Bagong Tipan 2023
Disyembre 10. Paano Ginawang Posible ni Jesucristo ang Plano ng Ama sa Langit? Apocalipsis 1–5


“Disyembre 10. Paano Ginawang Posible ni Jesucristo ang Plano ng Ama sa Langit? Apocalipsis 1–5,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2023 (2022)

“Disyembre 10. Paano Ginawang Posible ni Jesucristo ang Plano ng Ama sa Langit?,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2023

estatwa ni Cristo

Disyembre 10

Paano Ginawang Posible ni Jesucristo ang Plano ng Ama sa Langit?

Apocalipsis 1–5

icon ng sama-samang magpayuhan at magsanggunian

Sama-samang Magpayuhan at Magsanggunian

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay pamunuan ang isang talakayan tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan gamit ang isa o mahigit pa sa mga tanong sa ibaba o ang sarili mong mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 10.2, 11.2, SimbahanniJesucristo.org). Magplano ng mga paraan para magawa ang ayon sa tinalakay ninyo.

  • Pagsasabuhay ng ebanghelyo. Paano natin nakita ang kamay o kapangyarihan ng Panginoon sa ating buhay?

  • Pangangalaga sa mga nangangailangan. Paano natin masusuportahan ang isa’t isa sa mga bagay na pinagdaraanan natin?

  • Pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Paano natin mas magagamit ang teknolohiya bilang kasangkapan sa pagbabahagi ng ebanghelyo?

  • Pagbubuklod ng mga pamilya [para] sa kawalang-hanggan. Ano ang ginagawa natin upang matulungan ang ating mga pamilya na lumapit kay Cristo?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Ipaalala sa mga miyembro ng klase o korum ang mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

icon ng ituro ang doktrina

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili

Sa isang pangitain, nakita ni Juan na Tagapaghayag ang isang aklat na “walang sinuman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa” ang karapat-dapat magbukas, at dahil dito siya ay labis na umiyak (tingnan sa Apocalipsis 5:3–4). Ang aklat ay kumakatawan sa mga “gawain ng Diyos,” kabilang na ang Kanyang plano para sa ating kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 77:6; Moises 1:39). Ngunit sa pangitain ni Juan, isang Kordero ang natagpuang “karapat-dapat na kumuha sa aklat at magbukas ng mga tatak” (Apocalipsis 5:9). Dahil sa maluwalhating balitang ito, “milyun-milyon at libu-libo” na mga anghel ang nag-awitan at naghiyawan sa tuwa (Apocalipsis 5:11). Si Jesucristo, ang Kordero ng Diyos, ay “sa pamamagitan ng [Kanyang] dugo ay [tinubos tayo] para sa Diyos” (Apocalipsis 5:9) at ginawang posible na matamo natin ang mga pagpapala ng plano ng ating Ama sa Langit.

Isipin ang mga ginawa ng Tagapagligtas para sa iyo. Nadama mo rin ba ang naramdaman ng mga yaong nasa pangitain ni Juan na “nagpatirapa at sumamba [sa kanya]”? (Apocalipsis 5:14). Isipin kung paano mo matutulungan ang mga miyembro ng iyong klase o korum na mas maunawaan ang mahalagang ginagampanan ni Jesucristo sa plano ng Ama sa Langit. Bukod pa sa Apocalipsis 1–5, maaari mo ring basahin ang 2 Nephi 9; “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” (SimbahanniJesucristo.org); at ang mensahe ni Elder Ulisses Soares na “Jesucristo: Ang Tagapag-alaga ng Ating Kaluluwa” (Liahona, Mayo 2021, 82–84).

Magkakasamang Matuto

Maaaring magustuhan ng mga miyembro ng iyong klase o korum ang pagkukunwaring mga film producer sila na inatasang gumawa ng pelikula ng pangitain ni Juan sa Apocalipsis 5. Bigyan sila ng ilang minuto na rebyuhin ang kabanata at pagpasiyahan kung aling mga tagpo ang gusto nilang isapelikula. Ano sa palagay nila ang pinakanakaaantig na tagpo? Paano makatutulong ang pelikulang ito sa pagpapalakas ng pananampalataya sa Tagapagligtas? Upang patuloy na matulungan ang iyong klase o korum na malaman ang tungkol sa ginagampanan ni Jesucristo sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit, narito ang ilang mungkahi:

  • Maaari mong isulat sa pisara ang mga sumusunod na heading: Premortal na Buhay, Mortal na Buhay, at Kabilang-buhay. Iparebyu sa mga kabataan ang mga talata sa banal na kasulatan sa ilalim ng “Suportang Resources” upang malaman kung paano ginawang posible ng misyon ng Tagapagligtas sa Kanyang premortal na buhay, mortal na buhay, at pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli ang plano ng Ama. Maaari nilang isulat ang nalaman nila sa ilalim ng angkop na heading sa pisara. Bigyan ang mga miyembro ng iyong klase o korum ng pagkakataong ibahagi ang kanilang nadarama tungkol sa nagawa ng Tagapagligtas para sa kanila.

  • Upang matulungan ang mga kabataang tinuturuan mo na mas maunawaan kung ano ang ginawa ni Jesucristo para maging posible ang plano ng Ama sa Langit, magdrowing ng isang landas sa pisara na kumakatawan sa ating paglalakbay pabalik sa ating Ama sa Langit. Magdrowing ng mga balakid sa landas na may nakasulat na pisikal na kamatayan at espirituwal na kamatayan. (Kung kinakailangan, maaaring basahin ng mga kabataan ang kahulugan sa ilalim ng “Kamatayan, Pisikal na” at “Kamatayan, Espirituwal na” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan [SimbahanniJesucristo.org]). Paano ginawang posible ng Tagapagligtas na madaig natin ang mga balakid na ito? (tingnan sa 2 Nephi 9:7–10). Maaaring rebyuhin ng mga kabataan ang mensahe ni Elder Ulisses Soares na “Jesucristo: Ang Tagapag-alaga ng Ating Kaluluwa” at sumulat sa tabi ng landas ng mga pangungusap mula sa mensahe na nagpapakita kung paano tayo tinutulungan ni Jesus na makabalik sa Diyos.

  • Kapag nagtatanong sa atin ang ibang tao tungkol sa ating mga paniniwala at pagpili, maaari nating samantalahin ang pagkakataong ibahagi kung bakit mahalaga sa atin si Jesucristo. Ang isang paraan para maihanda ang mga kabataan para sa gayong mga pagkakataon ay iparebyu sa kanila ang mensahe ni Elder Dieter F. Uchtdorf na “Narito, ang Tao!” (Liahona, Mayo 2018, 107–10) at hanapin ang mga katotohanang ibabahagi tungkol kay Jesucristo. Maaari mong ilista sa pisara ang ilan sa mga katotohanang ito. Pagkatapos ay maaari mong bigyan ng oras ang mga kabataan na magpraktis na ipaliwanag sa isa’t isa kung bakit kailangan natin si Jesucristo at kung paano napagpala ang kanilang buhay dahil kilala nila ang Tagapagligtas.

Ang Pagpapako sa Krus kay Cristo, ni Louise Parker

The Crucifixion of Christ [Ang Pagpapako sa Krus kay Cristo], ni Louise Parker

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng klase o korum na pagnilayan at itala ang gagawin nila ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Kung gusto nila, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga ideya. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung paano titibay ang ugnayan nila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo kapag ginawa nila ang mga impresyong natanggap nila.

Suportang Resources

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Bawat indibiduwal sa klase mo ay saganang pagmumulan ng patotoo, kaalaman, at mga karanasan sa pamumuhay ng ebanghelyo. Anyayahan silang magbahaginan at magtulungan.