Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Enero 13–19. 1 Nephi 8–10: “Lumapit at Kumain ng Bunga”


“Enero 13–19. 1 Nephi 8–10: ‘Lumapit at Kumain ng Bunga,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Aklat ni Mormon 2020 (2020)

“Enero 13–19. 1 Nephi 8–10,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2020

pangitain ni Lehi tungkol sa punungkahoy ng buhay

Lehi’s Dream, ni Steven Lloyd Neal

Enero 13–19

1 Nephi 8–10

“Lumapit at Kumain ng Bunga”

Habang binabasa mo ang 1 Nephi 8–10, isipin kung anong mga mensahe mula sa pangitain ni Lehi ang angkop sa iyo. Itala ang mga espirituwal na impresyong natatanggap mo sa iyong mga banal na kasulatan, sa isang notebook, o sa resource na ito.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Panaginip ni Lehi—kasama ang gabay na bakal, abu-abo ng kadiliman, maluwang na gusali, at punungkahoy na may “napakatamis” na bunga—ay isang nagbibigay-inspirasyong paanyaya na tanggapin ang mga pagpapala ng pagmamahal at nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas. Gayunman, para kay Lehi, ang pangitaing ito ay tungkol din sa kanyang pamilya: “Dahil sa nakita kong bagay, may dahilan ako upang magalak sa Panginoon dahil kay Nephi at gayon din kay Sam. … Subalit masdan, Laman at Lemuel, labis akong natatakot dahil sa inyo” (1 Nephi 8:3–4). Matapos ilarawan ni Lehi ang kanyang pangitain, nagsumamo siya kina Laman at Lemuel na “makinig sa kanyang mga salita, na baka sakaling maawa ang Panginoon sa kanila” (1 Nephi 8:37). Kahit maraming beses mo nang napag-aralan ang pangitain ni Lehi, sa pagkakataong ito isipin ito sa paraan ni Lehi—isipin ang isang taong mahal mo. Sa paggawa nito, ang seguridad sa gabay na bakal, ang mga panganib ng maluwang na gusali, at ang tamis ng bunga ay magkakaroon ng bagong kahulugan. At mas mauunawaan mo ang “lahat ng damdamin [ng] nagmamahal na magulang” na nakatanggap ng kahanga-hangang pangitaing ito.

icon ng personal na pag-aaral

Mga Ideya para sa Personal na Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

1 Nephi 8

Inilalapit ako ng salita ng Diyos sa Tagapagligtas at ipinadarama sa akin ang Kanyang pagmamahal.

Ang pangitain ni Lehi ay isang paanyayang pagnilayan kung nasaan ka—at kung saan ka papunta—sa iyong personal na paglalakbay para makilala ang Tagapagligtas at madama ang Kanyang pagmamahal. Itinuro ni Pangulong Boyd K. Packer: “Maaaring isipin ninyo na ang panaginip o pangitain ni Lehi ay walang espesyal na kahulugan para sa inyo, ngunit mayroon. Kasama kayo rito; lahat tayo ay kasama rito (tingnan sa 1 Nephi 19:23). Nasa panaginip o pangitain ni Lehi tungkol sa gabay na bakal ang lahat ng … kailangan ng isang Banal sa mga Huling Araw upang maunawaan ang pagsubok ng buhay” (“Lehi’s Dream and You,” New Era, Ene. 2015, 2).

Maaaring ang isang paraan para mapag-aralan ang 1 Nephi 8 ay punan ang isang tsart na tulad ng nakapakita rito. Para maunawaan ang kahulugan ng mga simbolo, makakatulong ang sumangguni sa pangitaing natanggap ni Nephi nang ipagdasal niyang maunawaan ang pangitain ng kanyang ama—tingnan lalo na sa 1 Nephi 11:4–25, 32–36; 12:16–18; at 15:21–33, 36. Habang pinag-aaralan mo ang pangitain ni Lehi, isipin kung ano ang nais ng Panginoon na matutuhan mo.

Simbolo mula sa pangitain ni Lehi

Mga Kahulugan

Mga tanong na pagninilayan

Simbolo mula sa pangitain ni Lehi

Punungkahoy at ang bunga nito (1 Nephi 8:10–12)

Mga Kahulugan

Mga tanong na pagninilayan

Ano ang ginagawa ko para anyayahan ang iba na makibahagi sa pagmamahal ng Diyos?

Simbolo mula sa pangitain ni Lehi

Ilog (1 Nephi 8:13)

Mga Kahulugan

Mga tanong na pagninilayan

Simbolo mula sa pangitain ni Lehi

Gabay na bakal (1 Nephi 8:19–20, 30)

Mga Kahulugan

Mga tanong na pagninilayan

Simbolo mula sa pangitain ni Lehi

Abu-abo ng kadiliman (1 Nephi 8:23)

Mga Kahulugan

Mga tanong na pagninilayan

Simbolo mula sa pangitain ni Lehi

Malaki at maluwang na gusali (1 Nephi 8:26–27, 33)

Mga Kahulugan

Mga tanong na pagninilayan

Simbolo mula sa pangitain ni Lehi

Mga Kahulugan

Mga tanong na pagninilayan

Tingnan din sa David A. Bednar, “Panaginip ni Lehi: Paghawak nang Mahigpit sa Gabay,” Ensign o Liahona, Okt. 2011, 33–37.

kinakain ni Lehi ang bunga ng punungkahoy ng buhay

Kinakain ni Lehi ang bunga ng punungkahoy ng buhay. Tree of Life, ni Marcus Alan Vincent

1 Nephi 9

Bakit gumawa si Nephi ng dalawang set ng mga lamina?

Ang “matalinong layunin” ng Panginoon sa pagpapagawa kay Nephi ng dalawang talaan ay naging malinaw pagkalipas ng daan-daang taon. Matapos isalin ni Joseph Smith ang unang 116 na pahina ng manuskrito ng Aklat ni Mormon, ibinigay niya ang mga pahina kay Martin Harris, na nakawala sa mga ito (tingnan sa D at T 10:1–23). Ngunit ang ikalawang set ng mga lamina ni Nephi ay sumaklaw sa parehong panahon, at inutusan ng Panginoon si Joseph Smith na isalin ang mga laminang ito sa halip na muling isalin ang nawala (tingnan sa D at T 10:38–45).

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga laminang binanggit sa 1 Nephi 9, tingnan sa “Maikling Paliwanag Tungkol sa Aklat ni Mormon”; 1 Nephi 19:1–5; 2 Nephi 5:29–32; at Ang mga Salita ni Mormon 1:3–9.

1 Nephi 10:2–16

Alam ng mga sinaunang propeta ang tungkol sa misyon ni Jesucristo at nagpatotoo sila tungkol sa Kanya.

Ang salaysay ng pangitain ni Lehi ay tiyak na tumatak sa isipan ng kanyang pamilya, ngunit may iba pa siyang mga walang-hanggang katotohanang ituturo sa kanila tungkol sa misyon ng Tagapagligtas. Habang binabasa mo ang 1 Nephi 10:2–16, isipin kung bakit nais ng Panginoon na malaman ng pamilya ni Lehi—at nating lahat—ang mga katotohanang ito. Isipin kung ano ang puwede mong sabihin sa iyong mga mahal sa buhay para anyayahan silang bumaling sa Tagapagligtas. Matapos pag-aralan ang pangitain at mga turo ni Lehi, gaya ni Nephi, ano ang nadarama mong dapat mong matutuhan “sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo”? (1 Nephi 10:17).

1 Nephi 10:17–19

Ihahayag ng Diyos ang katotohanan sa akin kung masigasig ko itong hahanapin.

Paano ka tutugon kapag naharap ka sa isang alituntunin ng ebanghelyo na hindi mo nauunawaan? Pansinin ang mga pagkakaiba ng paraan ng pagtugon ni Nephi sa pangitain ni Lehi (tingnan sa 1 Nephi 10:17–19; 11:1) sa paraan ng pagtugon nina Laman at Lemuel (tingnan sa 1 Nephi 15:1–10). Bakit sila tumugon sa ganitong mga paraan, at ano ang mga resulta ng kanilang mga tugon?

Isiping sumulat tungkol sa isang pagkakataon na ginusto mong malaman kung totoo ang isang turo ng ebanghelyo. Paano maikukumpara ang prosesong sinunod mo sa ginawa ni Nephi?

Tingnan din sa 1 Nephi 2:11–19; Doktrina at mga Tipan 8:1–3.

icon ng pag-aaral ng pamilya

Mga Ideya para sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan ng Pamilya at Family Home Evening

Habang binabasa ninyo ng pamilya mo ang mga banal na kasulatan, matutulungan kayo ng Espiritu na malaman kung anong mga alituntunin ang bibigyang-diin at tatalakayin upang matugunan ang mga pangangailangan ng inyong pamilya. Narito ang ilang ideya.

1 Nephi 8

Maaaring masiyahan ang mga miyembro ng pamilya mo sa pagsasadula ng pangitain ni Lehi o pagdodrowing ng mga larawan at paggamit ng kanilang mga drowing para ikuwento ito. O maaari mong ipakita ang paglalarawan ng pintor sa pangitain ni Lehi na kalakip ng lesson na ito at anyayahan ang mga miyembro ng pamilya na ituro ang mga detalye at hanapin ang mga talata sa banal na kasulatan na naglalarawan kung ano ang kinakatawan ng mga bagay na ito. Ang himnong “Ang Bakal na Gabay” (Mga Himno, blg. 174) ay akmang-akma sa kabanatang ito. Maaari din ninyong panoorin ang isang video na nagpapakita sa pangitain ni Lehi (tingnan sa Book of Mormon Videos collection sa ChurchofJesusChrist.org o sa Gospel Library app).

12:58

1 Nephi 8:10–16

Sino ang maaari nating anyayahan na mas lumapit pa kay Jesucristo at madama ang tamis ng Kanyang pagmamahal? Ano ang magagawa natin upang “[makawayan] sila”?

1 Nephi 9:5–6

Kailan tayo nakasunod sa isang utos nang hindi lubos na nauunawaan ang mga dahilan para dito? Paano tayo pinagpala?

1 Nephi 10:20–22

Paanong katulad ng pagiging marumi sa espirituwal ang pagiging marumi sa pisikal? Ano ang magagawa natin upang matiyak na tayo ay nananatiling malinis sa espirituwal?

Para sa iba pang mga ideya sa pagtuturo sa mga bata, tingnan ang outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Paano naaangkop ang mga banal na kasulatan sa ating buhay? Matapos basahin ang isang talata sa banal na kasulatan, anyayahan ang mga miyembro ng pamilya na ibahagi kung paano naaangkop ang talata sa kanila. Halimbawa, kapag binasa ng mga miyembro ng pamilya mo ang 1 Nephi 8:33, maaari nilang pag-usapan kung paano hindi makikinig sa mga tao na “[nakaturo] ang mapanlibak nilang daliri.”

pangitain ni Lehi

The Tree of Life, ni Avon Oakeson