Doktrina at mga Tipan 2021
Setyembre 20–26. Doktrina at mga Tipan 106–108: “Upang Mabuksan ang Langit”


“Setyembre 20–26. Doktrina at mga Tipan 106–108: ‘Upang Mabuksan ang Langit,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Setyembre 20–26. Doktrina at mga Tipan 106–108,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021

araw na nagniningning sa pagitan ng mga ulap

Setyembre 20–26

Doktrina at mga Tipan 106–108

“Upang Mabuksan ang Langit”

Habang pinag-aaralan mo ang Doktrina at mga Tipan 106–8, isipin ang mga espirituwal na karanasan na maaaring nararanasan ng mga miyembro ng klase mo habang pinag-aaralan nila ang mga bahaging ito. Habang naghahanda kang magturo sa kanila, maaaring makatulong na alamin kung ano ang nakita nilang makabuluhan bago kayo magklase.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng isang talata mula sa mga bahaging ito na nagtuturo ng isang alituntunin na maaaring magpatibay sa isang tao sa kanyang paglilingkod sa Simbahan.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Doktrina at mga Tipan 106108

Tinuturuan, hinihikayat, at sinusuportahan ng Panginoon ang mga tinatawag Niyang maglingkod.

  • Habang pinag-aralan ng mga miyembro ng klase ang Doktrina at mga Tipan 106 at 108 sa linggong ito, maaaring nakakita sila ng mga kataga na maaaring makatulong sa mga naglilingkod sa mga tungkulin sa Simbahan (tingnan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya). Isaalang-alang na bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na isulat sa pisara ang mga katagang natagpuan nila sa mga bahaging ito at hilingan silang ibahagi ang mga naiisip nila. Ano ang mga naranasan nila na may kaugnayan o naglalarawan sa mga katagang ito?

Doktrina at mga Tipan 107

Pinamumunuan ng Panginoon ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng awtoridad ng priesthood.

  • Maaari kang magpasimula ng isang talakayan tungkol sa mga katungkulan sa priesthood sa pamamagitan ng pag-anyaya sa klase na gumawa ng listahan ng mga dahilan kung bakit tayo binibigyan ng Panginoon ng mga propeta, apostol, at iba pang mga lider sa Simbahan. Marahil ay maaaring magdagdag ang mga miyembro ng klase sa kanilang listahan matapos basahin ang Doktrina at mga Tipan 107:18–20. Pagkatapos ay maaari kang gumugol ng oras sa pagrerebyu ng mga responsibilidad na ibinibigay ng Panginoon sa mga mayhawak ng sumusunod na mga katungkulan: Unang Panguluhan (mga talata 9, 21–22, 65–66, 91–92), Labindalawang Apostol (mga talata 23–24, 33–35, 38, 58), Pitumpu (mga talata 25–26, 34, 93–97), at mga bishop (mga talata 13–17, 68–76, 87–88). Ano ang magagawa natin para itaguyod ang ating mga lider sa pamamagitan ng ating “pagtitiwala, pananampalataya, at [mga] panalangin”? (talata 22).

  • Paano tayo sasagot kung tanungin tayo ng isang kaibigan nating hindi kabilang sa ating Simbahan ng, “Ano ang priesthood?” o “Ano ang mga susi ng priesthood?” Paano maaaring maapektuhan ng mga turo sa “Karagdagang Resources” ang mga sagot natin? Marahil ay maaari ring makakita ang mga miyembro ng klase ng makakatulong na mga ideya sa Doktrina at mga Tipan 107:1–4, 18–20 (tingnan din sa Tapat sa Pananampalataya, 202–205). Paano tayo tinutulungan ng priesthood na makatanggap “ng mga hiwaga ng kaharian” at “mabuksan ang langit sa [atin]”? Paano tayo tinutulungan nitong “ikalugod ang pakikipag-usap at pagharap ng Diyos Ama, at ni Jesus”? (talata 19).

Doktrina at mga Tipan 107:27–31, 85

Pinamamahalaan ng Panginoon ang Kanyang kaharian sa pamamagitan ng mga council.

  • Sabi ni Pangulong M. Russell Ballard, “alam ko na mga council ang paraan ng Panginoon at na nilikha Niya ang lahat ng bagay sa sansinukob sa pamamagitan ng isang council sa langit” (“Mga Family Council,” Liahona, Mayo 2016, 63). Paano mo maipauunawa sa mga tinuturuan mo kung paano magpayuhan sa tahanan at sa simbahan? Marahil ay maaari mong hilingin sa ilang miyembro na pumasok na handang ibahagi ang kanilang mga karanasan sa simbahan o sa tahanan kung saan ginamit nila ang mga alituntunin ng pagpapayo sa Doktrina at mga Tipan 107:27–31, 85 (o sa mensahe ni Pangulong Ballard na binanggit sa itaas). Isiping anyayahan ang mga miyembro ng klase sa buong linggong ito na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga ideya kung paano nagagawang epektibo ang isang council. Hikayatin ang mga miyembro ng klase na tukuyin ang mga alituntuning natutuhan nila mula sa talakayang ito na makatutulong sa kanila na maging mas epektibo sa pakikibahagi nila sa darating na mga council sa tahanan at simbahan.

    teacher council meeting

    Ang pagpapayuhan ay isang paraan ng pagsasakatuparan ng Panginoon ng kanyang gawain.

icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Awtoridad ng priesthood.

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks:

“Hindi karaniwan sa atin ang sabihing may awtoridad ng priesthood ang kababaihan sa kanilang mga tungkulin sa Simbahan, ngunit ano pa bang awtoridad ang maitatawag dito? Kapag ang isang babae—bata man o matanda—ay itinalaga na mangaral ng ebanghelyo bilang full-time missionary, siya ay binibigyan ng awtoridad ng priesthood para isagawa ang tungkulin ng priesthood. Angkop din iyan kapag ang isang babae ay itinalaga na mamuno o magturo sa isang organisasyon ng Simbahan sa pamamahala ng mayhawak ng mga susi ng priesthood. Sinumang gumaganap sa katungkulan o tungkulin na natanggap mula sa taong mayhawak ng mga susi ng priesthood ay ginagamit ang awtoridad ng priesthood sa pagtupad sa mga gawaing itinalaga sa kanya” (“Ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood,” Liahona, Mayo 2014, 51).

Sabi ni Pangulong M. Russell Ballard:

“Ang ating Ama sa Langit ay bukas-palad sa Kanyang kapangyarihan. Lahat ng lalaki at babae ay may karapatan sa kapangyarihang ito para makatulong sa kanilang buhay. Lahat ng gumawa ng sagradong mga tipan sa Panginoon at tumutupad sa mga tipang iyon ay may karapatang makatanggap ng personal na paghahayag, mapaglingkuran ng mga anghel, makipag-ugnayan sa Diyos, makatanggap ng kabuuan ng ebanghelyo, at, sa huli, maging mga tagapagmana na kasama ni Jesucristo sa lahat ng mayroon ang Ama” (“Kalalakihan at Kababaihan sa Gawain ng Panginoon,” New Era, Abr. 2014, 4–5).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Tulungan ang mga mag-aaral na pasiglahin ang isa’t isa. “Bawat indibiduwal sa klase mo ay saganang pagmumulan ng patotoo, mga kabatiran, at mga karanasan sa pamumuhay ng ebanghelyo. Anyayahan silang magbahaginan at magtulungan” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 5).