Bagong Tipan 2023
Enero 2–8. Mateo 1; Lucas 1: “Mangyari sa Akin ang Ayon sa Iyong Salita”


“Enero 2–8. Mateo 1; Lucas 1: ‘Mangyari sa Akin ang Ayon sa Iyong Salita,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2023 (2022)

“Enero 2–8. Mateo 1; Lucas 1,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2023

Larawan
Maria at Elizabet

Enero 2–8

Mateo 1; Lucas 1

“Mangyari sa Akin ang Ayon sa Iyong Salita”

Bago mo basahin ang anumang karagdagang mga materyal na pag-aaralan, basahin at pagnilayan ang Mateo 1 at Lucas 1, at itala ang iyong mga espirituwal na impresyon. Hayaang gabayan ng Espiritu ang iyong paghahanda. Pagkatapos ay saliksikin ang mga ideya sa outline na ito at sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya.

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Ang isang pangunahing layunin nina Mateo, Lucas, at ng iba pang mga manunulat ng Ebanghelyo ay patotohanan na si Jesucristo ang Anak ng Diyos. Bigyan ng ilang minuto ang mga miyembro ng klase para rebyuhin ang Mateo 1 o Lucas 1 at magbahagi ng isang talata na nagpapalakas ng kanilang pananampalataya kay Jesucristo. Imungkahi sa klase na habang pinag-aaralan nila ang Bagong Tipan sa taong ito, maaari nilang ilista ang mga siping nagpapatotoo na si Jesucristo ang Anak ng Diyos. Maaari din ninyong gawin ang listahang ito bilang isang klase.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Mateo 1:18–25; Lucas 1:5–80

Ginagamit ng Ama sa Langit ang Kanyang matatapat na anak para isakatuparan ang Kanyang mga layunin.

  • Mas malamang na magkaroon ng mga makabuluhang karanasan ang mga miyembro ng klase habang pinag-aaralan nila ang Bagong Tipan sa taong ito kung makakakuha sila ng mga aral mula sa mga karanasan ng mga tao na pinag-aaralan nila. Para matulungan silang gawin ito, maaari mong isulat ang mga pangalan ng mga tao sa Mateo 1 at Lucas 1 sa pisara, pati na ang mga reperensya sa banal na kasulatan tungkol sa mga taong ito, tulad ng mga sumusunod:

    Ano ang matututuhan natin mula sa mga salaysay na ito na makakatulong sa atin ngayon?

  • Maaari ninyong sama-samang basahin ang Lucas 1:26–38, 46–56, na inaalam ang mga bagay na sinabi ni Maria na naghahayag ng isang bagay tungkol sa kanyang pagkatao. Ano pa ang matututuhan natin mula kay Maria?

Lucas 1:5–25

Dumarating ang mga pagpapala ng Diyos sa Kanyang sariling panahon.

  • Maaaring may mga tao sa klase mo na namumuhay nang matwid, gaya nina Elizabet at Zacarias, subalit hindi pa natatanggap ang isang pagpapalang inaasam nila. Isiping anyayahan ang klase na saliksikin ang Lucas 1:5–25, na hinahanap ang mga aral na matututuhan nila mula kina Elizabet at Zacarias tungkol sa paghihintay sa Panginoon. Anong iba pang mga halimbawa ng paghihintay sa takdang panahon ng Panginoon ang maibabahagi ng mga miyembro ng klase mula sa sarili nilang buhay o mula sa mga salaysay sa mga banal na kasulatan? Ano ang matututuhan natin mula sa mga halimbawang ito? Maaari ding talakayin ng mga miyembro ng klase ang pahayag sa “Karagdagang Resources.”

Lucas 1:26–38

“Sa Diyos ay walang salitang hindi mangyayari.”

  • Paminsan-minsa’y maaaring magtaka ang mga miyembro ng klase—tulad ni Maria—kung paano matutupad ang mga plano ng Diyos para sa kanila o ang mga pangako Niya sa kanila. Para maipaunawa sa mga miyembro ng klase na sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ay posible ang lahat ng bagay, maaari mong idispley ang larawang Ang Pagbati ng Anghel: Nagpakita si Anghel Gabriel kay Maria (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 28) at anyayahan silang sama-samang basahin ang Lucas 1:26–38. Ano ang matututuhan natin tungkol sa pagdaig sa tila imposible sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga salita at kilos ni Maria? Hilingin sa mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga karanasan kung kailan tinulungan sila ng Diyos na isakatuparan ang isang bagay na inakala nilang imposible.

Larawan
icon ng resources

Karagdagang Resources

Paghihintay sa Panginoon.

Sa pagkilala na marami sa atin ang nagtatanong kung bakit kailangan nating maghintay para sa mga pagpapala ng Diyos, sinabi ni Elder Jeffrey R. Holland:

“Ang sagot sa gayong mga tanong ay ‘Oo, kayang gumawa ng Diyos ng mga himala agad-agad, ngunit kalaunan ay matututuhan natin na Siya lang, at wala nang iba, ang makapamamahala sa mga panahon at sandali sa ating mortal na paglalakbay.’ … Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay pagtitiwala sa Diyos sa hirap at ginhawa, kahit na kabilang doon ang ilang pagdurusa hanggang sa ang Kanyang bisig ay maipahayag alang-alang sa atin. …

“… Ang mga ‘naghihintay sa Panginoon ay magpapanibagong lakas, [at] paiilanglang na may mga pakpak na parang mga agila; sila’y tatakbo at hindi mapapagod; … sila’y lalakad, at hindi manghihina’ [Isaias 40:31; idinagdag ang pagbibigay-diin]. Dalangin ko na ‘di maglalaon’—malapit man o malayo pa—ang mga pagpapalang iyon ay dumating sa bawat isa sa inyo na naghahangad ng kaginhawahan mula sa inyong mga pighati at ng kalayaan mula sa inyong kalungkutan. Nagpapatotoo ako sa pag-ibig ng Diyos at sa Pagpapanumbalik ng Kanyang maluwalhating ebanghelyo, na sa anumang paraan ay sagot sa lahat ng isyu na nararanasan natin sa buhay” (“Paghihintay sa Panginoon,” Liahona, Nob. 2020, 116–17).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Hikayatin ang mga miyembro ng klase na pag-aralan ang mga banal na kasulatan sa tahanan. Ang isang paraan na mahihikayat mo ang pag-aaral ng banal na kasulatan sa tahanan ay ang maglaan ng oras para maibahagi ng mga miyembro ng klase ang mga tuklas at kabatiran mula sa kanilang personal na pag-aaral at pag-aaral ng pamilya (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas29).

Print