Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Isang Huwaran sa Pagtuturo


“Isang Huwaran sa Pagtuturo,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Isang Huwaran sa Pagtuturo,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

Klase sa Primary

Isang Huwaran sa Pagtuturo

Sa sangguniang ito, makikita mong inuulit ang sumusunod na huwaran sa bawat outline: mag-anyayang magbahagi, ituro ang doktrina, at maghikayat ng pag-aaral sa tahanan. Sa maraming pagkakataon, habang nagtuturo ka, ang mga bahagi ng huwarang ito ay maaaring magkasabay o maiba ang pagkakasunud-sunod. Halimbawa, isipin na ang pagbabahagi ay isang oportunidad para ituro ang doktrina, at ang pagtuturo ng doktrina ay dapat kabilangan ng mga paanyayang magbahagi. Gayundin, ang paghihikayat ng pag-aaral sa tahanan ay maaaring maganap sa buong talakayan sa klase. Hayaang likas na maganap ang mga pagkakasabay na ito, habang sinusunod ang mga pahiwatig ng Espiritu upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga batang iyong tinuturuan.

sharing icon

Mag-anyayang Magbahagi

3:15

Bilang bahagi ng bawat klase, anyayahan ang mga bata na ibahagi ang kanilang mga nadarama, ideya, at karanasan tungkol sa mga alituntunin na nasa outline. Ang kanilang mga komento ay maaaring kabilangan ng mga naranasan nila sa pag-aaral sa tahanan. Maaari mo ring rebyuhin ang natutuhan nila noong nakaraang linggo at itanong kung paano ito nakaimpluwensya sa buhay nila.

teaching icon

Ituro ang Doktrina

3:23

Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang doktrina na ituturo mo sa mga bata. Isipin ang mga talata sa banal na kasulatan, siping-banggit, karanasan, katanungan, at iba pang sanggunian na maaari mong ibahagi para tulungan ang mga bata na matuto at kumilos ayon sa mga alituntunin ng ebanghelyo. Maghanap ng malikhaing mga paraan upang maging kapana-panabik para sa kanila ang mga natututuhan nila.

learning icon

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Dahil ang tahanan ang sentro ng pag-aaral ng ebanghelyo, isa sa iyong mga layunin bilang guro sa Primary ay ang maghikayat ng pag-aaral sa tahanan. Paano mo matutulungan ang mga bata na ibahagi sa kanilang pamilya ang natutuhan nila sa klase? Paano mo mahihikayat ang mga bata at ang kanilang mga magulang na patuloy na matuto sa bahay mula sa Bagong Tipan?