Doktrina at mga Tipan 2021
Agosto 2–8. Doktrina at mga Tipan 85–87: “Tumayo Kayo sa mga Banal na Lugar”


“Agosto 2–8. Doktrina at mga Tipan 85–87: ‘Tumayo Kayo sa mga Banal na Lugar,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Agosto 2–8. Doktrina at mga Tipan 85–87,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021

pamilyang naglalakad sa templo

Agosto 2–8

Doktrina at mga Tipan 85–87

“Tumayo sa mga Banal na Lugar”

Huwag mong piliting ituro ang bawat talata—o maging ang bawat bahagi—ng Doktrina at mga Tipan sa Sunday School. Hayaang gabayan ka ng Espiritu, at maging sensitibo sa matatagpuan ng mga miyembro ng klase na nauugnay sa kanilang buhay.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Maaaring suriin ng mga miyembro ng klase ang Doktrina at mga Tipan 85–87 para sa isang salita o parirala na tila mahalaga sa kanila (marahil ay isang namarkahan nila sa kanilang mga banal na kasulatan). Hilingin sa kanila na isulat sa pisara ang kanilang mga salita o parirala, at pumili ng ilan na tatalakayin.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Doktrina at mga Tipan 85:6

Ang Espiritu ay nangungusap sa “marahan at banayad na tinig.”

  • Sa Doktrina at mga Tipan 85:6, gumamit ng paglalarawan si Propetang Joseph Smith upang ikuwento kung paano nangusap sa kanya ang Espiritu. Ano ang matututuhan natin tungkol sa Espiritu Santo mula sa kanyang paglalarawan? Maaari ninyong hilingin sa mga miyembro ng klase na isipin ang mga pagkakataon na nangusap sa kanila ang Espiritu—paano nila ilalarawan ang kanilang karanasan? Makakakita sila ng mga karagdagang paglalarawan sa mga talata sa banal na kasulatan na tulad nito: Lucas 24:32; Mosias 5:2; Alma 32:28; Helaman 5:30; Doktrina at mga Tipan 6:22–23; 11:12–13.

  • May maiisip ba kayong isang pakay-aralin (object lesson) o pagpapamalas na maglalarawan sa marahan at banayad na mga bulong ng Espiritu? Siguro maaari kayong magpatugtog nang mahina ng ilang sagradong musika habang papasok ang mga miyembro ng klase sa silid. Maaaring pag-usapan ng mga miyembro ng klase kung ano ang ipinaramdam sa kanila ng musika at kung gaano kahirap na marinig ang musikang iyon kung may nakagagambalang mga ingay. Maaari itong humantong sa isang talakayan tungkol sa mga panggagambala sa ating buhay na humahadlang sa atin na marinig ang marahan at banayad na tinig. Maibabahagi ng mga miyembro ng klase kung ano ang kanilang ginagawa upang maragdagan ang pagiging sensitibo nila sa Espiritu—matatagpuan ang ilang payo sa “Karagdagang Resources.”

Doktrina at mga Tipan 86:1–7

Nagtitipon ang mga matuwid sa mga huling araw.

  • Maaaring ipaunawa ng sumusunod na aktibidad sa mga miyembro ng klase ang simbolismo sa talinghaga ng trigo at mga panirang damo: Maaari mong isulat ang simbolikong mga parirala mula sa talinghaga (tulad ng “mga tagapunla ng binhi,” “sinasakal ng mga agingay [panirang damo] ang trigo,” “ang dahon ay sumisibol,” at “pagtitipon ng mga trigo” [mga talata 2–4, 7]) at ang mga posibleng interpretasyon (tulad ng “mga Apostol,” “ang Apostasiya,” “ang Panunumbalik,” at “gawaing misyonero”) sa magkakahiwalay na piraso ng papel at ipaskil ang mga ito sa pisara. Pagkatapos ay maaaring magtulungan ang mga miyembro ng klase na itugma ang mga simbolo sa kahulugan ng mga ito, gamit ang natutuhan nila mula sa Doktrina at mga Tipan 86:1–7 (maaari din nilang basahin ang Mateo 13:37–43). Bakit mahalaga na ipinararating ng Panginoon ang paghahayag na ito “sa inyo na aking mga tagapaglingkod”? (talata 1). Anong mga mensahe ang matatagpuan natin na may kaugnayan sa ating paglilingkod sa Panginoon? (tingnan din sa talata 11).

Doktrina at mga Tipan 87:2, 6, 8

Ang kapayapaan ay matatagpuan sa “mga banal na lugar.”

babae sa labas ng templo

Ang templo ay isang banal na lugar kung saan madarama natin ang pag-ibig ng Diyos.

  • Para maipaunawa sa mga miyembro ng klase ang pangangailangang “tumayo … sa mga banal na lugar,” maaari kang magsimula sa pag-anyaya sa kanila na ilista ang ilan sa mga hamong kinakaharap natin sa mga huling araw. Maaari silang makakita ng ilang halimbawa sa Doktrina at mga Tipan 87:2, 6. Pagkatapos ay maaari mong talakayin kung paano makakatulong ang paanyaya ng Panginoon sa talata 8 sa mga hamong ito. Maaaring makatulong ang mga tanong na tulad nito:

    Ano ang mahalaga sa salitang “tumayo” sa talatang ito?

    Paano nagiging banal ang isang lugar?

    Ano ang maaaring makatinag sa isang tao mula sa isang banal na lugar?

    Paano natin matitiyak na hindi tayo matitinag?

  • Marahil ay handang magbahagi ang mga miyembro ng klase sa isa’t isa ng mga halimbawa ng “mga banal na lugar” at kung paano naging banal ang mga ito (maaari mong ipaliwanag na ang isang banal na lugar ay maaaring higit pa sa pisikal na lokasyon). #&1/60 Habang nagbabahagi sila, hikayatin silang ikuwento kung bakit banal ang mga lugar na iyon para sa kanila. Paano tayo matutulungan ng mga banal na lugar na ito na makasumpong ng kapayapaan sa gitna ng mga panganib sa mga huling araw?

icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Maghanap ng “payapa at tahimik na oras bawat araw.”

Ibinigay ni Sister Vicki F. Matsumori, dating tagapayo sa Primary General Presidency, ang payong ito: “Dahil ang Espiritu ay madalas ilarawan bilang isang marahan at banayad na tinig, mahalaga ring magkaroon ng oras ng katahimikan sa buhay natin. Pinayuhan tayo ng Panginoon na “mapanatag at malaman na ako ang Dios’ [Mga Awit 46:10]. Kung maglalaan tayo ng panatag at tahimik na oras bawat araw na hindi tayo abala sa telebisyon, computer, mga video game, o personal na mga electronic device, binibigyan natin ng pagkakataon ang marahan at banayad na tinig na iyon na bigyan tayo ng personal na paghahayag at bulungan ng magiliw na patnubay, kapanatagan, at aliw” (“Pagtulong sa iba na Kilalanin ang mga Bulong ng Espiritu,” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 11).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Maghanda na nasasaisip ang mga tao. “Hayaang ang pag-unawa mo sa mga tinuturuan mo ang gumabay sa iyong [paghahanda]. … Ang mga guro na katulad ni Cristo ay hindi nakatuon sa isang partikular na estilo o pamamaraan; nakatuon sila sa pagtulong sa mga tao na mapatibay ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 7).