Lumang Tipan 2022
Setyembre 19–25, Isaias 40–49: “Inyong Aliwin ang Aking Bayan”


“Setyembre 19–25, Isaias 40–49: ‘Inyong Aliwin ang Aking Bayan,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Setyembre 19–25, Isaias 40–49,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
pinagagaling ni Jesus ang isang lalaking bulag

Healing the Blind Man [Pinagagaling ang Lalaking Bulag], ni Carl Heinrich Bloch

Setyembre 19–25

Isaias 40–49

“Inyong Aliwin ang Aking Bayan”

Maaaring nag-aatubili ang ilang tao na ibahagi ang kanilang mga ideya sa klase dahil pakiramdam nila ay hindi nila gaanong alam ang mga banal na kasulatan. Paano mo maipadarama sa lahat ng miyembro ng klase na pinahahalagahan ang kanilang espirituwal na mga kabatiran?

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Isiping isulat sa pisara ang isang tanong na kagaya ng sumusunod: Ano ang itinuro sa inyo ng Espiritu nang pinag-aralan ninyo ang Isaias 40–49? Maaaring pagnilayan ng mga miyembro ng klase ang tanong na ito at isulat ang mga sagot, at maaaring ibahagi ng ilan ang kanilang mga iniisip.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Isaias 40–49

Maaari tayong aliwin at bigyan ng pag-asa ni Jesucristo.

  • Iminumungkahi sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya na maghanap ng mga mensahe ng aliw at pag-asa sa Isaias 40–49 at naglilista ng ilang sipi para makapagsimula. Maaari mong hilingin sa mga miyembro ng klase na ibahagi ang anumang mensaheng napag-alaman nila. Hikayatin silang pag-usapan kung bakit maaaring nakatulong ang mga mensaheng ito sa mga Judio na nasa pagkabihag at kung paano tayo matutulungan ng mga ito ngayon. Maaari mo rin silang ituro sa mga sipi o talatang natagpuan mo sa iyong personal na pag-aaral. Ano ang nais ng Panginoon na malaman natin tungkol sa Kanya? Paano Niya tayo inaaliw? Maaari mong ipaalala sa mga miyembro ng klase na “ang Panginoon” sa Lumang Tipan ay tumutukoy kay Jehova, o Jesucristo.

  • Ang himnong “Saligang Kaytibay” (Mga Himno, blg. 47) ay humuhugot ng mga salita kay Isaias sa Isaias 41:10; 43:2–5; 46:4. Matapos basahin ang mga talatang ito at kantahin ang kaugnay na mga talata ng himno, maaaring pag-usapan ng mga miyembro ng klase ang mga pagkakataon na nadama nila na kasama nila ang Panginoon at kung paano sila natulungan ng kanilang mga karanasan na “huwag … matakot.”

Larawan
si Jesus na nakaupo sa lupa at nagtuturo sa mga tao

“Kanyang pakakainin ang kanyang kawan na gaya ng pastol” (Isaias 40:11).

Isaias 40:1–3, 9–11; 43:8–13; 48:20–21; 49:1–9

“Kayo’y aking mga saksi.”

  • Ano ang ibig sabihin ng maging mga saksi ng Panginoon? Maaaring pagnilayan ng mga miyembro ng klase ang tanong na ito habang binabasa nila ang isa o mahigit pa sa sumusunod na mga sipi: Isaias 40:1–3, 9–11; 48:20–21; 49:1–9. Ang pahayag sa “Karagdagang Resources” ay maaari ding maglaan ng ilang sagot. Ano ang ibinabahagi nating “mabubuting balita” bilang mga saksi ng Panginoon? Ano sa mga talatang ito ang tumutulong sa atin na “huwag … matakot” na ibahagi ang ating patotoo? (Isaias 40:9). Maaaring pag-usapan ng mga miyembro ng klase ang mga pagkakataon nilang maging mga saksi ng Panginoon at kung paano mapagpapala ng kanilang patotoo ang iba.

  • Para matulungan ang mga miyembro ng klase na ipamuhay ang mga turo sa Isaias 43:8–13, maaari mo silang anyayahang isipin na kunwari ay natawag silang tumayo bilang saksi sa isang paglilitis sa hukuman. Sa paglilitis na ito, inakusahan si Jesucristo na ipinahayag Niya ang nakatala sa Isaias 43:11. Kung tinawag tayo bilang mga saksi para suportahan ang pahayag ni Jesus (tingnan sa talata 10), anong patotoo ang maibibigay natin? Ano ang maipapakita nating katibayan mula sa ating buhay?

Isaias 48:10; 49:13–16

Maaari tayong pinuhin ng Panginoon sa pamamagitan ng ating mga pagdurusa

  • Marahil ay maaaring talakayin ng mga miyembro ng klase kung paano maipauunawa sa atin ng mga salitang ito mula kay Elder Quentin L. Cook ang Isaias 48:10: “Ang uri ng pagkatao at kabutihang nahuhubog sa pagdanas natin ng hirap ang nagpapasakdal at nagpapadalisay … sa atin” (“Mga Tahimik Nilang Himig,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 106). Maaari din nilang pag-usapan kung paano sila natulungan ng “hurno ng kapighatian” na espirituwal na mapino. Paano tayo tinutulungan ng Isaias 49:13–16 kapag tayo ay nahihirapan?

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Pagtayo bilang isang saksi.

Ipinaliwanag ni President Margaret D. Nadauld ang ibig sabihin ng “tumayo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar” (Mosias 18:9):

“Sa pagtayo bilang saksi sa lahat ng panahon, nangangako tayong mamahalin ang Panginoon, igagalang Siya sa lahat ng panahon—araw at gabi, tag-init at taglamig, sa hirap at ginhawa—mamahalin ang Panginoon at ipapakita ang pagmamahal na iyon sa paraan ng ating pamumuhay.…

“Ang pagtayo bilang saksi sa lahat ng bagay ay nangangahulugan ng lahat ng bagay—malalaking bagay, maliliit na bagay, sa lahat ng pag-uusap, sa biruan, sa mga laro at mga binabasang aklat at pinakikinggang musika, sa mga adhikaing itinataguyod, sa paglilingkod na ibinibigay, sa mga damit na isinusuot, sa mga pakikipagkaibigan.…

“Sa huli, sinasabi natin na tayo ay tatayo bilang saksi sa lahat ng lugar. Iyan ay nangangahulugan na hindi lamang sa mga pampublikong lugar kundi sa mga pribadong lugar, sa tago, sa madidilim o maliliwanag na lugar; sa simbahan, paaralan, tahanan, o sasakyan; sa mga bundok o sa beach; sa kalsada o sa parke.…

“Kapag iniisip natin ang kadakilaan ng kaloob [ng Tagapagligtas] sa atin, anong maliit na bagay ang magagawa natin para sa Kanya at para sa ating Ama sa Langit na nagsugo sa Kanya? Maaari tayong tumayo bilang mga saksi ng Kanilang pagmamahal at mga turo sa lahat ng panahon, sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar” (“Tumayo Bilang Saksi,” Liahona, Hulyo 2000, 93, 95).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Maghikayat ng masigasig na pagkatuto. “Ang mga mag-aaral pa rin ang responsable sa sarili nilang pagkatuto. Isipin kung paano mo matutulungan ang mga mag-aaral na tanggapin at gampanan ang responsibilidad na ito” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 29).

Print