Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary


“Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary,Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary,Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

Klase sa Primary

Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary

Paghahandang Magturo sa Primary

4:24

Ang tahanan ang dapat na maging sentro ng pagkatuto ng ebanghelyo. Ito ay totoo para sa iyo at para sa mga batang tinuturuan mo. Habang naghahanda kang magturo, magsimula sa pagkakaroon ng sarili mong mga karanasan sa mga banal na kasulatan. Magaganap ang pinakamahalaga mong paghahanda kapag hinangad mo ang inspirasyon ng Espiritu Santo.

Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay mahalagang bahagi rin ng iyong paghahanda. Tutulungan ka nitong magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga alituntunin ng doktrina na matatagpuan sa mga banal na kasulatan.

Sa inyong paghahanda, darating sa iyo ang mga ideya at impresyon tungkol sa mga batang iyong tinuturuan. Matatanggap mo ang kaalaman tungkol sa paraan kung paano ang mga alituntunin sa mga banal na kasulatan ay magpapala sa kanilang buhay. Papatnubayan ka na bigyan sila ng inspirasyon na tuklasin ang mga alituntuning iyon habang natututo sila para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya mula sa mga banal na kasulatan. Tandaan na maging sensitibo sa mga bata na ang mga sitwasyon ng pamilya ay maaaring hindi nakasusuporta sa regular na pag-aaral ng pamilya.

Mga Ideya sa Pagtuturo

Habang naghahanda kang magturo, maaari kang magtamo ng karagdagang inspirasyon sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga outline sa resource na ito. Huwag isipin na ang mga ideyang ito ay sunud-sunod na mga hakbang, kundi sa halip ay mga mungkahi para magkaroon ka ng sariling inspirasyon. Kilala mo ang mga batang ito, at kilala din sila ng Panginoon—alam din Niya kung ano ang mga pangangailangan nila at kung ano ang kaya nilang maunawaan. Ipaaalam Niya sa iyo ang pinakamahuhusay na paraan para turuan at pagpalain ang mga bata.

Marami kang magagamit na mga sanggunian sa iyong paghahanda, kabilang na ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at ang mga magasin ng Simbahan. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga ito at iba pang sanggunian, tingnan ang “Mga Karagdagang Sanggunian sa Pagtuturo ng mga Bata.”

Ilang Bagay na Dapat Tandaan

  • Ang mga magulang ang may pangunahing responsibilidad na magturo sa kanilang mga anak. Bilang guro, may mahalagang responsibilidad kang suportahan, hikayatin, at patatagin ang pag-aaral ng ebanghelyo sa tahanan. Maging sensitibo sa mga bata na ang mga magulang ay hindi nagtuturo ng ebanghelyo sa kanilang tahanan. Isama ang lahat ng bata sa mga talakayan ng ebanghelyo anuman ang sitwasyon sa kanilang tahanan.

  • Ang pag-uulit-ulit ay mabuti. Mas epektibong natututunan ng mga bata ang mga katotohanan ng ebanghelyo kapag ang mga katotohanang ito ay paulit-ulit na itinuturo sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain. Kung nakita mong epektibo sa mga bata ang isang aktibidad sa pag-aaral, isiping ulit-ulitin ito, lalo na kung mga batang musmos ang iyong tinuturuan. Maaari mo ring rebyuhin ang isang aktibidad mula sa nakaraang lesson.

  • Nais ng Ama sa Langit na magtagumpay ka bilang guro. Naglaan Siya ng maraming resources na tutulong sa iyo na magtagumpay, kabilang na ang mga teacher council meeting. Sa mga miting na ito, maaari kang sumangguni sa iba pang mga guro tungkol sa anumang hamon na maaari mong kaharapin. Maaari mo ring talakayin at praktisin ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng kay Cristo.

  • Kung ikaw ay nagtuturo ng mga batang musmos at nangangailangan ng karagdagang tulong, tingnan ang “Pagtugon sa mga Pangangailangan ng mga Batang Musmos” sa resource na ito.

  • Kabilang sa resource na ito ang mga outline para sa bawat linggo ng taon maliban sa dalawang Linggo kung kailan idinaraos ang pangkalahatang kumperensya. Sa mga Linggo na hindi idinaraos ang Primary dahil sa mga stake conference o iba pang dahilan, maaaring magpatuloy ang mga pamilya sa pagbabasa ng Bagong Tipan sa tahanan ayon sa nakaiskedyul sa outline. Para manatiling nasa iskedyul ang iyong klase sa Primary, maaari mong laktawan ang isang lesson o pagsamahin ang dalawang lesson. Upang maiwasan ang kalituhan, maaaring ipaalam ng mga Primary president sa mga guro ang tungkol sa mga pagbabagong ito nang maaga.

isang inang tinutulungan ang kanyang mga anak