Doktrina at mga Tipan 2021
Agosto 22. Bakit Nais ng Panginoon na Maging Malusog Ako? Doktrina at mga Tipan 89–92


“Agosto 22. Bakit Nais ng Panginoon na Maging Malusog Ako? Doktrina at mga Tipan 89–92,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021 (2020)

“Agosto 22. Bakit Nais ng Panginoon na Maging Malusog Ako?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2021

mga dalagitang nagha-hiking sa gubat

Agosto 22

Bakit Nais ng Panginoon na Maging Malusog Ako?

Doktrina at mga Tipan 89–92

icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women. Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

  • Ang ating korum o klase. Sino ang bago sa ating ward, at paano natin maipadarama sa kanila na sila ay tanggap? Ano ang ginagawa natin para maging makabuluhan ang ating oras sa mga miting ng korum o klase?

  • Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ilang tungkulin at responsibilidad natin bilang mga kabataang lalaki at kabataang babae? Paano natin magagampanan nang mas mahusay ang mga ito?

  • Ang ating buhay. Ano ang ginagawa natin para maging higit na katulad ni Jesucristo at matanggap ang Kanyang kapangyarihan sa ating buhay? Ano ang ginagawa natin upang matulungan ang ating mga pamilya na lumapit sa Kanya?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o klase tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

icon ng ituro ang doktrina

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Madali para sa ilang tao na isipin na ang Word of Wisdom, na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 89, ay isang listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin. May ilan ngang ganoon sa Word of Wisdom, ngunit naglalaman din ito ng mga alituntunin para mapanatiling malusog ang ating katawan. Itinuturo din nito na ang paraan ng pagtrato natin sa ating katawan ay nakaiimpluwensya sa kalusugan ng ating isipan, damdamin, at espiritu. Anong mga pagpapala ang natanggap mo nang sikapin mong mamuhay nang malusog?

Maaaring napag-aralan na ng mga miyembro ng iyong korum o klase ang Word of Wisdom nang basahin nila ang Doktrina at mga Tipan 89–92 sa linggong ito. Paano mo maipauunawa sa kanila ang pisikal at espirituwal na mga pagpapalang dulot ng pagsunod sa paghahayag na ito? Maaari kang makahanap ng makatutulong na mga ideya sa pagrebyu sa artikulo sa Gospel Topics na “Word of Wisdom” (topics.ChurchofJesusChrist.org) o “Kalusugang Pisikal at Emosyonal” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan ([2011], 25–27).

mga binatilyong naglalakad sa kagubatan

Ang pangangalaga sa ating pisikal na katawan ay nakaiimpluwensya sa kalusugan ng ating isipan, damdamin, at espiritu.

Magkakasamang Matuto

Para makapagsimula ng talakayan tungkol sa Word of Wisdom, isulat sa pisara ang mga salitang ito: Pisikal, Intelektuwal, Espirituwal, at Sosyal. Anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na basahin ang Doktrina at mga Tipan 89:18–21 at talakayin kung paano maiaangkop ang mga pangako sa mga talatang ito sa mga aspetong ito. Anong mga pagpapala ang maaaring dumating mula sa pagsunod sa Word of Wisdom? Paano natin naranasan ang mga pagpapalang ito sa ating buhay?

  • Maraming matututuhan ang mga miyembro ng iyong korum o klase mula sa isa’t isa sa paggawa ng isang pinagsama-samang listahan ng mga bagay na ginagawa nila para maging malusog. Hatiin ang mga miyembro ng korum o klase sa mga grupo, at atasan ang bawat grupo na basahin ang isa o mahigit pa sa mga sipi sa banal na kasulatan sa unang bullet sa ilalim ng “Suportang Resources,” na naghahanap ng mga katotohanan tungkol sa pisikal na kalusugan. Ipabahagi sa bawat grupo ang natutuhan nila at ilista sa pisara ang kanilang mga ideya. Paano tayo tutugon sa mga tanong na tulad ng sumusunod: Bakit tayo binibigyan ng Diyos ng mga batas hinggil sa pisikal na kalusugan? Bakit natin sinusunod ang mga ito?

  • Maaaring tanungin ang mga miyembro ng inyong korum o klase kung bakit hindi sila umiinom ng alak, naninigarilyo, o nagdodroga. Paano nila sinasagot ang mga tanong na ito? Maaari nilang saliksikin ang “Kalusugang Pisikal at Emosyonal” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan (mga pahina 25–27) at hanapin ang payo at ipinangakong mga pagpapala na maaari nilang ibahagi sa iba. Paano naaapektuhan ng pagtrato natin sa ating katawan ang ating kaugnayan sa Diyos? Paano nagkaroon ng patotoo ang mga miyembro ng korum o klase na ang pagsunod sa Word of Wisdom ay nagpapala sa kanilang buhay?

  • Ang mga karanasang nagpapakita ng mga pagpapala ng pagsunod sa Word of Wisdom ay makahihikayat sa mga miyembro ng korum o klase na maging mas tapat sa pagsunod sa batas na ito. Maaari kang magbahagi ng isang karanasan mula sa iyong buhay o ang karanasan na ibinahagi ni Pangulong Thomas S. Monson sa kanyang mensaheng “Mga Alituntunin at Pangako” (Liahona, Nob. 2016, 78–79). Maaari mong hikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na ibahagi ang kanilang mga karanasan.

  • Para makapagsimula ng isang talakayan kung paano labanan ang mga tuksong labagin ang Word of Wisdom, maaari mong ipakita sa iyong korum o klase ang isang pain sa isda (o isang larawan nito). Paano nililinlang ng mga pain ang isda? Ang mga sagot sa tanong na ito ay matatagpuan sa M. Russell Ballard, “O Yaong Tusong Plano Niyang Masama,” Liahona, Nob. 2010, 108–10). Paano naging katulad ng ginagawang panlilinlang o panloloko sa atin ni Satanas ang mga pain sa isda? Ano ang mensahe ni Pangulong Ballard para sa mga nalulong sa adiksyon? Paano natin matutulungang bumaling sa Tagapagligtas ang isang taong nahihirapang labanan ang tukso? (tingnan sa mga talata sa banal na kasulatan sa pangalawang bullet sa ilalim ng “Suportang Resources”).

    2:58

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Sa bawat tagpo, ang Tagapagligtas ang ating halimbawa at guro. Habang naghahanda kang magturo, isipin kung paano nakipag-usap ang Panginoon sa iba at kung paano ka maaaring makipag-usap sa isang paraang nagpapasigla at humihikayat sa mga tinuturuan mo.