Lumang Tipan 2022
Setyembre 12–18. Isaias 13–14; 24–30; 35: “Kahanga-hanga at Kagila-gilalas [na Gawain]”


“Setyembre 12–18. Isaias 13–14; 24–30; 35: ‘Kahanga-hanga at Kagila-gilalas [na Gawain],’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Setyembre 12–18. Isaias 13–14; 24–30; 35,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
si Joseph Smith nang makita ang Ama sa Langit at si Jesucristo sa Sagradong Kakahuyan

Sagradong Kakahuyan, ni Brent Borup

Setyembre 12–18

Isaias 13–14; 24–30;35

“Kahanga-hanga at Kagila-gilalas [na Gawain]”

Bago mo matulungan ang iba na tuklasin ang mga katotohanan sa aklat ni Isaias, kailangan mong tuklasin ang mga katotohanan para sa iyong sarili. Kapag nagbasa ka sa linggong ito, isipin kung aling mga katotohanan ang nadarama mong dapat bigyang-diin sa klase.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Para mahikayat ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang natututuhan nila mula kay Isaias, maaari mong itanong sa kanila kung paano sila tutugon sa isang taong nagsasabing, “Napakahirap unawain ng aklat ni Isaias.” Ano ang nakatulong sa atin na makita ang kahulugan sa mga turo ni Isaias? Anong mga sipi sa banal na kasulatan ang nakapagbigay na ng inspirasyon sa atin?

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Isaias 24:21–23; 25:6–8; 26:19; 28:16

Itinuturo tayo ng mga isinulat ni Isaias kay Jesucristo.

  • Gaya ni Nephi, maaaring natuwa ang mga miyembro ng klase mo sa patotoo ni Isaias tungkol kay Jesucristo (tingnan sa 2 Nephi 11:2). Maaari mong hilingin sa kanila na magbahagi ng anumang mga talatang natagpuan nila sa pagbabasa nila sa linggong ito na nagturo sa kanila tungkol sa Tagapagligtas. O maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang natutuhan nila tungkol kay Jesucristo mula sa Isaias 24:21–23; 25:6–8; 26:19; 28:16 o sa iba pang mga talatang natagpuan mo sa iyong pag-aaral. Bakit mahalaga sa atin ang mga katotohanang ito?

    Larawan
    si Jesus na nakadamit ng pula

    He Comes Again to Rule and Reign [Muli Siyang Pumarito upang Mamuno at Maghari], ni Mary R. Sauer

Isaias 24:1–5; 28:1–8; 29:7–10; 30:8–14

Ang ibig sabihin ng apostasiya ay pagtalikod sa Panginoon at sa Kanyang mga propeta.

  • Iminumungkahi sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya na pagnilayan ang ilan sa mga talinghagang ginamit ni Isaias para ilarawan ang mga ibubunga ng pagtalikod sa Panginoon at hindi pagtanggap sa Kanyang mga propeta. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi ang kanilang natutuhan. O maaari mong anyayahan ang bawat isa sa kanila na rebyuhin ang isa sa sumusunod na mga sipi: Isaias 24:1–5; 28:7–8; 29:7–10; 30:8–14. Batay sa nabasa nila, maaari nilang kumpletuhin ang pangungusap na ito: “Kung tatalikod tayo sa Panginoon, para tayong…” Ano ang magagawa natin para manatiling tapat sa Panginoon at maiwasang mag-apostasiya? (Tingnan sa “Karagdagang Resources” para sa ilang mungkahi.) Paano pinagpapala ng Panginoon ang mga nananatiling tapat sa Kanya?

  • Para masimulan ang isang talakayan tungkol sa mga pag-uugali at asal na aakay sa atin tungo sa apostasiya, maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na saliksikin ang Isaias 24:1–5; 28:1–8; 29:7–10; 30:8–14. Hilingin sa kanila na hanapin ang mga bagay na iniisip at ginagawa ng mga tao sa panahon ni Isaias. Gumawa ng isang babala sa pisara na nagsasabing Babala: Ang sumusunod na mga pag-uugali at asal ay maaaring humantong sa apostasiya. Maaaring ilista ng mga miyembro ng klase sa pisara ang matuklasan nila sa mga talata. Bigyan sila ng pagkakataong ibahagi kung paano nila pinangangalagaan ang kanilang sarili o ang kanilang pamilya laban sa apostasiya.

Isaias 29:13–24; 30:18–26;35

Maaaring ipanumbalik ng Panginoon ang mga bagay na nawala o nasira.

  • Narito ang isang tanong na maaari mong isulat sa pisara na maaaring makatulong sa mga miyembro ng klase na pagnilayan ang Isaias 29: Paano nauugnay ang mga isinulat ni Isaias sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo sa ating panahon? Hikayatin silang pag-isipan ang tanong na ito habang tahimik nilang binabasa ang Isaias 29:13–24. Kung kailangan nila ng tulong, maaari din nilang rebyuhin ang mga siping kagaya nito: 2 Nephi 27:6–26; Joseph Smith—Kasaysayan 1:17–19, 63–65. Matapos nilang pag-usapan ang tanong na nasa pisara, maaari nilang talakayin kung bakit magagandang salita ang “kahanga-hanga” at “kagila-gilalas” (Isaias 29:14) para ilarawan ang Pagpapanumbalik ng ebanghelyo. Ano ang natututuhan natin tungkol sa Pagpapanumbalik mula sa “Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo”? (ChurchofJesusChrist.org).

  • Ang mga kabanata 30 at 35 ng Isaias ay naglalaman ng ilang sipi na maaaring maghikayat ng higit na pananampalataya sa kapangyarihan ng Panginoon na pagpalain ang mga taong bumabaling sa Kanya. Para matulungan ang mga miyembro ng klase na tuklasin ang mga siping ito, maaari mo silang anyayahang pag-aralan ang Isaias 30:18–26 o kaya ay ang Isaias 35. Hilingin sa kanila na ibahagi ang mga salita o pariralang matutuklasan nila na maaaring makatulong sa isang tao na bumaling sa Panginoon para matubos.

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Pananatiling tapat sa Panginoon at sa Kanyang Simbahan.

Ibinigay ni Pangulong M. Russell Ballard ang sumusunod na payo para tulungan tayong manatiling tapat sa Panginoon at sa Kanyang Simbahan:

“Kailangang patuloy tayong magbalik-loob sa pamamagitan ng pagpapaibayo ng ating pananampalataya kay Jesucristo at katapatan sa Kanyang ebanghelyo habang tayo’y nabubuhay—hindi lang minsan, kundi palagi [tingnan sa Alma 5:26].…

“…Ang mga salita ng Panginoon ay matatagpuan sa mga banal na kasulatan at mga turo ng mga apostol at propeta. Nagbibigay ito sa atin ng payo at tagubilin na, kapag sinunod, ay magiging espirituwal na life jacket at tutulungan tayong malaman kung paano ikakapit nang mahigpit ang ating dalawang kamay.…

“Bukod pa sa pagkakaroon ng nakagawiang personal na pagbabasa ng mga banal na kasulatan, kailangan nating tularan ang mga anak ni Mosias at ituon ang ating sarili ‘sa maraming panalangin, at pag-aayuno’ [Alma 17:3]” (“Manatili sa Bangka at Kumapit nang Mahigpit!Ensign o Liahona, Nob. 2014, 90–91).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Magpahayag ng tiwala sa mga kakayahan ng mga mag-aaral. Maaaring walang kumpiyansa ang ilang tao sa klase mo sa kakayahan nilang matutuhan ang ebanghelyo. Tiyaking muli sa kanila na habang nagsisikap silang matuto, tuturuan sila ng Espiritu Santo. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 29–30.)

Print