Doktrina at mga Tipan 2021
Karagdagang Resources


“Karagdagang Resources,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Karagdagang Resources,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2021

Karagdagang Resources

Ang resources na ito ay matatagpuan sa Gospel Library app at sa ChurchofJesusChrist.org.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya

Maaari mong iakma ang anumang aktibidad mula sa resource na ito para magamit sa klase mo sa Sunday School. Kung nagamit na ng mga miyembro ng klase ang mga aktibidad na ito sa kanilang personal na pag-aaral o sa pag-aaral ng pamilya ng mga banal na kasulatan, hikayatin silang ibahagi ang kanilang mga karanasan at kabatiran.

Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata

Ang sagradong musika ay nag-aanyaya ng Espiritu at nagtuturo ng doktrina sa paraang madali itong matandaan. Bukod sa mga nakalimbag na bersiyon ng Mga Himno at Aklat ng mga Awit Pambata, matatagpuan mo ang mga recording ng maraming himno at awit pambata sa music.ChurchofJesusChrist.org at sa mga app ng Sacred Music at Gospel Media.

Mga Manwal sa Seminary at Institute

Ang mga manwal sa seminary at institute ay naglalaman ng kasaysayan at komentaryong doktrinal para sa mga alituntuning matatagpuan sa mga banal na kasulatan. Maaari rin itong magganyak ng mga ideya sa pagtuturo para sa mga klase sa Sunday School.

Mga Magasin ng Simbahan

Ang mga magasing New Era, Ensign, at Liahona ay naglalaman ng mga artikulo at iba pang mga feature na maaaring makadagdag sa mga alituntuning itinuturo mo mula sa Doktrina at mga Tipan.

Mga Paksa ng Ebanghelyo

Sa Mga Paksa ng Ebanghelyo (topics.ChurchofJesusChrist.org) matatagpuan mo ang pangunahing impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa ng ebanghelyo, pati na ang mga link sa makakatulong na resources, tulad ng kaugnay na mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, artikulo, banal na kasulatan, at video. Matatagpuan mo rin ang Gospel Topics Essays, na nagbibigay ng detalyadong mga sagot sa mga tanong tungkol sa doktrina at kasaysayan.

lalaking nag-aaral ng materyal ng Simbahan

Mangaral ng Aking Ebanghelyo

Ang gabay na ito para sa mga missionary ay nagbibigay ng isang buod ng mga pangunahing alituntunin ng ebanghelyo.

Para sa Lakas ng mga Kabataan

Ibinabalangkas ng resource na ito ang mga pamantayan ng Simbahan na tumutulong sa mga kabataan at iba pa na maging matatapat na disipulo ni Jesucristo. Isiping sumangguni rito nang madalas, lalo na kung mga kabataan ang tinuturuan mo.

Mga Video at Sining

Ang mga gawang-sining, video, at iba pang media ay makatutulong sa mga tinuturuan mo upang mailarawan nila sa kanilang isipan ang doktrina at mga kuwentong may kaugnayan sa mga banal na kasulatan. Bumisita sa Gospel Media library sa ChurchofJesusChrist.org para i-browse ang koleksyon ng resources sa media ng Simbahan. Makukuha rin ang resources na ito sa Gospel Media app, at marami ring imahe na matatagpuan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo.

Revelations in Context

Ang Revelations in Context: The Stories behind the Sections of the Doctrine and Covenants ay isang koleksyon ng mga sanaysay tungkol sa kasaysayang nakapaligid sa mga paghahayag na nasa Doktrina at mga Tipan. Ang konteksto sa resource na ito ay makakatulong sa iyo na mas maunawaan kung ano ang kahulugan ng mga salita ng Panginoon sa Doktrina at mga Tipan para sa mga naunang Banal sa mga Huling Araw.

Mga Banal

Ang Mga Banal ay isang maramihang tomo ng pagsasalaysay ng kasaysayan ng Simbahan. Ang Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, at tomo 2, Walang Hindi-Pinabanal na Kamay, ay sinasakop ang katulad na panahon ng kasaysayan ng Simbahan na makikita sa Doktrina at mga Tipan. Ang mga kasaysayang ito ay maaaring magbigay sa iyo ng mga kabatiran sa kontekstong nakapaligid sa mga paghahayag na pinag-aaralan ninyo sa Doktrina at mga Tipan.

Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan

Maraming artikulo tungkol sa mga tao, artepakto, heograpiya, at pangyayari sa kasaysayan ng Simbahan ang matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org/study/history/topics.

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Matutulungan ka ng resource na ito na matutuhan at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ni Cristo. Ang mga alituntuning ito ay tinatalakay at pinapraktis sa mga teacher council meeting.