“Setyembre 10. Paano Ako Makahahanap ng Kapanatagan kay Jesucristo Kapag Pumanaw ang Isang Mahal sa Buhay? 1 Corinto 14–16,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2023 (2022)
“Setyembre 10. Paano Ako Makahahanap ng Kapanatagan kay Jesucristo Kapag Pumanaw ang Isang Mahal sa Buhay?,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2023
Setyembre 10
Paano Ako Makahahanap ng Kapanatagan kay Jesucristo Kapag Pumanaw ang Isang Mahal sa Buhay?
Sama-samang Magpayuhan at Magsanggunian
Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto
Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay pamunuan ang isang talakayan tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan gamit ang isa o mahigit pa sa mga tanong sa ibaba o ang sarili mong mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 10.2, 11.2, SimbahanniJesucristo.org). Magplano ng mga paraan para magawa ang ayon sa tinalakay ninyo.
-
Pagsasabuhay ng ebanghelyo. Paano makatutulong sa atin ang pagbaling sa Panginoon upang makayanan ang mga hamon at pagsubok?
-
Pangangalaga sa mga nangangailangan. Sino ang kilala natin na nangangailangan ng ating mga dalangin at pakikipagkaibigan?
-
Pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Anong mga plano sa pagbabahagi ng ebanghelyo ang tinalakay na sa mga ward youth council meeting? Paano makikibahagi ang ating klase o korum?
-
Pagbubuklod ng mga pamilya [para] sa kawalang-hanggan. Paano mapapatatag ng paggawa ng gawain sa family history ang ating kaugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesus?
Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang sumusunod:
-
Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.
-
Ipaalala sa mga miyembro ng klase o korum ang mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.
Ituro ang Doktrina
Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto
Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili
Kapag pumanaw ang isang taong mahal natin, nakapanlulumo ito. Ang pagkawalay sa ating mahal sa buhay ay nagdudulot ng matinding dalamhati at kalungkutan. Ngunit itinuro ni Pablo na sa huli “ang kamatayan ay nilamon sa pagtatagumpay” (1 Corinto 15:54) dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Sa madaling salita, ang “tibo ng kamatayan”—ang pasakit at kawalang pag-asa na nadama natin sa mortalidad—“ay nalulon kay Cristo” (Mosias 16:7–8; tingnan din sa 1 Corinto 15:54–57).
Balang-araw, mararanasan ng lahat ang pagpanaw ng isang mahal sa buhay. Paano mo matutulungan ang mga tinuturuan mo na makadama ng kapanatagan sa mahihirap na panahong iyon sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay Jesucristo? Pag-isipan ang tanong na ito habang naghahanda kang magturo sa pamamagitan ng pagbabasa ng 1 Corinto 15, Mosias 16:7–9, at Doktrina at mga Tipan 42:44–46.
Magkakasamang Matuto
Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase o korum na magbahagi ng naramdaman nila nang may isang bagay na tila tumusok sa kanila o nasalubsob sila. Pagkatapos ay maaari mong itanong sa kanila kung bakit kaya ginamit ni Pablo ang salitang “tibo” upang ilarawan ang kamatayan (tingnan sa 1 Corinto 15:54–56). Bigyan sila ng ilang minuto para rebyuhin ang 1 Corinto 15 at ibahagi ang mga katotohanang natuklasan nila tungkol sa kung paano nadaig ang tibo ng kamatayan. Pagkatapos ay gamitin ang mga aktibidad na tulad ng mga nasa ibaba para mas maunawaan ng mga kabataan kung paano tayo mapapanatag ng Tagapagligtas kapag pumanaw ang isang taong mahal natin.
-
Maaari mong pagpartner-partnerin ang mga miyembro ng klase o korum at sabihin sa bawat magkapartner na magkasama nilang rebyuhin ang ilan sa mga scripture passage sa “Suportang Resources.” Maaari nilang isulat ang mga sagot sa isang tanong na tulad ng “Anong mahahalagang katotohanan ang inaasam ko na maalala ko kapag nawala sa akin ang isang mahal sa buhay?” Sabihin sa kanila na isama ang impormasyon mula sa mga scripture passage sa kanilang sagot. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na ibahagi sa klase ang mga katotohanang pinakamakabuluhan sa kanila at ang dahilan kung bakit.
-
Magkakasamang rebyuhin ang isang salaysay mula sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya na nagpapakita kung paano nakahanap ng pag-asa kay Jesucristo ang isang tao nang pumanaw ang taong mahal niya. Kabilang sa mga halimbawa ang mensahe ni Sister Reyna I. Aburto na “Hindi Nagtagumpay ang Libingan” (Liahona, Mayo 2021, 85–86) o ang mensahe ni Elder S. Mark Palmer na “Ang Ating Kalungkutan ay Magiging Kagalakan” (Liahona, Mayo 2021, 88–89). Maaaring madama mo na ibahagi ang sarili mong karanasan o anyayahan ang mga kabataan na ibahagi kung paano sila nakahanap ng kapanatagan at pag-asa kay Jesucristo matapos pumanaw ang isang mahal sa buhay.
-
Sabihin sa mga kabataan na ibahagi ang kanilang mga naisip. Paano nakaapekto sa pananaw natin tungkol sa kamatayan ang kaalaman natin na nabuhay na mag-uli si Jesucristo? Anyayahan ang mga miyembro ng iyong klase o korum na ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli at kung paano sila binibigyan ng pag-asa ng kaalamang ito.
-
Inilarawan sa Juan 11 ang karanasan ng Tagapagligtas sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay—ang Kanyang kaibigang si Lazaro. Marahil ay maaaring sama-samang basahin ng klase o korum ang talata 1–45, at habang nagbabasa sila, maaari nilang ibahagi ang mga bagay na natutuhan nila mula sa halimbawa ng Tagapagligtas. Ano ang matututuhan natin mula sa salaysay na ito na makapagbibigay sa atin ng kapanatagan kapag pumanaw ang isang taong mahal natin? Paano natin matutularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa “[pakiki]dalamhati sa mga yaong nagdadalamhati, … at [pag-aliw sa] yaong mga nangangailangan ng aliw”? (Mosias 18:9). Ano ang natutuhan natin sa Doktrina at mga Tipan 42:45–46 na makatutulong sa atin na magawa ito?
Kumilos nang May Pananampalataya
Hikayatin ang mga miyembro ng klase o korum na pagnilayan at itala ang gagawin nila ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Kung gusto nila, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga ideya. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano titibay ang ugnayan nila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo kapag ginawa nila ang mga impresyong natanggap nila.
Suportang Resources
-
Isaias 25:8; 1 Corinto 15:20–22; Mosias 16:7–9; Alma 7:11–12; 11:42–44; 22:14; 28:12–14; 40:11–12
-
Dallin H. Oaks, “Ano ang Nagawa ng Ating Tagapagligtas para sa Atin?,” Liahona, Mayo 2021, 75–77
-
Moisés Villanueva, “Pinagpala ng Panginoon sa Lahat ng Aking mga Araw,” Liahona, Nob. 2021, 44–46