Lumang Tipan 2022
Pebrero 13. Paano Tayo Mananatiling Tapat sa Tagapagligtas sa Isang Masamang Mundo? Genesis 12–17; Abraham 1–2


“Pebrero 13. Paano Tayo Mananatiling Tapat sa Tagapagligtas sa Isang Masamang Mundo? Genesis 12–17; Abraham 1–2,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022 (2021)

“Pebrero 13. Paano Tayo Mananatiling Tapat sa Tagapagligtas sa Isang Masamang Mundo?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022

Larawan
dalagitang nag-aaral

Pebrero 13

Paano Tayo Mananatiling Tapat sa Tagapagligtas sa Isang Masamang Mundo?

Genesis 12–17; Abraham 1–2

Larawan
icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay pamunuan ang isang talakayan tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan gamit ang isa o mahigit pang mga tanong sa ibaba o ang sarili mong mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 10.2, 11.2, ChurchofJesusChrist.org). Magplano ng mga paraan para kumilos ayon sa tinatalakay ninyo.

  • Ipamuhay ang ebanghelyo. Paano tayo naging mas malapit sa Tagapagligtas? Paano tayo nagsisikap na maging lalong katulad Niya?

  • Pangalagaan ang mga nangangailangan. Sino ang nasa ating isipan nitong mga nakaraang araw? Paano natin matutulungan ang mga taong ito?

  • Anyayahan ang lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Paano natin masasagot ang mga tanong ng ating mga kaibigan tungkol sa Simbahan sa paraang nagpapalakas sa kanilang pananampalataya sa Tagapagligtas?

  • Pagkaisahin ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan. Ano ang ilang paraan na lalo nating makakaugnayan ang mga kamag-anak, tulad ng mga lolo’t lola at mga pinsan?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Ipaalala sa mga miyembro ng klase o korum ang mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Ang pamumuhay nang matwid sa isang masamang mundo ay hindi kailanman naging madali. Para kay Abraham, ang pamimilit na tumalikod sa Diyos ay hindi lamang nagmula sa mundo—maging ang ama ni Abraham ay tumalikod sa Panginoon (tingnan sa Abraham 1:5–12; 2:5). Dumanas ng mga paghihirap sina Abraham at Sara, subalit nagtiwala sila sa mga pangako ng Panginoon “[at nahikayat ng mga ito, at tinanggap ang mga ito [at] ipinahayag na sila’y pawang mga dayuhan at manlalakbay sa ibabaw ng lupa” (Mga Hebreo 11:13).

Paano mo matutulungan ang mga miyembro ng klase o korum na manatiling tapat kapag pakiramdam nila ay para silang “mga dayuhan at manlalakbay” sa mundo dahil ipinamumuhay nila ang mga pamantayan ng Panginoon? Paano mo sila mahihikayat na maging matapang habang namumuhay sila nang tapat sa Panginoon? Habang naghahanda kang magturo, isiping rebyuhin ang Juan 15:18–20 at ang mensahe ni Elder Neil L. Andersen na “Pagdaig sa Sanlibutan” (Liahona, Mayo 2017, 58–62).

Larawan
binatilyong nakatingin sa lawa

Makasusumpong ng kapayapaan ang mga disipulo ni Jesucristo kapag namumuhay sila nang tapat sa kabila ng oposisyon.

Magkakasamang Matuto

Ang mga miyembro ng inyong klase o korum ay maaaring nabigyang-inspirasyon ng halimbawa ni Abraham sa linggong ito nang pag-aralan nila ang Genesis 12–17 at Abraham 1–2. Maaari mo silang anyayahang rebyuhin ang Abraham 1:1–19 at ibahagi kung ano ang nagbibigay-inspirasyon sa kanila tungkol sa halimbawa ni Abraham. Anong mga pagkakatulad ang nakikita natin sa pagitan ng mga hamong kinaharap ni Abraham at ng mga hamong kinakaharap natin ngayon? Pumili ng isa o mahigit pa sa mga aktibidad sa ibaba para makahikayat ng talakayan kung paano tayo maaaring manatiling tapat kay Jesucristo sa lahat ng sitwasyon.

  • Hinikayat nang madalas ng Panginoon at ng Kanyang mga propeta ang mga tinuruan nila na mamuhay nang tapat sa kabila ng kasamaan sa kanilang paligid. Ano ang ilang paraan na tinutukso ni Satanas ang mga kabataan na suwayin ang mga utos ng Diyos sa ating panahon? Maaaring basahin ng mga tinuturuan mo ang ilan sa mga talata ng banal na kasulatan na nakalista sa “Suportang Resources.” Anyayahan silang talakayin ang natututuhan nila tungkol sa pananatiling tapat kay Cristo kapag tinutukso tayo ng mundo na iba ang gawin o kinukutya tayo. Maaari nilang ibahagi ang natuklasan nilang mga paraan ng pamumuhay nang tapat habang ang iba ay hindi. Kailan natin ito nagawa o ng iba pang mga kakilala natin? Maaari mo ring ipalabas ang isa o mahigit pang mga video sa “Suportang Resources.”

  • Para maipaunawa sa inyong klase o korum kung paano madaig ang sanlibutan at matanggap ang mga pagpapalang nagmumula sa paggawa nito, isulat sa pisara ang Ang pagdaig sa sanlibutan ay … at Ang pagdaig sa sanlibutan ay nagreresulta sa … Pagkatapos ay maaari mong hilingin sa mga kabataan na rebyuhin ang mensahe ni Elder Neil L. Andersen na “Pagdaig sa Sanlibutan.” Anyayahan silang maghanap ng mga paraan para makumpleto ang mga pangungusap na ito, na isinusulat sa pisara ang natututuhan nila. Talakayin ang natutuklasan nila. Anyayahan nang maaga ang isang tao na pumasok na handang magbahagi ng isang kuwento na nagpapakita kung paano nanatiling tapat si Jesucristo sa Kanyang Ama sa kabila ng oposisyon (tingnan, halimbawa, sa Mateo 4:1–11; Lucas 22:39–44). Ano ang ipinauunawa sa atin ng halimbawa ng Tagapagligtas tungkol sa pagdaig sa sanlibutan? (tingnan sa Juan 16:33).

  • Ang mga disipulo ni Jesucristo ay dapat na “nasa mundo ngunit hindi makamundo.” Maaaring ang kahulugan ng “nasa mundo” ay na nahaharap tayo sa oposisyon kapag ipinamumuhay natin ang ating mga pamantayan. Ngunit nangangahulugan din ito na maaari nating impluwensyahan ang iba sa kabutihan. Para maituro ang alituntuning ito, maaari mong hilingin sa isang tao na pumasok sa klase na handang magbahagi ng isa o mahigit pang mga kuwento sa mensahe ni President Bonnie H. Cordon na “Upang Makita Nila” (Liahona, Mayo 2020, 78–80). Ano ang natututuhan natin mula sa mga kuwentong ito tungkol sa paggamit ng ating liwanag para tulungan ang iba na mas mapalapit kay Jesucristo? Anyayahan ang klase o korum na saliksikin ang mensahe ni Pangulong Cordon para sa mga pangungusap na naghihikayat sa kanila na maging isang liwanag sa iba sa isang masamang mundo. Anyayahan silang basahin nang malakas ang kanilang mga pangungusap at ibahagi kung ano ang nahihikayat silang gawin.

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng klase o korum na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Kung gusto nila, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga ideya. Anyayahan silang isipin kung paano mapapatibay ng pagkilos ayon sa kanilang mga impresyon ang kanilang kaugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Inanyayahan ng Tagapagligtas si Pedro na magpatotoo sa pamamagitan ng pagtatanong ng, “Ano ang sinasabi ninyo kung sino ako?” (Mateo 16:15). Nang sumagot si Pedro, lumakas ang kanyang patotoo. Anong mga tanong ang mag-aanyaya sa mga tinuturuan mo na magpatotoo upang mapalakas ng Espiritu ang kanilang mga patotoo?

Print