“Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Lumang Tipan 2022 (2021)
“Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2022
Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary
Paghahandang Magturo sa Primary
Ang personal at pampamilyang pag-aaral sa tahanan ang dapat maging sentro sa pagkatuto ng ebanghelyo. Totoo ito para sa iyo at para sa mga batang tinuturuan mo. Habang naghahanda kang magturo, magsimula sa pagkakaroon ng sarili mong mga karanasan sa mga banal na kasulatan. Magaganap ang iyong pinakamahalagang paghahanda habang nagsasaliksik ka ng mga banal na kasulatan at naghahangad ng inspirasyon ng Espiritu Santo.
Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay isang mahalagang bahagi rin kapwa ng iyong personal na pag-aaral at ng paghahanda mong magturo. Tutulungan ka nitong magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa mga alituntunin ng doktrina na matatagpuan sa mga banal na kasulatan.
Sa iyong paghahanda, darating sa iyo ang mga ideya at impresyon tungkol sa mga batang tinuturuan mo. Tatanggap ka ng mga kabatiran kung paano mapagpapala ng mga alituntunin sa mga banal na kasulatan ang kanilang buhay. Gagabayan kang bigyan sila ng inspirasyon na tuklasin ang mga alituntuning iyon habang natututo sila mula mga banal na kasulatan para sa kanilang sarili at kasama ang kanilang pamilya.
Mga Ideya sa Pagtuturo
Habang naghahanda kang magturo, maaari kang magtamo ng karagdagang inspirasyon sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga outline sa pagtuturo sa resource na ito. Isipin ang mga ideyang ito hindi bilang sunud-sunod na mga tagubilin kundi sa halip ay mga mungkahi para magkaroon ka ng sariling inspirasyon. Kilala mo ang mga batang ito—at mas makikilala mo pa sila habang nakikisalamuha ka sa kanila sa klase. Kilala rin sila ng Panginoon, at bibigyan ka Niya ng inspirasyon na malaman ang pinakamaiinam na paraan para maturuan at mapagpala sila.
Maraming makukuhang iba pang resources na magagamit mo sa iyong paghahanda, kabilang na ang mga ideya sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at mga magasin ng Simbahan. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga ito at sa iba pang resources, tingnan sa “Karagdagang Resources sa Pagtuturo ng mga Bata” sa resource na ito.
Ilang Bagay na Dapat Tandaan
-
Tuwing magkikita kayo ng mga bata, mag-isip ng mga paraan para maipadama mo sa kanila ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at makilala nila ang impluwensya ng Espiritu Santo.
-
Ang mga magulang ang may pangunahing responsibilidad na magturo sa kanilang mga anak. Bilang guro, may mahalagang responsibilidad kang suportahan, hikayatin, at patatagin ang pag-aaral ng ebanghelyo sa tahanan. Maging sensitibo sa mga bata na ang mga magulang ay hindi nagtuturo ng ebanghelyo sa kanilang tahanan. Isali ang lahat ng bata sa mga talakayan tungkol sa ebanghelyo, anuman ang sitwasyon sa kanilang tahanan.
-
Mas madaling mauunawaan ng mga bata ang mga turo sa Lumang Tipan kapag alam nila ang ilan sa konteksto ng kasaysayan para sa mga turong iyon. Maaari kang makakita ng konteksto ng kasaysayan sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at Mga Kuwento sa Lumang Tipan.
-
Ang pag-uulit-ulit ay mabuti. Mas epektibong natututuhan ng mga bata ang mga katotohanan ng ebanghelyo kapag ang mga katotohanang ito ay paulit-ulit na itinuturo sa pamamagitan ng iba-ibang aktibidad. Kung makita mo na epektibo sa mga bata ang isang aktibidad sa pag-aaral, isiping ulitin ito, lalo na kung mas maliliit na bata ang tinuturuan mo. Maaari mo ring rebyuhin ang isang aktibidad mula sa isang nakaraang lesson.
-
Nais ng Ama sa Langit na magtagumpay ka bilang guro. Naglaan na Siya ng maraming resources para tulungan ka, kabilang na ang mga teacher council meeting. Sa mga miting na ito maaari kang sumangguni sa iba pang mga guro tungkol sa mga hamon na kinakaharap mo. Maaari mo ring talakayin at isagawa ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ni Cristo.
-
Kung mas maliliit na bata ang tinuturuan mo at nangangailangan ka ng karagdagang tulong, tingnan sa “Pagtugon sa mga Pangangailangan ng Mas Maliliit na Bata” sa resource na ito.
-
May mga outline sa resource na ito para sa bawat linggo ng taon. Sa mga Linggo kung kailan hindi idinaraos ang Primary dahil sa pangkalahatang kumperensya, stake conference, o sa anumang ibang dahilan, patuloy na babasahin ng mga pamilya ang Lumang Tipan sa tahanan ayon sa nakaiskedyul sa outline. Huwag mag-alala tungkol sa mga lesson na nalaktawan mo; ituro ang nakatakdang lingguhang outline.