Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Ikaw ay Isang Guro ng mga Bata


“Ikaw ay Isang Guro ng mga Bata,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Ikaw ay Isang Guro ng mga Bata,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

Larawan
si Jesus kasama ang isang maliit na bata

Ikaw ay Isang Guro ng mga Bata

Tinawag ka ng Diyos upang turuan ang Kanyang mga anak sa paraan ng Tagapagligtas. Ikaw ay itinalaga sa tungkuling ito sa pamamagitan ng awtoridad ng Kanyang banal na priesthood. Kahit na ikaw ay isang guro na walang karanasan, kapag ikaw ay namumuhay nang karapat-dapat, nananalangin araw-araw, at nag-aaral ng mga banal na kasulatan, pagkakalooban ka ng Diyos ng impluwensya at kapangyarihan ng Espiritu Santo (tingnan sa 2 Nephi 33:1).

Ang mga ipinagkatiwala sa iyo ay mga anak ng Ama sa Langit, at alam Niya kung ano ang kailangan nila at kung paano sila tulungan. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, gagabayan ka ng Diyos sa iyong paghahanda at habang nagtuturo ka. Ihahayag Niya sa iyo kung ano ang dapat mong sabihin at dapat mong gawin.

Sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay, ang mga natatanging batang ito ay patuloy na natututo ng impormasyon, bumubuo at naghahasa ng kanilang mga opinyon, at gumagawa at nagbabahagi ng mga natutuklasan. Ito ay lalong totoo sa ebanghelyo, sapagkat ang mga bata ay handa at sabik na matutuhan ang mga simpleng katotohanan nito. Ang kanilang pananampalataya sa mga espirituwal na bagay ay matibay at dalisay, at nakikita nila ang bawat sandali bilang isang sandali ng pagkatuto. Handa silang gawin ang mga natututuhan nila, kahit na hindi pa kumpleto ang kanilang pang-unawa. Ganito dapat ang paraan nating lahat sa pangtanggap ng ebanghelyo. Tulad ng itinuro ni Jesus, “Sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na gaya ng isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan” (Lucas 18:17).

Ang tungkulin na turuan ang mga bata ay isang banal na pagtitiwala. Normal lamang na madama na maraming gagawin kung minsan. Ngunit alalahanin na tinawag ka ng iyong Ama sa Langit, at hindi ka Niya pababayaan. Ito ay gawain ng Panginoon, at habang naglilingkod ka “na may buong puso, kakayahan, pag-iisip at lakas” (DT 4:2), pag-iibayuhin Niya ang iyong mga kakayahan, kaloob, at talento, at ang iyong paglilingkod ay magpapala sa buhay ng mga batang iyong tinuturuan.

Print