“Karagdagang Resources” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Aklat ni Mormon 2020 (2020)
“Karagdagang Resources,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2020
Karagdagang Resources
Lahat ng resources na ito ay matatagpuan sa Gospel Library app at sa ChurchofJesusChrist.org.
Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata
Ang sagradong musika ay nag-aanyaya sa Espiritu at nagtuturo ng doktrina sa isang paraan na madali itong matandaan. Bukod pa sa mga print version ng Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata, makakakita ka ng mga audio at video recording ng maraming himno at awiting pambata sa music.ChurchofJesusChrist.org at sa LDS Music app.
Mga Magasin ng Simbahan
Ang mga magasing Ang Kaibigan, New Era, Ensign, at Liahona ay may mga kuwento at aktibidad na makadaragdag sa mga alituntuning itinuturo mo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya.
Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon
Ang Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon ay makakatulong sa mga bata na matutuhan ang doktrina at mga kuwentong matatagpuan sa Aklat ni Mormon. Makakakita ka rin ng mga video ng mga kuwentong ito sa Gospel Library app at medialibrary.ChurchofJesusChrist.org.
Mga Manwal sa Seminary at Institute
Ang mga manwal sa seminary at institute ay nagbibigay ng mga impormasyon sa kasaysayan at komentaryo tungkol sa doktrina para sa mga alituntunin at salaysay na matatagpuan sa mga banal na kasulatan.
Media Library
Ang mga likhang-sining, video, at iba pang media ay makakatulong sa iyo at sa inyong pamilya na ilarawan sa inyong isipan ang doktrina at mga kuwentong matatagpuan sa Aklat ni Mormon. Bisitahin ang medialibrary.ChurchofJesusChrist.org para ma-browse ang koleksyon ng mga media resource ng Simbahan, kabilang na ang Book of Mormon video collection, na nagpapakita ng mga pangyayari sa Aklat ni Mormon. Makukuha rin ang Media Library bilang isang mobile app.
Mga Paksa ng Ebanghelyo
Sa topics.ChurchofJesusChrist.org matatagpuan mo ang pangunahing impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa ng ebanghelyo, pati na ang mga link sa makakatulong na resources, tulad ng kaugnay na mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, artikulo, banal na kasulatan, at video. Matatagpuan mo rin ang Gospel Topics Essays, na nagbibigay ng detalyadong mga sagot sa mga tanong tungkol sa ebanghelyo.
Tapat sa Pananampalataya
Kung kailangan mo ng karagdagang tulong para maunawaan ang mga pangunahing alituntunin ng ebanghelyo, isiping maghanap sa Tapat sa Pananampalataya. Ang resource na ito ay binubuo ng isang alpabetikong listahan ng mga paksa ng ebanghelyo na ipinaliwanag sa mga simpleng kataga.