 89–93. (Kabilang-buhay)