“Setyembre 24. Paano Ko Matutularan ang Halimbawa ng Tagapagligtas sa Pagtulong sa mga Nangangailangan? 2 Corinto 8–13,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2023 (2022)
“Setyembre 24. Paano Ko Matutularan ang Halimbawa ng Tagapagligtas sa Pagtulong sa mga Nangangailangan?,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2023
Setyembre 24
Paano Ko Matutularan ang Halimbawa ng Tagapagligtas sa Pagtulong sa mga Nangangailangan?
Sama-samang Magpayuhan at Magsanggunian
Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto
Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay pamunuan ang isang talakayan tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan gamit ang isa o mahigit pa sa mga tanong sa ibaba o ang sarili mong mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 10.2, 11.2, SimbahanniJesucristo.org). Magplano ng mga paraan para magawa ang ayon sa tinalakay ninyo.
-
Pagsasabuhay ng ebanghelyo. Ano ang tinalakay natin noong nakaraan, at anong mga paanyaya o assignment ang ginawa natin? Ano ang nagawa natin ayon sa mga paanyaya o assignment na iyon?
-
Pangangalaga sa mga nangangailangan. Ano ang maaari nating gawin at sabihin para matulungan ang mga taong tila nakadarama na sila ay nag-iisa o malayo sa Ama sa Langit?
-
Pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Ano ang ilang paraan na maipadarama natin sa iba ang pagmamahal ni Jesucristo?
-
Pagbubuklod ng mga pamilya [para] sa kawalang-hanggan. Anong mga ideya ang maibabahagi natin sa isa’t isa na makatutulong para mapatatag ang ating mga pamilya?
Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang sumusunod:
-
Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.
-
Ipaalala sa mga miyembro ng klase o korum ang mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.
Ituro ang Doktrina
Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto
Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili
Ano ang mga pagkakataong mayroon ka at ang mga miyembro ng iyong klase o korum para mapaglingkuran ang mga nangangailangan sa inyong paligid? Noong panahong nahihirapan at nangangailangnan ng tulong ang mga Banal sa Jerusalem, sumulat si Pablo sa mga taga-Corinto upang hikayatin silang magbigay nang sagana, “hindi mabigat sa kalooban, o dala ng pangangailangan, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay na masaya.” Nangako siya na kapag ginawa nila ito, “pasa[sa]ganain [ng Diyos] ang lahat ng biyaya sa [kanila]” upang sila ay “sumagana sa bawat mabuting gawa” (2 Corinto 9:7–8).
Binigyang-diin din ni Pablo ang halimbawa ni Jesucristo, na “bagaman siya’y mayaman, subalit alang-alang sa inyo ay naging dukha, upang sa pamamagitan ng kanyang kadukhaan ay maging mayaman kayo” (2 Corinto 8:9). Kusang isinakripisyo ng Tagapagligtas ang mga kayamanan ng langit upang mapaglingkuran Niya tayo at gawin tayong mayaman magpakailanman. Mag-isip ng mga halimbawa mula sa Kanyang buhay nang tulungan Niya ang mga tao sa paligid Niya. Bukod sa pagbabasa ng 2 Corinto 8–9 sa iyong paghahandang magturo, basahin ang mensahe ni Sister Michelle D. Craig na “Mga Matang Makakakita” (Liahona, Nob. 2020, 15–17).
Magkakasamang Matuto
Para simulan ang inyong talakayan, sabihin sa klase o korum na ilista ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi mapaglilingkuran ng isang tao ang ibang nangangailangan. Ano ang matututuhan natin mula sa mga turo ni Pablo sa 2 Corinto 8:9; 9:7–8 na naghihikayat sa atin na paglingkuran pa ang mga nangangailangan? Ang mga sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa mga tinuturuan mo na mas maunawaan kung paano tutulong sa pangangalaga sa mga nasa paligid nila.
-
Ilang beses sa mga banal na kasulatan, itinuro ng Panginoon ang nadarama Niya tungkol sa pangangalaga sa mga maralita at nangangailangan. Ang ilang halimbawa ay nakalista sa “Suportang Resources.” Ang isang paraan para marebyu ang mga turong ito ay pagpartner-partnerin ang iyong klase o korum at sabihin sa bawat magkapartner na pag-aralan ang ilan sa mga banal na kasulatan. Sabihin sa kanila na talakayin kung ano ang itinuturo ng mga scripture passage tungkol sa pangangalaga sa mga maralita at nangangailangan. Bakit napakahalaga sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ang pangangalaga sa mga maralita at nangangailangan? Sabihin sa mga kabataan na magplano ng mga paraan na matutulungan ng bawat isa sa kanila ang mga nangangailangan.
-
Kung minsan ay masyado tayong abala sa sarili nating mga alalahanin kaya hindi natin napapansin ang mga pangangailangan ng mga tao sa paligid natin. Sa kanyang mensaheng “Mga Matang Makakakita, ikinuwento ni Sister Michelle D. Craig ang tungkol sa pagbukas ng Diyos sa mga mata ng isang binata (tingnan sa 2 Mga Hari 6:15–17). Ano ang matututuhan natin sa salaysay na ito? Ano ang matututuhan natin mula sa iba pang mga salaysay na ibinahagi niya tungkol sa paghiwatig sa mga pangangailangan ng iba at pagtulong sa kanila? Maaari ding magbahagi ang mga miyembro ng klase o korum ng mga karanasan kung saan nahiwatigan ng isang tao ang kanilang mga pangangailangan at naglingkod sa kanila. Kailan natin nahiwatigan ang mga pangangailangan ng iba at naglingkod sa kanila? Ano ang nadarama natin kapag tumatanggap o nagbibigay tayo ng gayong paglilingkod?
-
Nauunawaan ba ng mga miyembro ng iyong klase o korum kung paano gampanan ang kanilang tungkulin na tumulong sa pangangalaga sa mga nangangailangan? Magkakasamang talakayin ang Mosias 4:16–21 at 18:8–10, gayundin ang mga kaugnay na bahagi sa Pangkalahatang Hanbuk (10.2.2 para sa mga korum ng Aaronic Priesthood o 11.2.2 para sa mga kabataang babae). Ano ang nahihikayat tayong gawin bilang resulta ng pag-aaral ng mga resources na ito? Isiping magplano ng mga paraan na maaari kayong magtulungan para tulungan ang mga nangangailangan sa inyong klase o korum, ward, o komunidad. Para sa mga pagkakataong maglingkod sa inyong lugar, tingnan sa JustServe.org.
Kumilos nang May Pananampalataya
Hikayatin ang mga miyembro ng klase o korum na pagnilayan at itala ang gagawin nila ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Kung gusto nila, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga ideya. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano titibay ang ugnayan nila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo kapag ginawa nila ang mga impresyong natanggap nila.
Suportang Resources
-
Mateo 25:31–45; Santiago 1:27; Mosias 2:17; Alma 34:27–28; Mormon 8:35–39; Doktrina at mga Tipan 104:14–18 (Ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga maralita at nangangailangan)
-
Jeffrey R. Holland, “Hindi Ba’t Tayong Lahat ay mga Pulubi?,” Liahona, Nob. 2014, 40–42