Lumang Tipan 2022
Disyembre 11. Inuuna Ko Ba ang mga Bagay ng Diyos sa Buhay Ko? Hagai; Zacarias 1–3; 7–14


“Disyembre 11. Inuuna Ko Ba ang mga Bagay ng Diyos sa Buhay Ko? Hagai; Zacarias 1–3; 7–14,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022 (2021)

“Disyembre 11. Inuuna Ko Ba ang mga Bagay ng Diyos sa Buhay Ko?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022

Larawan
pamilya sa labas ng templo

Disyembre 11

Inuuna Ko Ba ang mga Bagay ng Diyos sa Buhay Ko?

Hagai; Zacarias 1–3; 7–14

Larawan
icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay pamunuan ang isang talakayan tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan gamit ang isa o mahigit pa sa mga tanong sa ibaba o ang sarili mong mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 10.2, 11.2, ChurchofJesusChrist.org). Magplano ng mga paraan para kumilos ayon sa tinatalakay.

  • Ipamuhay ang ebanghelyo. Ano ang natalakay na ng bishopric sa ating mga ward youth council meeting? Anong mga hakbang ang magagawa natin batay sa talakayang iyon?

  • Pangalagaan ang mga nangangailangan. Paano natin matutulungan ang mga tao sa paraang katulad ng pagtulong ni Cristo kapag nakikita natin ang isang pangangailangan at hindi natin alam kung ano ang sasabihin?

  • Anyayahan ang lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Ano ang isang bagay na natuklasan natin sa ebanghelyo ni Jesucristo na naghahatid sa atin ng kagalakan? Paano natin maibabahagi ang kagalakang iyon sa iba?

  • Pagkaisahin ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan. Ano ang ginagawa natin para mahanap ang mga pangalan ng ating mga ninuno na nangangailangan ng mga ordenansa sa templo? Ano ang magagawa natin para tulungan ang iba na mahanap ang mga pangalan ng kanilang mga ninuno?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Ipaalala sa mga miyembro ng klase o korum ang mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

Larawan
teach the doctrine icon

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Ang buhay ay puno ng mahahalagang bagay na gagawin. Kung hindi tayo maingat, ang kaabalahan ng buhay ay maaaring maging dahilan para malimutan natin ang layunin ng buhay. Alam natin na ang Tagapagligtas at ang Kanyang ebanghelyo dapat ang pinakamataas nating priyoridad, ngunit madali tayong magambala ng iba pang mga bagay. Marahil ay iyan ang dahilan kaya tayo pinapayuhan sa mga banal na kasulatan na “landas ng iyong mga paa ay iyong tuwirin” (Mga Kawikaan 4:26), at “pag-isipan ninyo ang inyong mga lakad” (Hagai 1:5), at “siyasatin ninyo ang inyong mga sarili kung kayo’y nasa pananampalataya” (2 Corinto 13:5).

Kinailangan ng mga Israelitang nabuhay sa panahon ng propetang si Hagai ang ganitong uri ng paanyaya. Sa kanilang makabuluhang mga pagsisikap na muling itayo ang Jerusalem, isinantabi nila ang muling pagtatayo ng bahay ng Panginoon. Isipin kung paano maiaangkop ang mga babala ng Panginoon sa Hagai 1 sa atin ngayon. Paano mo mahihikayat ang mga tinuturuan mo na suriin ang kanilang pangako na unahin ang mga bagay ng Diyos sa kanilang buhay? Maaari ninyong rebyuhin ang mensahe ni Elder Dale G. Renlund na “Hindi Natitinag na Katapatan kay Jesucristo” (Liahona, Nob. 2019, 22–25) o ang mga turo ni Pangulong Ezra Taft Benson sa “Ang Dakilang Utos—Mahalin ang Panginoon” (sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Ezra Taft Benson [2014], 43–51).

Larawan
klase ng young women

Magagawa nating pinakamataas na priyoridad ang mga bagay ng Diyos.

Magkakasamang Matuto

Maaari kang magsimula ng isang talakayan sa pamamagitan ng pagsulat ng mga parirala mula sa Hagai 1:6 sa pisara. Ano ang matututuhan natin mula sa mga ideyang ito—naghahasik ng mga binhi ngunit hindi kailanman nag-aani, kumakain ngunit hindi kailanman nabubusog, o kumikita ng pera ngunit inilalagay ito sa isang supot na may mga butas—tungkol sa paggugol ng oras sa mga bagay maliban sa nais ng Panginoon na gawin natin? Bagama’t hindi tayo inuutusan ng Panginoon na magtuon sa pagtatayo ng isang templo, ano ang hinihiling Niyang pagtuunan natin ng pansin? Paano natin mabibigyan ng mataas na prayoridad ang mga bagay na iyon sa ating buhay? Ang sumusunod na mga aktibidad ay makakatulong sa mga kabataan na suriin ang kanilang pangakong unahin ang mga bagay ng Diyos sa kanilang buhay.

  • Ang pagtanggap ng sakramento ay isang napakagandang pagkakataon linggu-linggo para suriin ang ating katapatan kay Jesucristo. Paano natin magagamit ang sakramento para pag-isipan kung lalo tayong nagiging katulad ng Tagapagligtas? Marahil ay maaaring ibahagi ng mga kabataan kung paano nila ito ginagawa. Maaari din silang gumawa ng listahan ng mga bagay na maaari nilang itanong sa kanilang sarili sa oras ng sakramento. Anyayahan silang pagnilayan ang isa o mahigit pa sa mga talata sa banal na kasulatan, mensahe, o iba pang resources sa ilalim ng “Suportang Resources” habang ginagawa nila ang kanilang listahan.

  • Si Pangulong Dieter F. Uchtdorf, sa kanyang mensaheng “Sa mga Bagay na Pinakamahalaga” (Liahona, Nob. 2010, 19–22), ay nagbahagi ng payo na makakatulong sa mga kabataan na “pag-isipan [nila] ang [kanilang] mga lakad” (Hagai 1:5). Maaari mong anyayahan ang mga indibiduwal o maliliit na grupo na basahin ang huling tatlong bahagi ng mensahe (simula sa bahaging “Ang Bisa ng mga Pangunahing Alituntunin”), na hinahanap kung ano ang kahulugan ng ituon ang ating buhay sa Tagapagligtas. Maaari silang magbahagi ng isang bagay na nahihikayat silang gawin para patatagin ang kanilang katapatan kay Jesucristo.

  • Marami sa atin ang abala sa paggawa ng mabubuting bagay. Ngunit hindi ang mga ito palagi ang pinakamaganda. Isiping magbahagi ng isang pahayag mula sa unang bahagi ng mensahe ni Pangulong Dallin H. Oaks na “Maganda, Mas Maganda, Pinakamaganda,” (Liahona, Nob. 2007, 104–8) na magpapaunawa sa mga kabataan sa alituntuning ito. Maaari mo ring anyayahan ang bawat isa sa kanila na gumawa ng listahan ng kanilang pang-araw-araw na mga aktibidad. Hilingin sa kanila na personal na suriin kung ang bawat aktibidad ay “maganda,” “mas maganda,” o “pinakamaganda.” Bakit nagiging “pinakamaganda” ang isang aktibidad? Hikayatin ang mga kabataan na ibahagi sa isa’t isa ang natututuhan nila mula sa pagsusuring ito sa sarili.

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng klase o korum na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Kung gusto nila, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga ideya. Anyayahan silang isipin kung paano mapapatibay ng pagkilos ayon sa kanilang mga impresyon ang kaugnayan nila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

“Hindi kailangang ituro ang lahat sa isang class period para antigin ang puso ng isang tao—madalas ay sapat na ang isa o dalawang mahahalagang punto” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 7).

Print