Lumang Tipan 2022
Karagdagang Resources sa Pagtuturo ng mga Bata


“Karagdagang Resources sa Pagtuturo ng mga Bata,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Karagdagang Resources sa Pagtuturo ng mga Bata,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2022

mga guro at maliliit na bata sa silid-aralan ng simbahan

Karagdagang Resources sa Pagtuturo ng mga Bata

Ang resources na ito ay matatagpuan sa Gospel Library app at sa ChurchofJesusChrist.org.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya

Maaari mong iakma ang mga aktibidad mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya para magamit sa inyong klase sa Primary. Huwag mag-alala kung nagawa na ng mga bata ang mga aktibidad na ito sa bahay kasama ng kanilang mga pamilya; ang pag-uulit ay tumutulong sa mga bata na matuto. Maaaring gustong sabihin sa iyo ng mga bata kung paano nila ginawa ang mga aktibidad kasama ng kanilang pamilya at kung ano ang natutuhan nila.

Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata

Ang sagradong musika ay nag-aanyaya sa Espiritu at nagtuturo ng doktrina sa paraan na madali itong matandaan. Bukod pa sa paggamit ng mga print version ng Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata, makakakita ka ng mga audio at video recording ng maraming himno at awiting pambata sa music.ChurchofJesusChrist.org at sa mga app na Sacred Music at Gospel Media.

Para sa mga ideya, tingnan sa mga bahaging “Paggamit ng Musika sa Pagtuturo ng Doktrina” at “Pagtulong sa mga Bata na Matutuhan at Maalala ang mga Awitin sa Primary at mga Himno” sa “Mga Tagubilin para sa Oras ng Pag-Awit at sa Pagtatanghal ng Musika ng mga Bata sa Sacrament Meeting” sa resource na ito.

Masdan ang Inyong mga Musmos

Marami sa mga paksang tinalakay sa Masdan ang Inyong mga Musmos: Manwal sa Nursery ang kapareho ng mga ituturo mo sa Primary. Lalo na kung nagtuturo ka ng mas maliliit na bata, isiping tumingin sa manwal ng nursery para sa karagdagang mga awitin, kuwento, aktibidad, at crafts.

Magasing Kaibigan

Ang magasing Kaibigan ay naglalaan ng mga kuwento at aktibidad na maaaring makaragdag sa mga alituntuning itinuturo mo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.

Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Ang Mga Kuwento sa Lumang Tipan ay makakatulong sa mga bata na matutuhan ang doktrina at mga kuwentong matatagpuan sa Lumang Tipan.

Sining

Ang mga gawang-sining ay maipauunawa sa mga tinuturuan mo ang doktrina at mailalarawan sa kanilang isipan ang mga kuwentong may kaugnayan sa mga banal na kasulatan. Maraming larawang magagamit mo sa klase ang matatagpuan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo.

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ay maaaring makatulong sa iyo na matutuhan at gamitin ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ni Cristo. Ang mga alituntuning ito ay tinatalakay at isinasagawa sa mga teacher council meeting.