Lumang Tipan 2022
Pebrero 14–20. Genesis 18–23: “May Anomang Bagay Kayang Napakahirap sa Panginoon?”


“Pebrero 14–20. Genesis 18–23: ‘May Anomang Bagay Kayang Napakahirap sa Panginoon?’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Pebrero 14–20. Genesis 18–23,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2022

si Sara na karga-karga ang sanggol na si Isaac

Sarah and Isaac [Sara at Isaac], ni Scott Snow

Pebrero 14–20

Genesis 18–23

“May Anomang Bagay Kayang Napakahirap sa Panginoon?”

Habang sinisikap mong matugunan ang mga pangangailangan ng mga batang tinuturuan mo, isaalang-alang ang mga ideya para sa mga nakatatanda at mas maliliit na mga bata sa outline na ito.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Upang matulungan ang mga bata na ibahagi kung ano ang nalalaman nila tungkol sa Genesis 18–23, ipakita ang larawan ng isa o higit pang mga pangyayari mula sa mga kabanatang ito, at hilingin sa mga bata na magbahagi ng anumang bagay na naaalala nila tungkol sa kuwento.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina: Mas Maliliit na Bata

Genesis 18:9–14; 21:1–7

Mapagkakatiwalaan ko ang Diyos na tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako.

Bagama’t ipinangako ng Diyos na sina Sara at Abraham ay magkakaroon ng anak, sa kanilang pagtanda, tila malamang na hindi na matutupad ang pangakong iyon. Paano mo magagamit ang kuwentong ito para matulungan ang mga bata na magkaroon ng pananampalataya na laging tutuparin ng Diyos ang Kanyang mga pangako?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ibuod ang mga pangako ng Diyos kina Abraham at Sara na magkakaroon sila ng anak at ang katuparan ng pangakong ito (tingnan sa Genesis 17:15–19; 18:9–14; 21:1–7). O anyayahan ang isang mag-asawa sa ward na magsuot ng damit na tulad ng kina Abraham at Sara at isalaysay ang kanilang kuwento. Tulungan ang mga bata na maunawaan na sina Abraham at Sara ay napakatanda na para magkaanak. Itanong sa kanila ang nasa Genesis 18:14, “May anomang bagay kayang napakahirap sa Panginoon?” Magpatotoo na tutuparin ng Panginoon ang Kanyang mga pangako, kahit na tila imposible ang mga ito.

  • Gumawa ng isang pangako sa mga bata na gagawin mo sa katapusan ng klase (halimbawa, na pahihintulutan mo silang magkulay ng isang larawan). Sa buong klase, ipaalala sa kanila ang iyong pangako, at pagkatapos ay tuparin ito. Ipaliwanag na laging tinutupad ng Panginoon ang Kanyang mga pangako.

  • Hilingin sa mga bata na magbahagi ng isang pagkakataon na kinailangan nilang maghintay para sa isang bagay na talagang gusto nila. Kumanta kayo ng mga bata ng isang awitin na nagpapatotoo sa mga pangako ng Diyos, tulad ng “Mga Kautusan sa Tuwina ay Sundin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 68–69). Tulungan ang mga bata na tukuyin ang mga bagay na ipinapangako sa atin ng Diyos kung tayo ay tapat.

  • Magpakita ng larawan ng binyag o sakramento (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 103, 104, 107,108). Tulungan ang mga bata na matutuhan ang mga pangakong ginagawa natin sa Diyos, at kung ano ang mga pangako ng Diyos bilang kapalit, kapag tayo ay bininyagan at tumanggap ng sakramento. (Tingnan din sa Tapat sa Pananampalataya, 10–13.)

Genesis 22:1–14

Sumunod si Abraham sa Panginoon.

Napakahirap para kay Abraham na sundin ang utos na ialay ang kanyang anak. Pag-isipang mabuti kung paano mo angkop na magagamit ang kuwentong ito upang hikayatin ang mga bata na sundin ang Diyos kahit na mahirap ito o hindi nila lubos na nalalaman ang dahilan ng Kanyang mga ipinag-uutos.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipakita ang larawan nina Abraham at Isaac (tingnan ang outline ng pag-aaral para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibuduwal at Pamilya), at gamitin ito para isalaysay ang kuwento nina Abraham at Isaac (tingnan din sa “Si Abraham at ang Pag-aalay kay Isaac,” sa Mga Kuwento sa Lumang Tipan). Magpakita ng larawan ni Jesucristo, at pag-usapan ninyo ng mga bata kung paano tayo mapapaalalahanan ng kuwento nina Abraham at Isaac tungkol sa sakripisyo na ginawa para sa atin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

  • Maglaro ng isang simpleng laro kung saan ay kailangang sumunod ng mga bata sa mga direksyon. Halimbawa, ang mga direksyon ay maaaring humantong sa isang larawan ng Tagapagligtas na nakatago sa loob ng klase. Ano ang ilang bagay na ipinagagawa sa atin ng Ama sa Langit? Tulungan ang mga bata na maunawaan na ang pagsunod sa Kanyang mga kautusan ay tutulong sa atin upang Siya at si Jesucristo ay muli nating makapiling.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina: Mas Nakatatandang mga Bata

Genesis 18:9–14; 21:1–7

Tinutupad ng Panginoon ang Kanyang mga pangako, kahit na tila imposible ang mga ito.

Sinabihan sina Abraham at Sara na magkakaroon sila ng isang anak na lalaki, ngunit tila imposible ito—si Abraham ay 100 taong gulang, at si Sara naman ay 90 noon (tingnan sa Genesis 17:17). Tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako, at ang kuwentong ito ay makakatulong sa mga batang tinuturuan mo na palakasin ang kanilang pananampalataya sa mga pangako ng Diyos para sa kanila.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Isulat ang bawat salita na nasa unang pangungusap ng Genesis 18:14 sa nakahiwalay na piraso ng papel, at bigyan ng isa ang bawat bata. Pagkatapos ay hilingin sa mga bata na ayusin ang mga salita ayon sa tamang pagkakasunud-sunod. Basahin ninyo ng mga bata ang Genesis 18:9–14; 21:1–7 upang mahanap ang isang halimbawa mula sa buhay nina Sara at Abraham kung saan ginawa ng Panginoon ang isang bagay na tila imposible. Ano ang matututuhan natin mula sa karanasan nina Sara at Abraham na makakahikayat sa atin na magtiwala sa mga pangako ng Diyos?

  • Ipakita ang larawan ng mga kuwento sa banal na kasulatan kung saan ginawa ng Diyos ang isang bagay na tila imposible o mahirap (halimbawa, tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 7, 8, 25, 26). Hilingin sa mga bata na ibahagi ang nalalaman nila tungkol sa mga pangyayaring inilalahad sa larawang ito, at tulungan silang makita kung paano tinupad ng Panginoon ang Kanyang mga pangako sa bawat pagkakataon. Ibahagi kung paano tinupad ng Panginoon ang Kanyang mga pangako sa iyong buhay o sa buhay ng mga taong kilala mo (para sa ilang halimbawa ng mga pangako ng Panginoon, tingnan sa Malakias 3:10; Juan 14:26–27; Doktrina at mga Tipan 89:18–21). Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng katulad ng mga halimbawa na alam nila.

Genesis 19:15–26

Ako ay makakatakas mula sa kasamaan.

Ang kuwento ni Lot at ng kanyang pamilya na tumakas palabas ng isang masamang lungsod ay maaaring makahikayat sa mga batang tinuturuan mo na takasan ang masasamang impluwensya sa kanilang buhay.

Paglalarawan ng pagtakas ni Lot at ng kanyang pamilya palabas ng Sodoma at Gomorra

Fleeing Sodom and Gomorrah [Pagtakas sa Sodoma at Gomorra], ni Julius Schnorr von Carolsfeld

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ibuod ang Genesis 19:15–26 na ipinapaliwanag na ang pamilya ni Lot ay nakatira sa isang lungsod na napakasama, at binalaan sila ng mga anghel na umalis. Basahin nang sabay-sabay ang mga talata 15–17, 26, at tulungan ang mga bata na isipin kung ano ang maaaring ibig sabihin sa kanila ngayon ng “tumakas” sa kasamaan at ng “huwag kang lumingon” (talata 17).

  • Magdispley ng larawan ng Tagapagligtas, at hilingin sa mga bata na humakbang palapit dito kapag nakapagbahagi sila ng isang bagay na magagawa nila para tumakas sa kasamaan at mas lumapit kay Cristo.

  • Talakayin ang mga sitwasyon kung saan ang isang kaibigan ay maaaring mag-anyaya sa mga bata na gumawa ng isang bagay na alam nilang hindi tama. Paano natin “tatakasan” ang mga sitwasyong ito? Ano ang maaari nating sabihin sa ating kaibigan?

Genesis 22:1–14

Isinugo ng Ama sa Langit ang Kanyang Anak, na nagsakripisyo ng Kanyang sarili para sa atin.

Habang nagtuturo kayo tungkol sa kahandaan ni Abraham na ialay si Isaac, maging sensitibo sa damdamin ng mga bata. Gamitin ang kuwentong ito para matulungan ang mga bata na palakasin ang kanilang pagmamahal at pagpapahalaga sa sakripisyo ng Tagapagligtas.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Upang matulungan ang mga bata na matutuhan ang kuwento sa Genesis 22:1–14, basahin sa kanila ang mga talata, at anyayahan silang idrowing ang mga binabasa mo. Bakit mahirap para kay Abraham na sundin ang utos ng Panginoon na ialay si Isaac? Ano ang natututuhan natin tungkol kay Abraham mula sa kuwentong ito?

  • Gamitin ang mga larawan nina Abraham at Isaac, at ng Pagpapako sa Krus (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 9,57) at ihambing ang kuwento sa Genesis 22 sa sakripisyo ng Tagapagligtas (tingnan sa Mateo 27:26–37). Ano ang matututuhan natin tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo mula sa mga tala tungkol kina Abraham at Isaac at sa Pagpapako sa Krus?

  • Sama-samang kantahin ang isang awitin tungkol sa sakripisyo ng Tagapagligtas, tulad ng “Isinugo, Kanyang Anak” (Aklat ng mga Awit Pambata, 20–21). Anyayahan ang mga bata na ibahagi kung paano ipinapakita ng sakripisyo ni Jesus ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa atin.

learning icon

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na ibahagi sa kanilang pamilya ang tungkol sa isang pangyayari na pinagpala sila ng Diyos dahil sinunod nila ang isa sa Kanyang mga utos.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Maghikayat ng pagpipitagan. Kung kinakailangan sa oras ng klase, maaari mong ipaalala sa mga bata na maging mapitagan. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng tahimik na pag-awit o paghimig ng isang kanta o sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang larawan ni Jesus.