Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya


“Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya,Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Aklat ni Mormon 2020 (2020)

“Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya,Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2020

Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya

Para Kanino ang Resource na Ito?

Ang resource na ito ay para sa bawat indibiduwal at pamilya sa Simbahan. Layon nitong tulungan ka na matutuhan ang ebanghelyo—mag-isa ka man o kasama ang iyong pamilya. Kung hindi ka regular na nag-aaral ng ebanghelyo noon, matutulungan ka ng resource na ito na magsimula. Kung nakasanayan mo nang mag-aral ng ebanghelyo, matutulungan ka ng resource na ito na magkaroon ng mas makabuluhang mga karanasan.

Paano Ko Dapat Gamitin ang Resource na Ito?

Gamitin ang resource na ito sa anumang paraan na makakatulong sa iyo. Maaari itong makatulong sa iyo bilang gabay o tulong sa pag-aaral ng banal na kasulatan nang mag-isa o kasama ang iyong pamilya. Magagamit mo rin ito sa family home evening. Ang mga outline ay nagtatampok ng mahahalagang alituntuning matatagpuan sa Aklat ni Mormon, nagmumungkahi ng mga ideya at aktibidad sa pag-aaral para sa mga indibiduwal at pamilya, at naglalaan ng mga lugar para maitala ang iyong mga impresyon.

Ikaw at ang inyong pamilya ay maaaring regular nang nag-aaral ng ebanghelyo. Halimbawa, siguro ay binabasa mo ang mga banal na kasulatan maliban pa sa Aklat ni Mormon para sa isang klase sa seminary o institute. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay hindi sinadya upang palitan o makipagpaligsahan sa mabubuting bagay na ginagawa mo. Maaaring may mga paraan para regular na matuto mula sa Aklat ni Mormon at maisakatuparan pa rin ang iba mo pang mga mithiin sa pag-aaral ng banal na kasulatan. Halimbawa, maaari mong basahin ang isang aklat ng banal na kasulatan para sa iyong personal na pag-aaral at basahin ang Aklat ni Mormon kasama ng inyong pamilya (o vice versa). Sundin ang patnubay ng Espiritu upang malaman kung paano mo gagawin ang iyong personal na pag-aaral ng salita ng Diyos.

Paano Nauugnay ang Resource na Ito sa Nangyayari sa Simbahan?

Ang mga outline sa resource na ito ay inorganisa ayon sa lingguhang iskedyul ng pagbabasa. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary at ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School ay pareho ng sinusunod na iskedyul. Para suportahan ang mga pagsisikap mong matutuhan at maipamuhay ang ebanghelyo sa tahanan, bibigyan ka ng iyong mga guro ng mga pagkakataong ibahagi ang iyong mga karanasan, ideya, at tanong tungkol sa mga talata sa banal na kasulatan na pinag-aaralan mo sa bahay.

Dahil dalawang beses lang sa isang buwan itinuturo ang Sunday School, maaaring piliin ng mga guro sa Sunday School na laktawan o pagsamahin ang mga outline para masunod ang lingguhang iskedyul. Maaaring kailangan din itong gawin sa mga linggo na hindi nagdaraos ng regular na mga miting sa Simbahan dahil sa mga stake conference o iba pang mga dahilan. Sa mga linggong tulad nito, inaanyayahan kang patuloy na pag-aralan ang Aklat ni Mormon sa bahay.

Kailangan Ko Bang Sundin ang Iskedyul?

Ang iskedyul ay makakatulong sa iyo na tapusing basahin ang Aklat ni Mormon bago matapos ang taon. Bukod pa rito, ang pagsunod sa iskedyul na katulad ng sa iba sa inyong ward ay maaaring humantong sa makabuluhang mga karanasan sa simbahan. Ngunit huwag magpalimita sa iskedyul; gabay lamang ito upang tulungan ka sa pagpapabilis ng iyong pag-aaral. Ang mahalaga ay natututuhan mo ang ebanghelyo nang mag-isa at kasama ang inyong pamilya.

pamilyang nag-aaral ng mga banal na kasulatan