Bagong Tipan 2023
Hunyo 19–25. Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19: “Natupad Na”


“Hunyo 19–25. Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19: ‘Natupad Na,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2023 (2022)

“Hunyo 19–25. Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2023

si Cristo sa harapan ni Pilato

Ecce Homo [Narito ang Tao], ni Antonio Ciseri

Hunyo 19–25

Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19

“Natupad Na”

Simulan ang paghahanda mong magturo sa mapanalanging pagbabasa ng Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; at Juan 19. Hangaring mamuhay nang marapat sa Espiritu upang makapagbigay ka ng malakas na patotoo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala.

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Anyayahan ang bawat miyembro ng klase na pumili ng isang kabanata sa babasahin para sa linggong ito at mag-ukol ng ilang minuto para suriin itong mabuti, na naghahanap ng isang salita, parirala, o detalye na nagtuturo sa kanila ng isang bagay na makabuluhan tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang misyon. Bigyan sila ng pagkakataong ibahagi ang natuklasan nila at ipaliwanag kung bakit ito makabuluhan sa kanila.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19

Ang kahandaan ni Jesucristo na magdusa ay nagpapakita ng Kanyang pagmamahal sa Ama at sa ating lahat.

  • Para maipaunawa sa klase mo kung paano ipinamalas ng Tagapagligtas ang Kanyang pagmamahal sa pagdurusa at pagkamatay sa krus, subukan ang isang aktibidad na tulad nito: Bigyan ng pusong papel ang bawat miyembro ng klase, at anyayahan silang isulat sa puso nila ang isang parirala mula sa 1 Corinto 13:4–7 na naglalarawan ng pag-ibig sa kapwa. Pagkatapos ay hilingin sa kanila na saliksikin ang Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; o Juan 19 at isulat sa likod ng puso nila ang ilang talatang nagpapakita kung paano ipinamalas ng Tagapagligtas ang pagmamahal na inilarawan sa pariralang pinili nila. Ipabahagi sa kanila ang nakita nila. Anong mga karanasan ang tumulong sa atin na maunawaan ang pagmamahal ng Tagapagligtas?

    koronang tinik

    Ang mga kawal ay “[n]agtirintas ng isang koronang tinik [at] ipinutong nila ito sa kanya” (Marcos 15:17).

  • Makakatulong ang sining para mailarawan ng mga miyembro ng klase sa kanilang isipan ang ilan sa mga pangyayaring nabasa nila sa linggong ito. Marahil ay maaari mong hatiin ang klase sa mga grupo at atasan ng isang larawan ang bawat grupo (tingnan sa “Karagdagang Resources” para sa mga iminungkahing larawan). Maaaring basahin ng mga miyembro ng klase ang mga talatang naglalarawan ng pangyayaring ipinapakita sa kanilang larawan. Pagkatapos ay maaari nilang ibahagi ang kanilang mga iniisip at nadarama tungkol sa mga pangyayaring ito—pati na kung paano mas ipinauunawa sa kanila ng mga ito ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas. Hikayatin ang mga miyembro ng klase na magpatotoo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala.

3:19
4:49

Mateo 27:11–60

Nakinita ng mga sinaunang propeta ang pagdurusa at Pagkapako sa Krus ng Tagapagligtas.

  • Ipinropesiya ng mga sinaunang propeta ang marami sa mga pangyayari sa mga huling oras ng Tagapagligtas. Ang isang paraan para maipakita ito sa mga miyembro ng klase ay ang bigyan ang bawat tao ng isa o mas marami pang mga talata sa banal na kasulatan sa “Karagdagang Resources” at hilingin sa kanila na hanapin ang mga talata sa Mateo 27 na nagpapakita kung paano natupad ang nakasaad sa mga talata. Maaari kang gumawa ng isang tsart na pinagtutugma ang mga propesiya sa mga katuparan nito. Paano pinalalakas ng mga propesiyang ito ang pananampalataya natin kay Jesucristo?

Mateo 27:27–49; Marcos 15:16–32; Lucas 23:11, 35–39; Juan 19:1–5

Hindi mapipigil ng oposisyon ang gawain ng Diyos.

  • Para matulungan ang mga miyembro ng klase na matapat na harapin ang oposisyon habang ipinamumuhay nila nang tapat ang kanilang pananampalataya, maaari mo silang anyayahang basahin ang mga talatang naglalarawan sa pag-uusig na dinanas ng Tagapagligtas (tingnan sa Mateo 27:27–49; Marcos 15:16–32; Lucas 23:11, 35–39; Juan 19:1–5). Ano ang matututuhan natin mula sa mga sagot ng Tagapagligtas na makakatulong sa atin na harapin ang oposisyon? Anong iba pang mga halimbawa ng pagharap sa oposisyon ang makakatulong sa atin? (Tingnan, halimbawa, sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:24–25.)

Lucas 23:34–43

Binibigyan tayo ng Tagapagligtas ng pag-asa at kapatawaran.

  • Kahit sa Kanyang mga huling sandali, patuloy na nagbigay ng pag-asa at kapatawaran ang Tagapagligtas. Mag-isip ng mga paraan para mahikayat ang mga miyembro ng klase na tularan ang Kanyang halimbawa. Halimbawa, maaari mong ipabasa sa kalahati ng klase ang Lucas 23:34–38 at ipabasa sa natitirang kalahati ang Lucas 23:39–43. Maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase ang natututuhan nila tungkol sa Tagapagligtas mula sa mga talatang nakaatas sa kanila. Paano natin matutularan ang halimbawa ng Tagapagligtas?

icon ng resources

Karagdagang Resources

Mga larawan ng pag-uusig, pagdurusa, at pagkamatay ni Jesus.

Mga talata sa banal na kasulatan na nagpopropesiya tungkol sa mga pagsubok at pagkamatay ni Jesucristo.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Humugot ng lakas mula sa Tagapagligtas. “Sa pagsisikap mong mamuhay at magturo nang lalong katulad ng Tagapagligtas, hindi mo maiiwasang magkulang kung minsan. Huwag mawalan ng pag-asa; sa halip, hayaang ibaling ka ng iyong mga pagkakamali at kahinaan sa Ama sa Langit at sa Tagapagligtas” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas14).