Doktrina at mga Tipan 2021
Agosto 30–Setyembre 5. Doktrina at mga Tipan 94–97: “Para sa Kaligtasan ng Sion”


“Agosto 30–Setyembre 5. Doktrina at mga Tipan 94–97: ‘Para sa Kaligtasan ng Sion,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Agosto 30–Setyembre 5. Doktrina at mga Tipan 94–97,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021

Kirtland Temple

Kirtland Temple, ni Al Rounds

Agosto 30–Setyembre 5

Doktrina at mga Tipan 94–97

“Para sa Kaligtasan ng Sion”

Paano mo higit na matutulungan ang mga miyembro ng klase na naghahangad na matanggap ang mga pagpapalang ipinangako sa Doktrina at mga Tipan 94–97?

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Marahil ay maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase ang isang bagay na nakita nila sa Doktrina at mga Tipan 94–97 na naghihikayat sa kanila na mas madalas na magpunta sa templo. O maaari silang magbahagi ng iba pang mga mensahe na nagbigay-inspirasyon sa kanila habang binabasa nila ang mga bahaging ito.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Doktrina at mga Tipan 95:8; 97:10–17

Sa templo pinagpapala ng Diyos ang Kanyang mga tao.

  • Paano mo magagamit ang mga katotohanang itinuro sa Doktrina at mga Tipan 95 at 97 para hikayatin ang mga miyembro ng klase na mas masigasig na hangarin ang mga pagpapala ng templo? Ang isang paraan ay maglagay ng isang larawan ng templo sa gitna ng pisara at itanong sa mga miyembro ng klase kung bakit sa tingin nila ay inuutusan ng Panginoon ang Kanyang mga Banal na magtayo ng mga templo. Maaaring hanapin ng mga miyembro ng klase ang ilang sagot sa Doktrina at mga Tipan 95:8; 97:10–17 at isulat ang nahanap nila sa pisara sa paligid ng larawan ng templo. (Makakahanap sila ng mga sagot sa “Why Latter-day Saints Build Temples” [temples.ChurchofJesusChrist.org].) Paano natupad ang mga layuning ito sa ating buhay? Paano natin magagawang mas mahalagang bahagi ng ating buhay ang templo?

  • Ang Simbahan ay naglalaan ng maraming resources na nagtuturo tungkol sa mga templo. Isipin kung paano mo maaaring gamitin ang ilan sa mga ito para mapagyaman ang isang talakayan sa klase tungkol sa Doktrina at mga Tipan 95 at 97 at hikayatin ang mga miyembro ng klase na mas masigasig na hangarin ang mga pagpapala ng templo. Halimbawa, bago magklase maaari mong anyayahan ang ilang miyembro ng klase na rebyuhin ang resources sa temples.ChurchofJesusChrist.org o Mga Templo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (espesyal na isyu ng Ensign o Liahona, Okt. 2010). Hilingin sa mga miyembrong ito ng klase na pumasok na handang ibahagi ang isang bagay na natutuhan nila na sumusuporta sa mga turo sa mga bahagi 95 at 97.

    Kung mga kabataan ang tinuturuan mo, maaari mo silang anyayahang basahin ang “Gawing Bahagi ng Inyong Buhay ang Templo” (sa Mga Templo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 77–78) at ibahagi kung paano nila inuuna ang templo sa kanilang buhay.

    Ang mga video na “Two Apostles Lead a Virtual Tour of the Rome Italy Temple” at “Temples” (ChurchofJesusChrist.org) ay makatutulong sa mga naghahandang magpunta sa templo.

    Maaari din ninyong sama-samang kantahin ang isang himno tungkol sa mga templo at talakayin kung ano ang itinuturo nito (tingnan sa indeks ng mga paksa sa Mga Himno).

Doktrina at mga Tipan 97:8–9

Maaari tayong maging katanggap-tanggap sa Panginoon.

  • Ano ang matututuhan natin mula sa Doktrina at mga Tipan 97:8 tungkol sa kahulugan ng maging katanggap-tanggap sa Panginoon? Paano iyan naiiba sa mga paraan na hinahangad natin kung minsan na maging katanggap-tanggap sa mundo? Anong mga pagpapala ang ipinangako sa talata 9 sa mga taong katanggap-tanggap sa Panginoon? Maaari ring rebyuhin ng mga miyembro ng klase ang mensahe ni Elder Erich W. Kopischke na “Pagiging Katanggap-tanggap sa Panginoon” (Liahona, Mayo 2013, 104–6.) at ibahagi kung paano ito nakakatulong sa kanila na maunawaan ang mga talatang ito. Kasama sa pahayag sa “Karagdagang Resources” ang paanyaya ni Elder Kopischke na hangaring maging katanggap-tanggap sa Panginoon sa ating buhay.

Doktrina at mga Tipan 97:18–28

Ang Sion ay “ang may dalisay na puso.”

  • Para matulungan ang iyong mga miyembro ng klase na pag-isipan kung ano ang Sion, maaari mong isulat sa pisara ang Ano ang Sion? at anyayahan silang hanapin ang mga sagot sa Doktrina at mga Tipan 97:19 at 21 (tingnan din sa Moises 7:18; Gospel Topics, “Sion,” topics.ChurchofJesusChrist.org). Maaaring makatulong na talakayin kung paano tayo tinutulungan ng Tagapagligtas na magkaroon ng “dalisay na puso.” Ano ang nahihikayat tayong gawin para itayo ang Sion sa ating buhay? sa ating ward o branch? sa ating komunidad?

    Kirtland Temple

    Ang pagtatayo ng Kirtland Temple ay ginawang may mas “dalisay na puso” ang mga Banal.

  • Nagturo ang Panginoon tungkol sa Sion matapos munang utusan ang mga Banal na magtayo ng isang templo “para sa kaligtasan ng Sion” (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 97:12, 18–28). Bakit mahalagang bahagi ng pagtatayo ng Sion ang templo? Paano natutupad ang mga pangakong ginawa ng Panginoon tungkol sa Sion sa mga talata 18–28 sa ating panahon?

icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Pagiging katanggap-tanggap sa Panginoon.

Sa pagtukoy sa “simpleng dibuho” na itinuro sa Doktrina at mga Tipan 97:8, itinuro ni Elder Erich W. Kopischke:

“Ang hangaring matanggap at ang pagtanggap ng Panginoon ang aakay sa atin sa kaalaman na tayo ay pinili at pinagpapala Niya. Madaragdagan ang ating pagtitiwala na aakayin Niya tayo at gagabayan sa kabutihan. Ang Kanyang magiliw na awa ay makikita sa ating puso, sa ating buhay, at sa ating pamilya.

“Buong puso ko kayong inaanyayahan na hangarin ang pagtanggap ng Panginoon at tamasahin ang Kanyang ipinangakong mga pagpapala. Sa pagsunod natin sa simpleng huwaran na ipinakita sa atin ng Panginoon, malalaman natin na tinanggap Niya tayo, anuman ang ating posisyon, katayuan sa buhay, o mga limitasyon sa mortal na buhay” (“Pagiging Katanggap-tanggap sa Panginoon,” Liahona, Mayo 2013, 106).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Kilalanin ang mga tinuturuan mo. Bawat taong tinuturuan mo ay may kakaibang mga karanasan, pananaw, at talento. Ipagdasal na malaman kung paano maaaring maging pagpapala ang mga kontribusyon ng bawat tao sa buong klase. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 7.)