Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Marso 18–24. Mateo 13; Lucas 8; 13: ‘Ang May mga Pakinig Upang Ipakinig, ay Makinig’


“Marso 18–24. Mateo 13; Lucas 8; 13: ‘Ang May mga Pakinig Upang Ipakinig, ay Makinig’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Marso 18–24. Mateo 13; Lucas 8; 13,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

Larawan
trigo na maaari nang anihin

Marso 18–24.

Mateo 13; Lucas 813

“Ang May mga Pakinig Upang Ipakinig, ay Makinig”

Ang mga talinghaga ay mga simpleng kuwento na maaaring maging kaakit-akit sa mga bata. Ang outline na ito at ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa iyo na gamitin ang mga talinghaga ng Tagapagligtas upang ituro ang mahahalagang katotohanan sa mga bata.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
sharing icon

Mag-anyayang Magbahagi

Magdala ng ilang bagay na makakatulong sa mga bata na maalala ang ilan sa mga talinghaga sa Mateo 13, tulad ng isang binhi, perlas, o isang kahon ng kayamanan. Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang naaalala nila tungkol sa mga talinghaga.

Larawan
teaching icon

Ituro ang Doktrina

Mga Batang Musmos

Mateo 13:1–23

Kailangan kong maghanda para matutuhan ang mga turo ni Jesus.

Maaaring hindi maunawaan ng mga batang musmos ang lahat ng mga simbolismo sa talinghaga ng manghahasik, ngunit maaari nilang matutuhan ang mga payak na katotohanang itinuturo nito. Paano mo sila matutulungang mas maunawaan kung paano maihahalintulad ang talinghagang ito sa kanila?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Magdispley ng iba’t ibang uri ng lupa (o larawan ng lupa) habang ibinubuod mo ang Mateo 13:3–8. Bigyan ang bawat bata ng isang binhing itatanim sa lupa. Itanong sa mga bata kung ano ang magagawa natin para tulungang lumaki ang ating mga binhi. Ipaliwanag na ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ay isang paraan para tulungan ang ating “binhi” ng patotoo na lumago.

  • Gamitin ang pahina ng aktibidad sa linggong ito para tulungan ang mga bata na maunawaan na ang inilalarawan ng bawat uri ng lupa sa Mateo 13 ay nagtuturo tungkol sa ating mga puso. Itanong sa mga bata kung anong uri ng puso ang nais ni Jesus na magkaroon sila para matutuhan ang Kanyang mga turo.

  • Basahin ang Mateo 13:9, 15, at anyayahan ang mga bata na ituro ang iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan kapag narinig nila itong binanggit. Paano natin magagamit ang mga bahagi ng katawan na ito para matutuhan ang mga turo ni Jesus?

Mateo 13:24–30, 36–43, 47–48

Nais ng Ama sa Langit na piliin ko ang tama.

Ang ilan sa mga talinghaga ni Jesus ay nagtuturo na ihihiwalay ng Diyos ang masasama mula sa mabubuti sa mga huling araw. Paano mo magagamit ang mga talinghaga para hikayatin ang mga bata na piliin ang tama?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Sabihin sa mga bata na isadula ang talinghaga tungkol sa trigo at mga pangsirang damo (tingnan sa Mateo 13:24–30). Ipaliwanag na ang trigo ay sumasagisag sa mga tao na pumipili ng tama, at ang mga pangsirang damo (mga nakapipinsalang damo) ay kumakatawan sa mga taong hindi pumipili ng tama. Balang-araw, titipunin ng Ama sa Langit ang mabubuting tao para mamuhay sa Kanyang piling.

  • Magkuwento ng ilang simpleng kuwento tungkol sa mga batang gumagawa ng mga pagpili. Hilingin sa mga bata na sabihing “pagpili ng trigo” kapag ang mga bata sa kuwento ay pumili ng tama at “pagpili ng pangsirang damo” kung gumawa ng maling pagpili ang mga bata.

  • Magdala ng mga larawan ng mga tangkay ng trigo, at sabihin sa mga bata na magdrowing sa mga larawan ng ilang paraan na maaari silang maging mabuti.

  • Lumikha ng isang laro kung saan pagtutugmain ng mga bata ang mga detalye mula sa talinghaga ng manghahasik at ang kahulugan nito sa Mateo 13:18–23.

Mateo 13:44–46

Ang pagiging miyembro ko sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay isang kayamanan.

Paano mo magagamit ang matalinghagang paglalarawan ng kayamanan at mahahalagang perlas para tulungan ang mga bata na maunawaan ang kahalagahan ng pagiging kabilang sa Simbahan ni Cristo?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Magtago ng mga larawan ng baul ng kayamanan at ng isang perlas sa silid, at ipahanap ang mga ito sa mga bata. Gamitin ang mga larawan upang matulungan kang ituro ang tungkol sa mga talinghaga sa Mateo 13:44–46. Ano ang ibibigay ng mga bata para magkaroon ng isang magandang perlas o kayamanan sa bukid? Ipaliwanag na kung minsan ay kailangan nating isuko ang isang mabuting bagay kapalit ng isang bagay na mas mainam. Sabihin sa mga bata kung bakit mahalaga ang ebanghelyo sa iyo.

  • Maglagay sa isang kahon o baul sa ilang bagay o larawan na kumakatawan sa “mga kayamanan” sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, tulad ng mga templo o Aklat ni Mormon. Papiliin ang bawat bata ng isang bagay o larawan at ipabahagi sa kanila kung bakit ito maituturing na isang kayamanan.

  • Sama-samang kantahin ang “Ang Simbahan ni Jesucristo,” Aklat ng mga Awit Pambata, 48, at hilingin sa mga bata na pakinggan ang mga pagpapalang nagmumula sa pagiging miyembro ng Simbahan. Patotohanan ang mga pagpapalang naranasan mo dahil sa pagiging miyembro mo sa Simbahan.

Larawan
teaching icon

Ituro ang Doktrina

Nakatatandang mga Bata

Mateo 13:1–23

Kailangan kong ihanda ang aking puso para matutuhan ang mga turo ni Jesus.

Paano mo matutulungan ang mga bata na malaman ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malambot at handang puso para maturuan sila ni Jesus?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Atasan ang bawat bata na basahin ang tungkol sa isa sa apat na uri ng lupa sa Mateo 13:4–8. Sabihin sa kanila na hanapin at ibahagi ang nangyayari sa mga binhi sa uri ng lupa na binasa nila. Paano natutulad sa iba’t ibang uri ng lupa ang ating mga puso? (tingnan sa Mateo 13:19–23).

  • Bigyan ang bawat bata ng dalawang buto o binhi, at sabihin sa kanila na itanim ang kanilang binhi sa malambot na lupa at sa isang bunton ng mga bato. Aling binhi ang mas malamang na lumaki? Paano tayo makasisiguro na ang ating puso ay tulad ng malambot na lupa upang matanggap natin ang mga turo ng Tagapagligtas?

  • Sabihin sa mga bata na basahin ang Mateo 13:9–17. Gumuhit ng isang mata, tainga, at puso sa pisara. Paano natin ginagamit ang mga bahagi ng katawan na ito para matutuhan ang mga turo ni Jesus?

Mateo 13:24–30, 36–43

Maaari kong piliin ang tama kahit hindi ito ginagawa ng mga nakapaligid sa akin.

Kapag binabasa mo ang mga talatang ito habang iniisip ang mga bata, anong mga impresyon ang dumarating sa iyo?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Sabihin sa mga bata na idrowing ng iba‘t ibang pangyayari sa talinghaga tungkol sa trigo at mga pangsirang damo na matatagpuan sa Mateo 13:24–30, at ibahagi sa klase ang kanilang mga drowing. Sabihin sa kanila na gawing pamagat ng mga drowing ang interpretasyon ng talinghaga na matatagpuan sa Mateo 13:36–43. Ipaliwanag na ang mga pangsirang damo ay mga damong nakapipinsala.

  • Kung maaari, magdispley ng larawan ng trigo at ng mga pangsirang damo. Ipaliwanag na ang trigo at mga pangsirang damo ay magkasamang lumalaki hanggang sa katapusan ng mundo. Itinuturo nito sa atin na namumuhay tayo nang kasama ang mabubuti at masasama sa ating paligid, at dapat tayong maging maingat na piliin ang tama. Sabihin sa mga bata na ibahagi kung paano nila nakikilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama.

Mateo 13:44–46

Ang pagiging miyembro ko sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay isang kayamanan.

Nakikita ba ng mga batang tinuturuan mo na ang pagiging miyembro nila sa Simbahan ay isang kayamanan? Marahil ay makakatulong sa kanila ang talinghaga sa Mateo 13:44–46.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Sabihin sa mga bata na basahin ang Mateo 13:44–46 sa kanilang sarili at ibahagi ang mga talinghaga sa sarili nilang mga salita sa isa pang miyembro ng klase.

  • Gumupit ng ilang bilog na kumakatawan sa mga barya, at ilagay ang mga ito sa isang kahon ng kayamanan. Pakuhanin ng isang barya ang bawat bata at ipadrowing o ipasulat dito ang isang bagay na gustung-gusto nila sa pagiging miyembro ng Simbahan. Hilingin sa mga bata na ibahagi kung ano ang isinulat nila sa kanilang barya.

  • Anyayahan ang isang miyembro ng ward na ibahagi sa mga bata ang kanyang kuwento ng pagbabalik-loob at sabihin kung ano ang isinakripisyo niya para maging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Larawan
learning icon

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Sabihin sa mga bata na ituro sa kanilang pamilya ang tungkol sa isa sa mga talinghaga na natutuhan nila sa Primary.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Gustong ibahagi ng mga bata ang mga natututuhan nila. Bagama’t bata pa sila, mapapalakas ng mga bata ang mga miyembro ng kanilang pamilya. Hikayatin silang ibahagi sa kanilang pamilya ang mga bagay na natututuhan nila sa Primary. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas 30.)

Larawan
pahina ng aktibidad: kailangan ay handa akong matutuhan

Print