Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Oktubre 14–20: “Kayo ay mga Anak ng Tipan.” 3 Nephi 20–26


“Oktubre 14–20: ‘Kayo ay mga Anak ng Tipan.’ 3 Nephi 20–26,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Aklat ni Mormon 2024 (2023)

“Oktubre 14–20. 3 Nephi 20–26,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: 2024 (2023)

si Cristo na nagpapakita sa mga Nephita

Larawan ni Cristo na nagpapakita sa mga Nephita, na iginuhit ni Andrew Bosley

Oktubre 14–20: “Kayo ay mga Anak ng Tipan”

3 Nephi 20–26

Kapag naririnig mo ang mga tao na ginagamit ang mga katagang tulad ng sambahayan ni Israel, pakiramdam mo ba ay ikaw ang tinutukoy nila? Ang mga Nephita at Lamanita ay mga literal na inapo ni Israel, isang “sanga ng punungkahoy ng Israel,” subalit pakiramdam nila ay “nahiwalay [sila] mula sa katawan nito” (Alma 26:36; tingnan din sa 1 Nephi 15:12). Ngunit ninais ng Tagapagligtas na malaman nila na hindi sila nawala sa Kanya. “Kayo ay sa sambahayan ni Israel,” wika Niya, “[at] kayo ay sakop ng tipan” (3 Nephi 20:25). Maaari din Siyang magsabi sa iyo ng katulad niyon ngayon, sapagkat sinumang nabibinyagan at nakikipagtipan sa Kanya ay kabilang din sa sambahayan ni Israel, “sakop ng tipan.” Sa madaling salita, kapag binabanggit ni Jesus ang sambahayan ni Israel, ikaw ang tinutukoy Niya. Ang tagubilin na pagpalain ang “lahat ng magkakamag-anak sa lupa” ay para sa iyo (3 Nephi 20:27). Ang paanyayang “gumising na muli, at isuot mo ang iyong kalakasan” ay para sa iyo (3 Nephi 20:36). At ang Kanyang mahalagang pangako na, “Ang aking kabaitan kailanman ay hindi maglalaho sa iyo, ni ang tipan ng aking kapayapaan ay maaalis,” ay para sa iyo (3 Nephi 22:10).

Mga Ideya para sa Pag-aaral sa Tahanan at Simbahan

3 Nephi 20–22

Sa mga huling araw, magsasagawa ang Diyos ng isang kagila-gilalas na gawain.

Sa 3 Nephi 20–22, nagpropesiya ang Tagapagligtas tungkol sa kinabukasan ng Kanyang pinagtipanang mga tao (tingnan lalo na sa 3 Nephi 20:30–32, 39–41; 21:9–11, 22–29). Habang binabasa mo ang mga talatang ito, alalahanin ang sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson: “Tayo’y kabilang sa mga pinagtipanang tao ng Panginoon. May pribilehiyo tayong personal na makibahagi sa katuparan ng mga pangakong ito. Kaysayang mabuhay sa panahong ito!” (“Ang Pagtitipon ng Ikinalat na Israel,” Liahona, Nob. 2006, 79). Alin sa mga propesiyang ito ang lalong kapana-panabik sa iyo? Ano ang magagawa mo para tumulong na matupad ang mga iyon?

Maghanap ng mga salita at pariralang nagbibigay-inspirasyon. Maaaring makintal sa iyong isipan ang ilang salita at parirala sa mga banal na kasulatan, na para bang partikular na isinulat ang mga iyon para sa iyo. Isiping markahan ang mga iyon sa iyong mga banal na kasulatan o isulat ang mga iyon sa isang study journal.

3 Nephi 2224

Ang Diyos ay maawain sa mga taong nagbabalik sa Kanya.

Sa 3 Nephi 22 at 24, sumipi ng mga salita ang Tagapagligtas mula sa Isaias at Malakias na puno ng malilinaw na larawan at pagkukumpara—mga baga sa apoy, pinadalisay na pilak, pag-aasawa, mga durungawan ng langit (tingnan lalo na sa 3 Nephi 22:7–8, 10–17; 24:10–12, 17–18). Ano ang itinuturo sa iyo ng mga pagkukumparang ito tungkol sa relasyon ng Diyos sa Kanyang mga tao—at sa Kanyang relasyon sa iyo? Paano natupad ang mga pangako sa mga kabanatang ito sa buhay mo o ng inyong pamilya?

4:58

The Refiner's Fire

The refiner’s fire is not a comfortable place to be. It involves intense heat and repeated hammering. But it is in the refiner’s fire we are purified and prepared to meet God.

3 Nephi 23:6–13

Ang pagtatala ng mga espirituwal na karanasan ay maaaring magpala sa aking pamilya.

Ano ang natanim sa iyong isipan tungkol sa pakikipag-ugnayan ng Tagapagligtas kay Nephi sa 3 Nephi 23:6–13? Kung susuriin ng Tagapagligtas ang mga talaan mo, anong mga bagay kaya ang itatanong Niya sa iyo? Anong mahahalagang pangyayari o espirituwal na karanasan ang dapat mong itala? Bakit mahalagang gawin iyon? (tingnan sa 3 Nephi 26:2).

3 Nephi 23; 26:1–12

Nais ng Panginooon na saliksikin ko ang mga banal na kasulatan.

Habang binabasa mo ang 3 Nephi 20:10–12; 23; 26:1–12, pagnilayan kung ano ang nadarama ng Tagapagligtas tungkol sa mga banal na kasulatan. Ano ang kaibhan sa pagitan ng pagsasaliksik sa mga banal na kasulatan at ng pagbabasa lamang ng mga ito? (tingnan sa 3 Nephi 23:1).

3 Nephi 24:7–12

icon ng seminary
Ang pagbabayad ng ikapu ay nagbubukas ng mga durungawan ng langit.

Ang mga tao ng Diyos ay inuutusan na noon pa man na magbayad ng ikapu (tingnan sa Genesis 14:17–20; Malakias 3:8–11). Habang pinag-aaralan mo ang 3 Nephi 24:7–12, isipin kung bakit inuutusan ng Diyos ang Kanyang mga tao na magbayad ng ikapu. Magagabayan ng mga tanong na ito ang iyong pag-aaral:

  • Ano ang batas ng ikapu? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 119. Ang ibig sabihin ng “tinubo” sa paghahayag na ito ay kinita. Lahat ng miyembrong kumikita ay dapat magbayad ng ikapu.) Paano naiiba ang ikapu sa iba pang mga uri ng donasyon?

  • Saan ginagamit ang ikapu? Maaari kang makahanap ng isang hindi kumpletong listahan sa Mga Paksa ng Ebanghelyo na, “Ikapu” (Gospel Library). Sa anong mga paraan ka napagpala dahil nagbabayad ng ikapu ang mga miyembro ng Simbahan?

  • Anong mga pagpapala ang dumarating sa mga taong sumusunod sa batas ng ikapu? (Tingnan sa 3 Nephi 24:7–12). Makikita mo ang ilan na nakalarawan sa mensahe ni Elder David A. Bednar na “Mga Dungawan sa Langit” (Liahona, Nob. 2013, 17–20). Hanapin, partikular na, ang mga pagpapalang hindi naman pera. Paano mo nakita ang mga pagpapalang ito sa buhay mo?

Basahin ang Marcos 12:41–44. Ano ang itinuturo sa iyo ng kuwentong ito?

3 Nephi 25:5–6

Isinugo ng Panginoon si Elijah para ibaling ang puso ko sa aking mga ninuno.

Sa ating panahon, ang ating puso ay “[ibinabaling] sa [ating] mga ama” sa pamamagitan ng gawain sa templo at family history. Paano ito nangyari sa iyo? Habang binabasa mo ang 3 Nephi 25:5–6 at Doktrina at mga Tipan 110:13–16, pagnilayan kung bakit napakahalagang bahagi ito sa plano ng Diyos.

Tingnan din sa “Mag-anak ay Magsasamang Walang-Hanggan,” Aklat ng mga Awit Pambata, 98.

Para sa iba pang mga ideya, tingnan sa mga isyu ng mga magasing Liahona at Para sa Lakas ng mga Kabataan sa buwang ito.

Mga Ideya para sa Pagtuturo sa mga Bata

3 Nephi 23:1, 5

Maaari kong masigasig na saliksikin ang mga banal na kasulatan.

  • Ang mga tagubilin ng Tagapagligtas sa 3 Nephi 23 ay nagpapakita kung gaano kahalaga ang mga banal na kasulatan sa Kanya. Para matulungan ang inyong mga anak na matuklasan ito, maaari mong basahin nang malakas ang 3 Nephi 23:1, 5 at hilingin sa kanila na pakinggan ang isang salita na inuulit nang tatlong beses. Ano ang kaibhan ng pagsasaliksik sa pagbabasa lamang?

  • Marahil ay maaari ninyong isulat ng iyong mga anak ang isang paboritong talata sa banal na kasulatan at itago ito. Pagkatapos ay maaari kayong maghalinhinan sa paghanap sa nakatagong mga talata ng isa’t isa, sama-samang basahin ang mga ito, at pag-usapan kung bakit makabuluhan ang mga talatang ito.

3 Nephi 24:8–12

Ang pagbabayad ng ikapu ay nagbubukas ng mga dungawan ng langit.

  • Tulungan ang iyong mga anak na saliksikin ang 3 Nephi 24:8–12 para makahanap ng mga paraan para makumpleto ang pangungusap na ito: Kung magbabayad ako ng ikapu, ang Panginoon ay … . Maaari ka ring magbahagi ng isang karanasan kung saan pinagpala ka dahil nagbayad ka ng ikapu. Kung makakatulong, isiping sumulat ng ilang halaga ng pera at tulungan ang iyong mga anak na kalkulahin kung magkano ang ibibigay na ikapu (10 porsiyento) para sa bawat halaga.

  • Ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito ay makakatulong sa iyong mga anak na pag-usapan ang ilan sa mga paraan na ginagamit ng Panginoon ang ikapu para pagpalain ang mga miyembro ng Kanyang Simbahan. Maaari siguro silang magdrowing (o maghanap ng mga larawan sa mga magasin ng Simbahan) tungkol sa mga paraan na pinagpapala sila ng ikapu.

3 Nephi 25:5–6

Nais ng Ama sa Langit na malaman ko ang tungkol sa aking mga ninuno.

  • Paano mo mahihikayat ang iyong mga anak na magsaliksik at mag-aral tungkol sa kanilang mga ninuno? Paano mo mahihikayat ang iyong mga anak na magsagawa ng mga ordenansa para sa kanilang mga ninuno kapag nasa tamang edad na sila? Isiping tulungan sila na saliksikin ang 3 Nephi 25:5–6 para makahanap ng isang bagay na mangyayari sa mga huling araw. Maaaring ilapat ng nakababatang mga bata ang kanilang kamay sa kanilang puso sa tuwing maririnig nila ang salitang “puso” habang binabasa mo ang mga talatang ito. Maaari mo ring basahin kung paano natupad ang propesiyang ito sa Doktrina at mga Tipan 110:13–16 (tingnan din sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 95). Sabihin sa iyong mga anak kung paano nabaling ang puso mo sa iyong mga ninuno. Halimbawa, maaari kang magbahagi ng anumang mga naranasan mo nang malaman mo ang tungkol sa iyong mga ninuno at gumawa ka ng mga ordenansa sa templo para sa kanila.

  • Tulungan ang mga bata na punan ang isang family tree ng mga pangalan ng kanilang mga magulang at lolo’t lola. Anong mga kuwento ang maibabahagi ninyo tungkol sa isa sa iyong mga ninuno? Magpakita ng mga larawan kung maaari. Maaari din ninyong sama-samang kantahin ang “Mag-anak ay Magsasamang Walang-Hanggan” (Aklat ng mga Awit Pambata, 98) at pag-usapan ninyo ng mga anak mo kung bakit mahalaga ang mga pamilya sa plano ng Ama sa Langit.

Para sa iba pang mga ideya, tingnan sa isyu ng magasing Kaibigan sa buwang ito.

si Jesus na binabasa ang mga talaan ng mga Nephita kay Nephi

Bring Forth the Record [Ilabas ang Talaan], ni Gary L. Kapp