“Karagdagang Resources sa Pagtuturo ng mga Bata,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)
“Karagdagang Resources sa Pagtuturo ng mga Bata,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019
Karagdagang Resources sa Pagtuturo ng mga Bata
Ang lahat ng resources na ito ay maaaring matagpuan sa LDS.org at sa Gospel Library app.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya
Maaari mong iakma ang anumang aktibidad sa resource na ito para magamit sa iyong mga klase sa Primary. Kahit ginagamit ng mga magulang ang mga aktibidad na ito sa kanilang mga anak sa tahanan, ang pag-uulit ay maaaring maging kapaki-pakinabang na paraan para matulungan ang mga bata na matuto. Maaaring gustong sabihin sa iyo ng mga bata kung paano nila ginawa ang mga aktibidad kasama ang kanilang pamilya at kung ano ang natutuhan nila.
Masdan ang Inyong mga Musmos: Manwal sa Nursery
Marami sa mga paksang itinuro sa manwal ng nursery ang katulad sa mga ituturo mo sa Primary. Lalo na kung nagtuturo ka ng mga batang musmos, isipin na tingnan ang manwal ng nursery para sa mga karagdagang awitin, kuwento, aktibidad, at crafts.
Mga magasin na Friend at Liahona
Ang mga magasin na Friend at Liahona ay may mga kuwento at aktibidad na maaaring maidagdag sa mga alituntunin na iyong itinuturo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.
Mga Himno at ang Aklat ng mga Awit Pambata
Ang sagradong musika ay nag-aanyaya ng Espiritu at nagtuturo ng doktrina sa paraan na madali itong matandaan. Bukod sa mga naka-print na bersyon ng Mga Himno at ng Aklat ng mga Awit Pambata, maaari kang makakita ng mga audio at video recording ng maraming himno at mga awiting pambata sa music.lds.org o sa LDS Music App.
Mga Kuwento sa Bagong Tipan
Ang Mga Kuwento sa Bagong Tipan (2005) ay makakatulong sa mga bata na matutuhan ang mga doktrina at mga kuwento na nasa Bagong Tipan. Mahahanap mo din ang mga video ng mga kuwentong ito sa medialibrary.lds.org.
Media Library
Ang mga ipinintang larawan, video, at iba pang media ay makakatulong sa iyo at sa mga bata na mailarawan sa isip ang doktrina at mga kuwento sa Bagong Tipan. Bisitahin ang medialibrary.lds.org para ma-browse ang koleksiyon ng Simbahan ng mga media resource, kabilang na ang Bible Videos series, na nagpapakita ng mga pangyayari sa Bagong Tipan.
Sining ng Ebanghelyo
Ang mga ipinintang larawan ay makakatulong sa mga bata na mailarawan sa isip ang doktrina at mga kuwento sa Bagong Tipan. Maraming larawan na magagamit ninyo sa klase ang matatagpuan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, at sa medialibrary.lds.org.
Mga Tulong sa Lesson para sa Pagtuturo sa mga Bata
Maaari mong makita sa lds.org/children/resources ang isang indeks ng mga artikulo sa magasin, mga aktibidad, at media sa iba’t ibang paksa ng ebanghelyo.
Tapat sa Pananampalataya
Kung kailangan mo ng karagdagang tulong para maunawaan ang mga pangunahing alituntunin na ituturo mo sa mga bata, isiping tingnan ang Tapat sa Pananampalataya (2004). Ang reperensyang ito ay nagbibigay ng mga simpleng paliwanag tungkol sa mga paksa ng ebanghelyo, na nakalista nang paalpabeto.
Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas
Matutulungan ka ng sangguniang ito para matutuhan at maipamuhay mo ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ni Cristo. Ang mga alituntuning ito ay tinatalakay at pinapraktis sa mga teacher council meeting.