Lumang Tipan 2022
Agosto 22–28. Mga Awit 102–103; 110; 116–119; 127–128; 135–139; 146–150: “Lahat ng Bagay na May Hininga ay Magpuri sa Panginoon”


“Agosto 22–28. Mga Awit 102–103; 110; 116–119; 127–128; 135–139; 146–150: ‘Lahat ng Bagay na May Hininga ay Magpuri sa Panginoon,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Agosto 22–28. Mga Awit 102–103; 110; 116–119; 127–128; 135–139; 146–150,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
si Cristo na nakasuot ng pulang bata na napapaligiran ng nakaluhod na mga tao

Every Knee Shall Bow [Bawat Tuhod ay Luluhod], ni J. Kirk Richards

Agosto 22–28

Mga Awit 102–103; 110; 116–119; 127–128; 135–139; 146–150

“Lahat ng Bagay na May Hininga ay Magpuri sa Panginoon”

Sa palagay mo, alin sa mga turo sa Mga Awit ang lubos na makakatulong sa mga miyembro ng klase mo? Habang nag-aaral ka sa linggong ito, pagnilayan kung paano mo matutulungan ang mga miyembro ng klase na makahanap ng kabuluhan sa mga salita ng mga awit na ito.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Bigyan ng ilang minuto ang mga miyembro ng klase para rebyuhin ang mga awit na binasa nila sa linggong ito, at anyayahan ang ilan na ibahagi ang paborito nilang talata. Hikayatin silang ibahagi kung ano ang itinuro sa kanila ng Espiritu. Paano napag-ibayo ng Mga Awit ang ating personal na pagsamba sa Panginoon?

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Mga Awit 102–3116

Mapapanatag tayo ng Panginoon sa ating pagdurusa.

  • Nadama na ba ng mga miyembro ng klase mo ang nadama ng may-akda ng Awit 102 ? Paano tayo makakabaling sa Panginoon kapag pinanghihinaan tayo ng loob o naliligalig? Nang pag-aralan nila ang Mga Awit 102, 103, at 116 sa bahay sa linggong ito, maaaring may natagpuang mga parirala ang mga miyembro ng klase na nagbigay-inspirasyon sa kanila na bumaling sa Panginoon sa kanilang mga pagsubok. Hikayatin silang ibahagi ang natuklasan nila, o sama-samang maghanap ng ilang inspiradong parirala bilang isang klase. Maaari ding ikuwento ng mga miyembro ng klase kung paano sila nasuportahan ng Panginoon sa mga oras ng paghihirap.

  • Maaaring masiyahan ang mga miyembro ng klase mo na sumulat ng sarili nilang awit tungkol sa kung paano sila natulungan ng Panginoon sa mga oras ng pagsubok. Hindi kailangang maging mahaba o kumplikado ang mga awit na ito—mga simpleng pagpapahayag lamang ng pananampalataya, pasasalamat, at papuri. Maaaring gumawang mag-isa o nang magkakapares ang mga miyembro ng klase, at maaari nilang rebyuhin ang Mga Awit 102, 103, at 116 para sa mga ideya. Anyayahan ang ilang tao na ibahagi ang kanilang mga awit, kung gusto nila. Maaari din ninyong sama-samang kantahin ang mga himno tungkol sa kung paano tayo pinapanatag ng Panginoon, tulad ng “Saan Naroon ang Aking Kapayapaan?” (Mga Himno, blg. 74).

    Larawan
    si Jesus na may pinagagaling

    Healing [Pagpapagaling], ni J. Kirk Richards

Awit 119

Pananatilihin tayo ng salita ng Diyos sa Kanyang landas.

  • Para magpasimula ng isang talakayan tungkol sa Awit 119, maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na magkuwento tungkol sa isang pagkakataon na sinundan nila ang isang landas para makaabot sa isang destinasyon (maaaring makatulong na kontakin nang maaga ang isang tao at hilingan siyang maghandang magkuwento tungkol dito). Anong mga karanasan ang nagpahirap sa pananatili sa landas? Ano ang nakatulong sa kanila na manatili roon? Pagkatapos ay maaari mong idrowing ang isang landas sa pisara at anyayahan ang mga miyembro ng klase na isulat ang mga kataga mula sa Awit 119 na nagkukuwento kung ano ang nagawa ng Panginoon upang tulungan tayong manatili sa Kanyang landas ng tipan. Isiping ibahagi ang sipi ni Pangulong Russell M. Nelson sa “Karagdagang Resources” bilang bahagi ng inyong talakayan.

  • Maaaring makinabang ang mga miyembro ng klase mo sa pagkukumpara ng itinuturo sa Awit 119 tungkol sa pananatili sa landas ng Panginoon sa iba pang mga banal na kasulatan na nagtuturo ng gayon ding mga katotohanan. Isiping hatiin ang klase sa mga grupo at hilingin sa bawat grupo na rebyuhin ang mga talata sa banal na kasulatan na tulad ng mga ito: Awit 119:33–40, 105; Mga Kawikaan 4:11–19; 1 Nephi 8:20–28; 11:25; 2 Nephi 31:17–21; Alma 7:9, 19–20. Anyayahan ang bawat grupo na ibahagi ang natutuhan nila. Bigyan ng oras ang mga miyembro ng klase na pagnilayan kung ano ang nahihikayat silang gawin batay sa kanilang natutuhan.

Awit 139

Alam ng Panginoon ang nasa ating puso.

  • Ang pag-unawa na alam ng Panginoon ang nangyayari sa atin—ang ating mga iniisip at ikinikilos, mga kalakasan at kahinaan—at na mahal Niya tayo ay maaaring magkaroon ng malaking impluwensya sa mga pagpapasiyang ginagawa natin. Maaari mong anyayahan ang klase na maghanap ng mga kataga sa Awit 139 na nagtuturo sa mahalagang katotohanang ito. Paano naaapektuhan ang ating buhay ng pag-alam sa katotohanang ito? Maaari ding talakayin ng mga miyembro ng klase ang mga paraan na maaanyayahan natin ang Panginoon na “siyasatin mo ako, O Diyos, at alamin mo ang aking puso” (talata 23).

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Ang makipot at makitid na landas.

Sabi ni Pangulong Russell M. Nelson:

“Kung nais nating maging matagumpay ang paglalakbay natin sa buhay, kailangang sumunod tayo sa banal na gabay. Sinabi ng Panginoon, ‘Isaalang-alang ako sa bawat pag-iisip; huwag mag-alinlangan, huwag matakot’ [Doktrina at mga Tipan 6:36]. At isinulat ng Mang-aawit, ‘Ilawan sa aking mga paa ang salita mo, at liwanag sa landas ko’ [Awit 119:105]. …

“Sa paglalakbay ninyo sa buhay, nakakaharap ninyo ang maraming hadlang at nakakagawa kayo ng ilang pagkakamali. Tinutulungan kayo ng mga banal na kasulatan na makilala ang inyong mga pagkakamali at gumawa ng nararapat na pagwawasto. Humihinto kayo sa pagpunta sa maling direksyon. Pinag-aaralan ninyong mabuti ang mga banal na kasulatan na gagabay sa inyo. Pagkatapos ay nagsisisi at nagsasauli kayo ng mga bagay na kinuha ninyo o itutuwid ang maling nagawa ninyo upang makarating sa ‘makipot at makitid na landas na patungo sa buhay na walang hanggan’ [2 Nephi 31:18]” (“Namumuhay sa Patnubay ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Ene. 2001, 17).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Isama ang mga may mahirap na pinagdaraanan. Kung minsa’y kailangan lang isama ang mga miyembro ng klase na may mahirap na pinagdaraanan para madamang may nagmamahal sa kanila. Isiping hilingan sila na tanggapin ang isang tungkulin sa isang darating na lesson, anyayahan sila sa klase, o tiyakin na may paraan sila para makarating sa simbahan. Huwag sumuko kung hindi sila tumugon sa iyong mga pagsisikap sa simula. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 8–9.)

Print