Doktrina at mga Tipan 2021
Agosto 8. Paano Ako Maaaring Makibahagi sa Pagtitipon ng Israel? Doktrina at mga Tipan 85–87


“Agosto 8. Paano Ako Maaaring Makibahagi sa Pagtitipon ng Israel? Doktrina at mga Tipan 85–87,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021 (2020)

“Agosto 8. Paano Ako Maaaring Makibahagi sa Pagtitipon ng Israel?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021

mga binatilyo sa harap ng templo

Agosto 8

Paano Ako Maaaring Makibahagi sa Pagtitipon ng Israel?

Doktrina at mga Tipan 85–87

icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women. Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

  • Ang ating korum o klase. Ano ang naging mga aktibidad natin kamakailan? Matagumpay ba ang mga ito? Ano ang magandang nangyari, at paano natin mapagbubuti ang mga ito?

  • Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Sino ang nangangailangan ng ating paglilingkod? Paano natin sila matutulungan?

  • Ang ating buhay. Anong mga mithiin ang pinagsisikapang tuparin ng bawat isa sa atin? Anong mga karanasan ang maibabahagi natin? Anong mga pagpapala na ang natanggap natin?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o klase tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

icon ng ituro ang doktrina

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

May alam siguro ang iyong korum o klase tungkol sa kanilang mga responsibilidad sa paggawa ng gawaing misyonero at sa gawain sa templo at family history. Ngunit kung kakausapin mo sila tungkol sa pagtitipon ng Israel, baka hindi nila alam kung ano ang sinasabi mo. Paano mo maipauunawa sa kanila na ang pagbabahagi ng ebanghelyo, pagsasaliksik ng kanilang family history, at pagsasagawa ng mga ordenansa sa templo ay bahagi ng mas malaking gawain ng pagtitipon ng Israel bilang paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas?

Napag-aralan na siguro ng mga tinuturuan mo ang talinghaga ng trigo at mga agingay sa Doktrina at mga Tipan 86, na nagtuturo tungkol sa pagtitipon ng Israel sa mga huling araw. Habang binabasa mo ang bahaging ito, subukang isipin na ang mga tao sa iyong korum o klase ay mga manggagawa sa mga bukirin ng Panginoon. Paano mo sila matutulungang maranasan ang kagalakang dumarating mula sa pakikibahagi sa dakilang gawaing ito? Para malaman ang iba pa tungkol sa paksang ito, pag-aralan ang mensahe nina Pangulong Russell M. Nelson at Sister Wendy W. Nelson na “Pag-asa ng Israel” ([pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018], suplemento sa New Era at Liahona, ChurchofJesusChrist.org).

dalagita at babaeng adult na nakatingin sa computer

Ang mga kabataang lalaki at kabataang babae ay makatutulong sa pagtipon ng Israel sa pamamagitan ng paggawa ng gawain sa templo at family history.

Magkakasamang Matuto

Maaari kang magsimula sa pagtatanong sa mga miyembro ng klase ng katulad nito: Ano ang namukod-tangi sa inyo nang basahin ninyo ang Doktrina at mga Tipan 86 sa bahay? Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa gawain ng pagtitipon ng mga anak ng Diyos sa mga huling araw? Ano ang ginagawa natin upang makibahagi sa gawaing ito? Nasa ibaba ang mga karagdagang ideya para mahikayat ang iyong korum o klase na makibahagi sa pagtitipon ng Israel.

  • Itanong sa mga miyembro ng iyong korum o klase kung ano ang naiisip nila kapag naririnig nila ang katagang “pagtitipon ng Israel.” Kung kailangan nila ng tulong, imungkahi na basahin nila ang sumusunod na depinisyon ni Pangulong Russell M. Nelson: “Ang pagtitipon ng Israel ay nangangahulugan na ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mga anak ng Diyos sa magkabilang panig ng tabing na hindi pa nakagagawa ng mga importanteng tipan sa Diyos o natatanggap ang mahahalagang ordenansa. Bawat anak ng ating Ama sa Langit ay dapat mabigyan ng pagkakataon na piliing sundin si Jesucristo, na tanggapin ang Kanyang ebanghelyo kasama ang lahat ng pagpapala nito” (“Pag-asa ng Israel,” 11). Paano naaapektuhan ng kahulugang ito ang paraan ng ating pag-iisip tungkol sa mahalagang tungkuling ito?

  • Para maipakita sa mga miyembro ng korum o klase kung paano naaangkop sa kanila ang talinghaga ng trigo at mga agingay, maaari mong isulat ang mga parirala mula sa Doktrina at mga Tipan 86 sa pisara. Ang mga pariralang ito ay maaaring maglarawan ng mga simbolo sa talinghaga—tulad ng “mga tagapunla ng binhi,” “agingay na sinasakal ang trigo,” “dahon ay sumisibol,” at “pagtitipon ng trigo” (mga talata 2–4, 7). Ang mga pariralang ito ay maaari ding maglarawan ng mga interpretasyon ng mga simbolong ito—tulad ng “mga Apostol,” “ang Apostasiya,” “ang Pagpapanumbalik,” at “gawaing misyonero.” Pagkatapos ay maaaring magtulungan ang mga miyembro ng korum o klase na rebyuhin ang bahagi 86 at itugma ang mga simbolo sa kahulugan ng mga ito. (Maaari din nilang basahin ang Mateo 13:36–43.) Ano ang matututuhan natin mula sa talinghagang ito tungkol sa gawain ng pagtitipon ng Israel? Ano ang magagawa natin upang maging “liwanag” at “tagapagligtas” sa mga anak ng Diyos? (Doktrina at mga Tipan 86:11).

  • Maaaring maalala ng mga miyembro ng korum o klase na sa kanyang mensaheng “Pag-asa ng Israel,” inanyayahan sila ni Pangulong Russell M. Nelson na gumawa ng partikular na mga bagay para maghandang tumulong sa pagtipon ng Israel (tingnan sa mga pahina 14–17). Itanong sa kanila kung anong mga paanyaya ang naaalala nila, at sama-samang rebyuhin ang mga paanyaya kung kinakailangan. Paano tayo maaaring gawing mas epektibo ng paggawa ng mga bagay na ito sa pagtitipon ng Israel? Ano ang magagawa natin upang paalalahanan ang ating sarili tungkol sa mga paanyayang ito at tulungan ang bawat isa na isakatuparan ang mga ito? Hikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na mag-isip nang malikhain at ibahagi ang kanilang mga ideya.

  • Maaaring basahin ng mga miyembro ng korum o klase ang pambungad at unang dalawang bahagi ng mensahe ni Elder Quentin L. Cook na “Dakilang Pagmamahal sa mga Anak ng Ating Ama” (Liahona, Mayo 2019, 76–79), na inaalam kung bakit napakahalaga ng pagmamahal sa ating gawaing misyonero at mga pagsisikap sa templo at family history. Hilingin sa kanila na ibahagi ang natutuhan nila kung paano makagagawa ng kaibhan ang pagmamahal habang sinisikap nating ibahagi ang ebanghelyo sa mga nasa magkabilang panig ng tabing. Bigyan ng oras ang mga miyembro ng korum o klase na magsulat ng isang bagay na gusto nilang gawin dahil sa talakayan natin ngayon. Para matulungan silang makaisip ng mga ideya, maaari mong imungkahi na isipin nila ang mga taong kilala nila. Paano kaya tinutulungan ng Diyos ang mga taong ito? Paano tayo makatutulong?

Suportang Resources

  • Russell M. Nelson, “Ang Pagtitipon ng Ikinalat na Israel,” Liahona, Nob. 2006, 79–82

  • Church History Topics, “The Gathering of Israel,” ChurchofJesusChrist.org/study/history/topics

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Pinagkatiwalaan ng Tagapagligtas ang mga taong sumunod sa Kanya. Inihanda Niya sila at binigyan sila ng mahahalagang responsibilidad na turuan, basbasan, at paglingkuran ang iba (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 28). Anong mga pagkakataon ang maibibigay mo sa mga kabataan para maturuan nila ang isa’t isa?