Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Abril 15–21. Pasko ng Pagkabuhay: ‘Saan Naroon, Oh Kamatayan, ang Iyong Pagtatagumpay?’


“Abril 15–21. Pasko ng Pagkabuhay: ‘Saan Naroon, Oh Kamatayan, ang Iyong Pagtatagumpay?’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Abril 15–21. Pasko ng Pagkabuhay,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

Libingan sa Halamanan

Abril 15–21.

Pasko ng Pagkabuhay

“Saan Naroon, Oh Kamatayan, ang Iyong Pagtatagumpay?”

Gamitin ang iyong oras sa mga bata upang tulungan silang makita na ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang panahon upang magalak sa Tagapagligtas at palalimin ang kanilang pasasalamat sa Kanyang sakripisyo. Ang mga ideya sa outline na ito ay maaaring iangkop para matulungan kayong magturo sa mga bata anuman ang edad nila.

Itala ang Iyong mga Impresyon

sharing icon

Mag-anyayang Magbahagi

Upang matulungan ang mga bata na ibahagi ang nalalaman nila tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala, maaari kang magpakita ng mga larawan ng Tagapagligtas sa Getsemani, sa krus, at pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli (tingnan ang larawan sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 56, 57, 58, 59, at 60).

teaching icon

Ituro ang Doktrina

Mga Batang Musmos

Si Jesucristo ang aking Tagapagligtas.

Habang binabasa mo ang tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, isiping mabuti kung paano mo matutulungan ang mga bata na madama kung gaano sila kamahal ni Jesus.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ituro sa mga bata na dahil lahat tayo ay nagkakasala, hindi tayo makababalik sa Diyos kung wala ang isang Tagapagligtas na nagdusa para sa ating mga kasalanan. Maaari tayong iligtas ni Jesucristo mula sa ating mga kasalanan kung tayo ay magsisisi. Magpakita ng isang salamin, at sabihin sa mga bata na magsalitan sa pagtingin dito. Habang ginagawa ito ng bawat bata, sabihing, “Mahal na mahal ni Jesus si [pangalan ng bata], at maaari Niyang iligtas si [pangalan ng bata].”

  • Ipakita ang larawang Nananalangin si Jesus sa Getsemani (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 56) habang ikinukuwento mo ang tungkol sa pagdurusa ni Jesus sa Getsemani para sa mga kasalanan ng sanlibutan (tingnan sa Mateo 26:36–46; Lucas 22:39–44). Ipaliwanag na dahil sa Kanyang pagdurusa, maaari tayong mapatawad kapag gumagawa tayo ng mga maling pagpili. Maaari mo ding gamitin ang “Kabanata 51: Nagdusa si Jesus sa Halamanan ng Getsemani,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 129–32.

  • Sama-samang awitin ang “Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo,” Aklat ng mga Awit Pambata, 42–43. Anong mga salita sa awitin ang naglalarawan ng pagmamahal ng Tagapagligtas? Itanong sa mga bata kung paano nila matutulungan ang iba na madama ang pagmamahal ng Tagapagligtas.

Dahil nabuhay na mag-uli si Jesus, ako ay mabubuhay na muli!

Paano mo matutulungan ang mga bata na maunawaan na dahil kay Jesucristo, tayo at ang ating mga mahal sa buhay ay mabubuhay na mag-uli balang-araw?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ituro sa mga bata ang kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay gamit ang mga larawan ni Cristo sa Getsemani, sa krus, at pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, na matatagpuan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo (blg. 56, 57, 58, 59, at 60), at sa full-page na larawan sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Ipahawak sa ilang bata ang mga larawan habang isinasalaysay mo ang kuwento. Ikuwento sa mga bata ang tungkol sa ilang tao na nakakita kay Jesus matapos Siyang mabuhay na mag-uli, tulad ni Maria (tingnan sa Juan 20:1–18) o ni Tomas (tingnan sa Juan 20:24–29).

  • Alamin kung alam ng mga bata kung bakit natin ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay. Ipaliwanag na sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinagdiriwang natin ang pinakamahalagang araw sa kasaysayan—ang araw na nabuhay na mag-uli si Jesucristo. Itanong kung gusto ng sinumang bata na ibahagi kung ano ang ginagawa ng kanilang pamilya para alalahanin ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo.

  • Ipaliwanag na ang kahulugan ng nabuhay na mag-uli ay ang mabuhay na muli pagkatapos nating mamatay. Magpatotoo na dahil kay Jesucristo, tayo ay mabubuhay na mag-uli—mabubuhay tayong muli pagkatapos nating mamatay, at hindi na tayo mamamatay muli.

  • Gumamit ng guwantes para turuan ang mga bata na lahat tayo ay may katawan (na kinakatawan ng guwantes) at Espiritu (kinakatawan ng kamay). Kapag namatay tayo, ang ating espiritu ay patuloy na mabubuhay, pero hindi ang ating mga katawan. Kapag tayo ay nabuhay na mag-uli, ang ating espiritu at katawan ay magsasamang muli. Bigyan ng pagkakataon ang bawat bata na isuot at hubarin ang guwantes.

  • Sama-samang kantahin ang isang awitin para sa Pasko ng Pagkabuhay, tulad ng “Si Jesus ba ay Nagbangon?” o “Si Jesus ay Nagbangon,” Aklat ng mga Awit Pambata, 45, 44, at ipakita sa mga bata ang larawan ni Jesus nang Siya ay nabuhay na mag-uli (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 59, 60, 61).

  • Magdispley ng isang larawan ng isang taong alam mo na namatay na. Ibahagi ang iyong patotoo na siya ay mabubuhay na mag-uli dahil sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo.

  •   Bingo Ang mga karagdagang mensahe tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay ay matatagpuan sa mormon.org/easter.

Si Cristo kasama si Maria sa tabi ng libingang walang-laman

He is Risen, ni Greg Olsen

teaching icon

Ituro ang Doktrina

Nakatatandang mga Bata

Si Jesus ay nagdusa para sa akin sa Getsemani at sa krus.

Habang pinag-aaralan mo ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas, pagnilayan kung paano mo matutulungan ang mga bata na matutuhan at maalala na si Cristo ay nagdusa sa Getsemani at sa krus para sa kanilang mga kasalanan, karamdaman, at kalungkutan.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Basahing kasama ng mga bata ang Lucas 22:39–44 at ang mga piling talata mula sa Mateo 27:29–50. Sabihin sa kanila na hanapin ang mga salitang makakatulong sa kanila na maunawaan ang naranasan ng Tagapagligtas sa Getsemani at sa krus.

  • Tulungan ang mga batang makabisado ang ikatlong saligan ng pananampalataya. Magpatotoo na si Jesucristo ay may kapangyarihang magligtas sa atin mula sa kasalanan at sa kamatayan.

  • Tulungan ang mga bata na maghanda ng maikling mensahe tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo na maaari nilang ibahagi sa iba. Hikayatin sila na isama ang isang talata sa banal na kasulatan at ang kanilang patotoo sa kanilang mensahe. Kung kailangan nila ng dagdag na tulong, maaari nilang basahin ang “Pagbabayad-sala ni Jesucristo” sa Tapat sa Pananampalataya (111–118).

Dahil namatay at nabuhay na mag-uli si Jesus, ako ay mabubuhay na muli.

Balang-araw ay mararanasan ng mga batang tinuturuan mo ang pagkamatay ng isang mahal sa buhay, kung hindi pa nila ito naranasan. Ipaliwanag na dahil si Jesucristo ay nabuhay na mag-uli, tayong lahat ay mabubuhay na mag-uli.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Idispley ang Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 57, 58, at 59, at sabihin sa mga bata na itugma ang mga larawan sa sumusunod na mga talata: Mateo 27:29–38, 59–60; Juan 20:10–18.

  • Sabihin sa mga bata na basahin ng bawat isa ang “Pagkabuhay na Mag-uli” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan at magsulat sila ng mga tanong tungkol sa nabasa nila. Bigyan ang mga bata ng oras na magtanong sa isa’t isa at sama-samang maghanap ng mga sagot.

  • Tulungan ang mga bata na tingnan ang indese ng mga paksa ng Aklat ng mga Awit Pambata para maghanap ng isang awit na gusto nilang matutunan tungkol kay Jesucristo o sa Pagkabuhay na Mag-uli. Sama-samang kantahin nang ilang beses ang awitin. Itanong sa mga bata kung ano ang natutuhan nila mula sa awiting ito.

  • Bago magsimula ang klase, anyayahan ang ilang bata na maghandang ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas. Sabihin sa mga bata na isulat ang kanilang patotoo na ibabahagi nila sa tahanan.

learning icon

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Upang matulungan ang mga bata na ibahagi ang natutuhan nila sa kanilang pamilya, hikayatin silang kumanta ng isang awitin tungkol kay Jesucristo sa kanilang tahanan ngayong linggo.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Makikinabang ang mga bata sa pag-uulit. Huwag matakot na ulitin ang aktibidad ng maraming beses, lalo na sa mga batang musmos. Ang pag-uulit ay makakatulong sa mga batang tinuturuan mo na makaalala.

pahina ng aktibidad: mabubuhay akong muli