Lumang Tipan 2022
Agosto 29–Setyembre 4. Mga Kawikaan 1–4; 15–16; 22; 31; Eclesiastes 1–3; 11–12: “Ang Takot sa Panginoon ang Pasimula ng Karunungan”


“Agosto 29–Setyembre 4. Mga Kawikaan 1–4; 15–16; 22; 31; Eclesiastes 1–3; 11–12: ‘Ang Takot sa Panginoon ang Pasimula ng Karunungan,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Agosto 29–Setyembre 4. Mga Kawikaan 1–4; 15–16; 22; 31; Eclesiastes 1–3; 11–12,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
lalaking nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Agosto 29–Setyembre 4

Mga Kawikaan 1–4; 15–16; 22; 31; Eclesiastes 1–3; 11–12

“Ang Takot sa Panginoon ang Pasimula ng Karunungan”

Paano maaaring pagpalain ng mga mensahe sa Mga Kawikaan at Eclesiastes ang buhay ng mga tinuturuan mo? Sundin ang mga pahiwatig at impresyong natatanggap mo habang nag-aaral at naghahanda kang magturo.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Maraming mensaheng maganda at nakaaantig sa Mga Kawikaan at Eclesiastes. Bago talakayin ang partikular na mga sipi, tulad ng nakamungkahi sa ibaba, anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang ilan sa kanilang mga paborito mula sa kanilang personal na pag-aaral o pag-aaral ng pamilya ng banal na kasulatan sa linggong ito.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Mga Kawikaan 1–4; 15–16; Eclesiastes 1–3; 11–12

“Ikiling mo sa karunungan ang iyong pandinig.”

  • Ang paanyayang maghangad ng karunungan at pang-unawa ay inuulit sa buong Mga Kawikaan. Paano mo matutulungan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang natutuhan nila tungkol sa karunungan sa kanilang pag-aaral? Ang isang paraan ay isulat ang karunungan sa pisara at anyayahan ang mga miyembro ng klase na idagdag ang numero ng mga talata o parirala mula sa Mga Kawikaan o Eclesiastes na sa palagay nila ay naglalaan ng mga kabatiran tungkol sa karunungan. (Kung makatutulong, maaari mong imungkahi sa mga miyembro ng klase na magsaliksik sa Mga Kawikaan 1–4; 15–16; Eclesiastes 1–3; 11–12.) Ano ang natututuhan natin tungkol sa karunungan mula sa mga talatang ito? Paano tayo pinagpapala kapag naghahangad tayo ng karunungan mula sa Diyos?

Mga Kawikaan 1:7; 2:5; 3:7; 8:13; 15:33; 16:6; 31:30; Eclesiastes 12:13

“Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon.”

  • Ang isa pang temang matatagpuan sa buong Mga Kawikaan at Eclesiastes ay “matakot sa Panginoon” (Mga Kawikaan 1:7; tingnan din sa Mga Kawikaan 2:5; 3:7; 8:13; 15:33; 16:6; 31:30; Eclesiastes 12:13). Marahil ay maaaring basahin ng mga miyembro ng klase ang ilan sa mga talatang ito at ibahagi kung ano sa palagay nila ang ibig sabihin ng matakot sa Panginoon. Paano naiiba ang takot sa Panginoon sa iba pang uri ng takot? Maaari kang magbahagi ng mga kabatiran mula sa paliwanag ni Elder David A. Bednar na matatagpuan sa “Karagdagang Resources.”

Larawan
babaeng may bulaklak

Pagkatutong Magtiwala sa Panginoon, ni Kathleen Peterson

Mga Kawikaan 3:5–7

“Sa Panginoon ay buong puso kang magtiwala.”

  • Maaaring masiyahan ang mga miyembro ng klase sa isang pakay-aralin na magpapaunawa sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng “magtiwala sa Panginoon” at “huwag kang manalig sa sarili mong pang-unawa” (Mga Kawikaan 3:5). Halimbawa, maaari mong anyayahan ang isang miyembro ng klase na sumandal sa isang bagay na matibay at matatag, gaya ng pader. Pagkatapos ay maaaring subukin ng taong iyon na sumandal sa isang bagay na hindi matibay, gaya ng walis. Paano ipinapaunawa sa atin ng pagpapamalas na ito ang Mga Kawikaan 3:5? Ano ang itinuturo ng Mga Kawikaan 3:5–7 kung ano ang ibig sabihin ng magtiwala sa Panginoon? Bakit hindi matalino na manalig sa sarili nating pang-unawa? Paano natin nadama na pinapatnubayan ng Panginoon ang ating landas kapag nagtiwala tayo sa Kanya?

Mga Kawikaan 15:1–2, 4, 18, 28; 16:24–32

“Nakapapawi ng poot ang sagot na malumanay.”

  • Para matulungan ang mga miyembro ng klase na talakayin kung paano sila higit na mapapayapa at paano nila mababawasan ang pagtatalo sa kanilang buhay, maaari mong ipabasa sa kanila ang Mga Kawikaan 15:1–2, 18; 16:32. Pagkatapos ay maaari silang magbahagi ng mga karanasan nila na naglalarawan ng mga katotohanan sa mga talatang ito. Halimbawa, kailan nakatulong ang paggamit ng “sagot na malumanay” na “[makapawi] ng poot”? (Mga Kawikaan 15:1). O maaari silang mag-isip ng mga pagkakataon na ipinakita ng Tagapagligtas ang itinuturo sa mga talatang ito (tingnan sa Juan 8:1–11; 18:1–11). Paano natin masusundan ang Kanyang halimbawa kapag nakikipag-ugnayan tayo sa iba?

  • Samantalang hindi alam ng mga manunulat ng Mga Kawikaan ang maraming paraan ng komunikasyon sa ating panahon, ang payo sa Mga Kawikaan 15 at 16 ay maaaring gamitin sa lahat ng uri ng komunikasyon. Para maipaunawa ito sa mga miyembro ng klase, maaari mong anyayahan ang bawat tao na pumili ng isa sa sumusunod na mga talata para basahin: Mga Kawikaan 15:1–2, 4, 18, 28; 16:24, 27–30. Pagkatapos ay maaaring sabihing muli ng mga miyembro ng klase ang kanilang kawikaan bilang payo tungkol sa pakikipag-ugnayan sa iba sa social media, text, o online. Makakakita sila ng karagdagang makatutulong na payo sa “Pananalita” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan (2011), 20–21.

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

“Ang takot sa Diyos ay pagmamahal at pagtitiwala sa Kanya.”

Ipinaliwanag ni Elder David A. Bednar:

“Sa gayon, ang takot sa Diyos ay nagmumula sa tamang pagkaunawa sa likas na kabanalan at misyon ng Panginoong Jesucristo, kahandaang isuko ang ating kalooban sa Kanyang kalooban, at sa kaalaman na bawat lalaki at babae ay mananagot sa kanyang sariling mga kasalanan sa Araw ng Paghuhukom.…

“Ang takot sa Diyos ay pagmamahal at pagtitiwala sa Kanya. Kapag mas lubos ang takot natin sa Diyos, mas lubos natin Siyang minamahal. At ‘ang ganap na pag-ibig ay nagwawaksi ng lahat ng takot’ (Moroni 8:16). Ipinapangako ko na ang maningning na liwanag ng pag-asang dulot ng takot sa Diyos ay papawi sa dilim ng kawalan ng pag-asang dulot ng mga takot natin sa buhay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 50:25) kapag umaasa tayo sa Tagapagligtas, sumasalig tayo sa Kanya bilang ating pundasyon, at sumusulong sa landas ng Kanyang tipan nang may buong katapatan” (“Anupa’t Nabawasan ang Kanilang Pagkatakot,” Ensign o Liahona, Mayo 2015, 48–49).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Magtuon kay Jesucristo. Wala nang mas mainam na paraan para mag-ibayo ang pananampalataya ng mga tinuturuan mo kaysa sa pagtutuon ng lesson mo sa Tagapagligtas. Sa pamamagitan ng iyong pagtuturo, anyayahan ang mga miyembro ng klase na sumandig “sa bato na ating Manunubos, na si Cristo, ang Anak ng Diyos” (Helaman 5:12).

Print