“Nobyembre 22–28. Doktrina at mga Tipan 135–136: ‘Kanyang “Tinatakan ang Kanyang Misyon at Kanyang mga Gawain ng Kanyang Sariling Dugo”’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)
“Nobyembre 22–28. Doktrina at mga Tipan 135-136,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021
Nobyembre 22–28
Doktrina at mga Tipan 135–136
Kanyang “Tinatakan ang Kanyang Misyon at Kanyang mga Gawain ng Kanyang Sariling Dugo”
Habang binabasa mo ang mga bahagi 135–36, maaari kang bigyan ng Espiritu Santo ng mga kabatiran na maaaring makatulong sa mga miyembro ng klase mo. Ang mga ideya sa outline na ito ay maaari ding magpasimula ng mga ideya na maaari mong gamitin habang nagtuturo ka.
Itala ang Iyong mga Impresyon
Mag-anyayang Magbahagi
Narito ang isang paraan ng pag-anyaya sa mga miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang mga naiisip tungkol sa mga bahagi 135–36. Anyayahan silang isipin na kunwari ay maaari nilang kausapin ang isang miyembro ng Simbahan mula sa taong 1844, isang tao na nababalisa tungkol sa pagkamatay ni Joseph Smith at nag-aalala kung ano ang maaaring maging kahulugan nito para sa Simbahan. Ano ang maaari nating ibahagi mula sa mga bahaging ito na maaaring makatulong sa taong ito?
Ituro ang Doktrina
Doktrina at mga Tipan 135; 136:37–39
Tinatakan nina Joseph at Hyrum Smith ng kanilang dugo ang kanilang patotoo.
-
Paano “tinatakan” ng mga sakripisyo nina Joseph at Hyrum Smith ang kanilang patotoo? Maaari sigurong pagnilayan ng mga miyembro ng klase ang tanong na ito habang nirerebyu nila ang Doktrina at mga Tipan 135; 136:37–39. Pagkatapos ay maaari nilang ibahagi ang anumang mga kabatirang natatanggap nila. Maaari rin nilang ibahagi ang kanilang damdamin tungkol sa kahandaan nina Joseph at Hyrum na magbuwis ng buhay para sa katotohanan. Bagama’t maaaring hindi tayo hihilingang magpakamatay para sa katotohanan, paano magiging parang isang “tatak” ang ating buhay para sa ating patotoo?
Si Joseph Smith ay nakagawa ng higit pa para sa ating kaligtasan kaysa sinuman maliban kay Jesucristo.
-
Paano mo maipauunawa sa mga miyembro ng klase kung ano ang ginawa ni Joseph Smith para sa kanilang kaligtasan? Maaari mong isulat sa pisara ang Dahil sa inihayag ng Panginoon sa pamamagitan ni Joseph Smith, ako … at pagkatapos ay anyayahan ang mga miyembro ng klase na mag-isip ng mga paraan para makumpleto ang pangungusap na ito. Maaari silang magsimula sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa Doktrina at mga Tipan 135:3 para sa mga bagay na ginawa ni Joseph Smith upang tulungan tayong magtamo ng kaligtasan. Isiping anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang damdamin tungkol kay Joseph Smith at sa inihayag ng Panginoon sa pamamagitan niya.
-
Ang isa pang paraan para matulungan ang mga miyembro ng klase na mag-isip tungkol sa misyon ni Joseph Smith ay anyayahan silang sumulat ng isang maikling obituary o parangal para sa kanya. Maaari mong talakayin ang mahahalagang kaganapan o tagumpay sa kanyang buhay na maaari nilang isama. Ano ang nakikita nila sa Doktrina at mga Tipan 135 na maaari nilang banggitin? Ano ang maaari nilang sabihin sa kanilang parangal para mapalakas ang pananampalataya ng iba sa banal na misyon ni Joseph Smith?
-
Maraming katotohanan tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala ang inihayag sa pamamagitan ni Joseph Smith—mga katotohanan na nakatulong sa kaligtasan ng lahat ng lalaki at babae. Para matulungan ang mga miyembro ng klase na makilala ang mga kontribusyong ito, maaari mong idispley ang isang larawan ni Jesucristo at hilingin sa ilang miyembro ng klase na magbahagi ng isang paboritong talata tungkol kay Jesucristo mula sa mga banal na kasulatan na inihayag sa pamamagitan ni Joseph Smith: ang Aklat ni Mormon, Doktrina at mga Tipan, at Mahalagang Perlas. Paano tayo natutulungan ng mga banal na kasulatang ito na maunawaan at mas mapalapit sa Tagapagligtas? Paano nakakatulong ang mga katotohanan sa mga talatang ito sa ating kaligtasan?
Maaari nating maisakatuparan ang kalooban ng Panginoon kapag sinunod natin ang Kanyang payo.
-
Ang outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay nagmumungkahi na maghanap ng payo ang mga miyembro ng klase sa Doktrina at mga Tipan 136 na maaaring makatulong sa kanila na gawing espirituwal na karanasan ang isang pagsubok. Maaari ninyong hilingin sa mga miyembro ng klase na ibahagi ang anumang payo na nakita nila. Maaari mo ring hilingin sa kanila na saliksikin ang bahaging ito na naghahanap ng payo na makakatulong sa atin na maisakatuparan ang kalooban ng Panginoon sa ating panahon, tulad noong nakatulong ito sa mga Banal sa kanilang “paglalakbay patungong Kanluran” (talata 1).
-
Maaaring magpasaya sa klase mo ang paglikha ng isang poster na katulad ng mga matatagpuan sa mga magasin ng Simbahan tungkol sa isa sa mga talata sa bahagi 136. Nagpapares-pares o nag-iisa, maaaring magsimula ang mga miyembro ng klase sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa mga talatang ito para sa isang katotohanang namumukod-tangi sa kanila. Pagkatapos ay maaari silang lumikha ng isang simpleng poster na nagpapakita kung paano pa rin tayo matutulungan ngayon ng katotohanang ito, na itinuturo noong 1847.
Karagdagang Resources
Kaugnay na Musika
Ang pagkanta ng sumusunod na mga himno o panonood ng mga video ay maaaring mag-anyaya sa Espiritu Santo o maghikayat ng isang talakayan tungkol sa gawain ni Propetang Joseph Smith at sa mga sakripisyo ng mga Banal na patuloy na sumunod sa kanya.
“Isang Taong Manlalakbay” (Mga Himno, blg. 22). Habang nasa Carthage Jail, hiniling ni Joseph Smith kay John Taylor na kantahin ang himnong ito.
“Purihin ang Propeta” (Mga Himno, blg. 21; video, www.thetabernaclechoir.org/videos/praise-to-the-man-mormon-tabernacle-choir). Ang teksto ng himnong ito ay isinulat bilang parangal kay Joseph Smith.
“Mga Banal, Halina” (Mga Himno, blg. 23; video, www.thetabernaclechoir.org/videos/come-come-ye-saints-mormon-tabernacle-choir).
“Faith in Every Footstep” (video, www.thetabernaclechoir.org/videos/faith-in-every-footstep).