Doktrina at mga Tipan 2021
Agosto 9–15. Doktrina at mga Tipan 88: “Magtayo ng … Isang Bahay ng Diyos”


“Agosto 9–15. Doktrina at mga Tipan 88: ‘Magtayo ng … Isang Bahay ng Diyos,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Agosto 9–15. Doktrina at mga Tipan 88,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021

silid na may mga silya at bangko

Agosto 9–15

Doktrina at mga Tipan 88

“Magtayo ng … Isang Bahay ng Diyos”

Bilang guro ng ebanghelyo, may responsibilidad kang tulungan ang klase mo na “turuan … ang isa’t isa ng doktrina ng kaharian” at “mga salita ng karunungan” (Doktrina at mga Tipan 88:77, 118). Bukod sa pagbabahagi ng mga bagay na nahihikayat kang ituro mula sa Doktrina at mga Tipan 88, hikayatin ang mga miyembro ng klase na ituro sa isa’t ang natutuhan nila.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Kung minsan ay makakahikayat ng pagbabahagi ang isang larawan. Maaari kang magpakita ng larawan ng isang sanga ng olibo (o magdrowing ng isa sa pisara) at anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga talata mula sa Doktrina at mga Tipan 88 na tumulong sa kanila na maunawaan kung bakit maaaring tinawag ni Joseph Smith ang paghahayag na ito na “‘dahon ng olibo’ … , ang mensahe ng Panginoon ng kapayapaan sa atin” (section heading).

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Doktrina at mga Tipan 88:6–50

Ang liwanag at batas ay nagmumula kay Jesucristo.

  • Para matulungan ang klase mo na maunawaan ang Doktrina at mga Tipan 88:6–50, maaari mong isulat sa pisara ang ilaw at batas at hatiin ang klase sa dalawang grupo. Maaaring rebyuhin ng isang grupo ang Doktrina at mga Tipan 88:6–13, 40–50, na hinahanap ang mga bagay na natututuhan nila tungkol kay Jesucristo mula sa mga pagtukoy sa ilaw sa mga talatang ito. Maaaring saliksikin ng isa pang grupo ang mga talata 13–26, 34–42, na hinahanap ang natututuhan nila tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa Kanyang batas. Ano ang itinuturo sa atin ng mga katotohanan tungkol sa liwanag at batas na nasa bahagi 88 tungkol sa Tagapagligtas? Paano tayo hinihikayat ng mga ito na maging higit na katulad Niya?

Doktrina at mga Tipan 88:62–76, 119–26

Malilinis tayo sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

  • Ang utos ng Panginoon na “pabanalin ang inyong sarili” ay dalawang beses na lumitaw sa bahagi 88 (mga talata 68, 74). Kung nahihikayat kang talakayin kung ano ang ibig sabihin niyan, maaari kang magsimula sa sama-samang pagsasaliksik ninyo sa mga kahulugan ng salitang pabanalin o pagrerebyu ng ilan sa mga talatang nakalista sa ilalim ng “Pagpapabanal” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan (scriptures.ChurchofJesusChrist.org). Maaari mo ring anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin ang Doktrina at mga Tipan 88:62–76, 119–26 at talakayin ang mga tanong na tulad ng mga ito sa isang kapartner: Paano tayo nagiging banal? Anong mga pangako mula sa Panginoon ang nakikita natin sa mga talatang ito? Bakit nais ng Panginoon na maging malinis tayo? Maaari din silang makakita ng mga sagot sa mga tanong na ito sa mensahe ni Pangulong Dallin H. Oaks na “Nalinis sa Pamamagitan ng Pagsisisi” (Ensign o Liahona, Mayo 2019, 91–94; tingnan din sa “Karagdagang Resources”).

Doktrina at mga Tipan 88:77–78, 118–26

Nais ng Panginoon na maghangad tayong matuto sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsampalataya.

  • Ang payo ng Panginoon na tumulong na magtayo ng “paaralan ng mga propeta” sa Kirtland (talata 137) ay makakatulong sa klase ninyo sa inyong mga pagsisikap na “turuan … ang isa’t isa ng doktrina ng kaharian” (mga talata 77). Maaari ninyo sigurong saliksikin ang mga talata 77–78 at 118–26 at talakayin kung paano gawing “bahay ng pagkakatuto” ang klase ninyo (talata 119). Maaaring isulat ng mga miyembro ng klase ang ilang “mga patakaran sa klase” o mga alituntunin batay sa mga talatang ito na gagabay sa pagkatuto ninyo sa klase. Maaari mo ring hilingin sa mga miyembro ng klase na ibahagi kung paano nila sinisikap na ipamuhay ang mga alituntuning ito habang sila ay “[nagha]hangad na matuto” (talata 118).

    mga batang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

    Ang ating tahanan ay maaaring maging lugar ng espirituwal na pagkatuto.

Doktrina at mga Tipan 88:119

Ang templo ang bahay ng Diyos.

  • Kung maaari, magdispley ng isang larawan ng pinakamalapit na templo sa pisara, at anyayahan ang klase na isulat sa tabi nito ang mga salita mula sa talata 119 na ginagamit upang ilarawan ang bahay ng Panginoon. Anyayahan silang magbahagi ng mga karanasan na nagpapakita kung paano tumutugma ang templo sa bawat paglalarawan. Maaari din ninyong talakayin kung paano maaaring gabayan ng talatang ito ang ating buhay.

icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Nalinis sa pamamagitan ng pagsisisi.

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks:

“Ang pagsisisi ay nagsisimula sa Tagapagligtas, at ito ay isang kagalakan, hindi isang pasanin. …

“Para malinis sa pamamagitan ng pagsisisi, kailangan nating talikuran ang ating mga kasalanan at aminin ang mga ito sa Panginoon at sa Kanyang mortal na tagahatol kung kinakailangan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 58:43). Itinuro ni Alma na kailangan nating ‘gumawa ng mga gawa ng kabutihan’ (Alma 5:35). Ang lahat ng ito ay bahagi ng madalas na paanyaya mula sa mga banal na kasulatan na lumapit kay Cristo.

“Kailangan nating makibahagi ng sakramento tuwing araw ng Sabbath. Sa ordenansang iyan, gumagawa tayo ng mga tipan at tumatanggap ng mga pagpapala na tumutulong sa atin na mapaglabanan ang lahat ng mga gawain at pagnanais na humahadlang sa atin sa pagiging perpekto na siya ring paanyaya ng Tagapagligtas na kamtin natin (tingnan sa Mateo 5:48; 3 Nephi 12:48). Kapag ‘pinagkakaitan [natin] ang [ating mga] sarili ng lahat ng kasamaan, at iibigin ang Diyos nang buo [nating] kakayahan, pag-iisip at lakas,’ kung gayon tayo ay maaaring maging ‘ganap kay Cristo’ at maging ‘pinabanal’ sa pamamagitan ng pagbubuhos ng Kanyang dugo para ‘maging banal, na walang bahid-dungis’ (Moroni 10:32–33). Napakagandang pangako! Kaylaking himala! Kaylaking pagpapala!” (“Nalinis sa Pamamagitan ng Pagsisisi,” Ensign o Liahona, Mayo 2019, 92).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Maghanap ng resources na sumusuporta sa mga alituntunin. Bukod pa sa mga mungkahi sa outline na ito, maaari kang maghanap ng mga video, musika, o sining ng Simbahan upang ituro ang mga alituntunin sa Doktrina at mga Tipan 88. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 17–18.)