Doktrina at mga Tipan 2021
Hulyo 25. Bakit Dapat Maging Masunurin Ako sa mga Utos ng Diyos? Doktrina at mga Tipan 81–83


“Hulyo 25. Bakit Dapat Maging Masunurin Ako sa mga Utos ng Diyos? Doktrina at mga Tipan 81–83,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021 (2020)

“Hulyo 25. Bakit Dapat Maging Masunurin Ako sa mga Utos ng Diyos?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021

Larawan
mga dalagitang kumakanta

Hulyo 25

Bakit Dapat Maging Masunurin Ako sa mga Utos ng Diyos?

Doktrina at mga Tipan 81–83

Larawan
icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women. Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

  • Ang ating korum o klase. Ano ang magagawa natin para magkaroon ng pagkakaisa ang mga miyembro ng korum o klase? Anong mga mithiin ang nanaisin nating pagtulung-tulungang makamit?

  • Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ginagawa natin upang maibahagi ang ebanghelyo? Ano ang mga naging karanasan natin sa paggawa ng gawain sa templo at family history?

  • Ang ating buhay. Paano natin nakita ang impluwensya ng Panginoon sa ating buhay? Ano ang nagbigay-inspirasyon sa ating pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa linggong ito?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o klase tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

Larawan
icon ng ituro ang doktrina

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Maaari nating madama kung minsan na ang mga utos ng Diyos ay hinihigpitan ang ating kalayaan at nililimitahan ang ating kalayaang pumili. Ang totoo ay mas pinatitibay ng mga kautusan ang ating kalayaan. Nalalaman natin sa Doktrina at mga Tipan 82:8–10 na ipinauunawa sa atin ng mga kautusan ang kalooban ng Diyos, at kapag sinusunod natin ang mga ito, ang ating mga kilos ay “bumabaling [sa atin] para sa [ating] kaligtasan.” Sa katunayan, kapag sinusunod natin ang Diyos, “tiyak” na ibibigay Niya sa atin ang lahat ng pagpapalang naipangako Niya (mga talata 9–10). Paano ka napagpala ng Ama sa Langit nang sundin mo ang Kanyang mga kautusan? Para makapaghandang magturo, maaari mong basahin ang mensahe ni Elder Dale G. Renlund na “Managana sa Pagpapala” (Liahona, Mayo 2019, 70–73).

Larawan
dalagitang nag-aaral

Ang mga halimbawa ng matatapat na lingkod ng Diyos noong araw ay maaaring magbigay-inspirasyon sa atin na mamuhay nang matapat ngayon.

Magkakasamang Matuto

Ang mga miyembro ng iyong korum o klase ay maaaring nahihirapang sundin ang ilan sa mga kautusan. Ang pagpapaunawa sa kanila kung bakit mahalaga ang pagsunod ay maaaring magbigay-inspirasyon sa kanila. Isulat sa pisara ang pamagat ng outline na ito, at anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na magbahagi ng mga sagot. Maaari mong hilingin sa kanila na maghanap ng mga karagdagang kabatiran sa Doktrina at mga Tipan 82:8–10, na maaaring napag-aralan nila sa linggong ito. Pagkatapos ay pumili ng isa o mahigit pa sa mga aktibidad sa ibaba upang mas maipaunawa sa kanila kung bakit laging mahalagang sundin ang Diyos, kahit mahirap itong gawin.

  • Maaaring mas madaling sundin ang mga kautusan kapag nauunawaan natin ang mga dahilan sa likod ng mga ito. Para malaman kung bakit binibigyan tayo ng Diyos ng mga kautusan, maaaring rebyuhin ng mga miyembro ng korum o klase ang mga reperensyang talata sa banal na kasulatan sa “Suportang Resources” (o ang iba pang naiisip mo). Paano tayo matutulungan ng mga talatang ito kapag nahihirapan tayong sundin ang isang kautusan? Bilang bahagi ng talakayang ito, maaari ninyong sama-samang basahin ang bahaging may pamagat na “Ikaapat, huwag kalimutan ‘kung bakit’ may ebanghelyo” sa mensahe ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf na “Huwag Mo Akong Kalimutan” (Liahona, Nob. 2011, 122).

  • Kapag nauunawaan ng mga tinuturuan mo ang perpektong halimbawa ng pagsunod ng Tagapagligtas, maaari silang mabigyang-inspirasyon na mas lubos na sundin ang Diyos. Kailan sinunod ni Jesucristo ang Kanyang Ama, kahit sa mahihirap na sitwasyon? (tingnan sa Mateo 4:1–11; Lucas 22:39–44). Ang mga halimbawa ng kalalakihan at kababaihang masunurin ay matatagpuan sa Mga Hebreo 11. Maaari sigurong pumili ang iyong korum o klase ng isa sa mga halimbawang ito—o ng ibang alam nila, pati na sa kanilang pamilya—at ibahagi kung ano ang nagbibigay-inspirasyon sa kanila tungkol sa mga taong ito. Bakit nila piniling sundin ang Panginoon? Paano tayo tinutulungan ng Tagapagligtas kapag pinipili nating maging masunurin?

  • Para matulungan ang mga miyembro ng korum o klase na ituring na mga pagpapala ang mga kautusan at hindi mga pasanin, maaari mong ibahagi ang mga turo ni Elder D. Todd Christofferson na matatagpuan sa “Suportang Resources.” Maaari kang magdispley o magdrowing ng larawan ng isang hagdan at hilingin sa mga tinuturuan mo na sulatan ang bawat baitang ng isang kautusan na mahirap unawain o sundin ng isang kabataan. Paano makatutulong ang mga salita ni Elder Christofferson sa isang taong nahihirapang sumunod sa mga kautusan?

  • May ilang video na nagtuturo tungkol sa pagsunod na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org at sa Gospel Library app (tingnan sa “Suportang Resources”). Maaari mong atasan ang bawat miyembro ng klase o korum na panoorin ang isa sa mga video na ito bago ang miting at dumating na handang ibahagi ang natutuhan nila tungkol sa pagsunod. Maaaring magplano ang korum o klase ng sarili nilang video tungkol sa pagsunod sa mga utos ng Diyos. Pagkatapos ay maaari silang bumuo ng isang aktibidad na gumawa ng video at ibahagi ito sa social media.

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya.

Suportang Resources

  • 1 Nephi 17:3; Mosias 2:41; Doktrina at mga Tipan 130:20–21 (Tayo ay pinagpapala sa pagsunod sa mga kautusan)

  • Deuteronomio 10:12–13; Juan 14:15; I Ni Juan 5:1–3 (Sinusunod natin ang mga kautusan dahil mahal natin ang Diyos)

  • Doktrina at mga Tipan 93:20 (Ang pagsunod ay tinutulutan tayong matanggap ang kaganapan ng Diyos)

  • Pagsunod,” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (2019), 80

  • Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson: “May ilan na sakripisyo at mga limitasyon lamang ang nakikita sa pagsunod sa mga kautusan ng bago at walang hanggang tipan, ngunit yaong mga dumaranas nito—na lubos na ibinibigay ang sarili at walang pag-aalangang ipinamumuhay ang mga tipan—ay higit na malaya at tagumpay. Kapag lubos tayong nakauunawa, mas marami pang utos ang hangad natin, hindi ilan lang. Bawat bagong batas o kautusang nalalaman at ipinamumuhay natin ay parang isa pang baitang ng hagdan na maaakyatan natin paitaas nang paitaas. Tunay, ngang ang pamumuhay ng ebanghelyo ay mabuting pamumuhay” (“Ang Kapangyarihan ng mga Tipan,” Liahona, Mayo 2009, 23).

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Inanyayahan ng Tagapagligtas ang Kanyang mga disipulo na magpatotoo, at nang gawin nila ito, inantig ng Espiritu ang kanilang puso. Habang nagtuturo ka, anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na magbahagi ng kanilang patotoo tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa mga kautusan.

Print